Kabanata 13
Pinapapunta ako ni Bella sa National Bookstore kasi hindi na raw siya makakadaan sa National Bookstore na malapit sa school niya kaya ako na lang daw bumili.
Sa bahay raw kasi siya matutulog. Bumilis kasi bigla ang mga araw friday na naman ganun na ata pag okay ang lahat bumibilis ang araw.
Wala naman laro ang UST bukas kaya okay din na matulog si Bella sa bahay.
Pinapili niya ako ng short bond paper kasi wala na kami nun, kaylangan niya raw mag print kaya kaylangan niya ng papel.
Pagtapos ng class ko ay didiretso na ako sa trinoma at doon pa ako bibili ng kaylangan ni Bella. Wala lang gusto ko lang mag gala tsaka malapit din naman 'yun sa bahay.
Ang bagal nga lang ng oras. Nakakatamad na makinig pero kaylangan.
Nakita ko naman si Aya na nakatingin sakin.
"Tingin mo si Alexa?" Bulong niya.
Nagbutonghininga na lang ako sa kanya.
Ayaw niya pa rin tumigil sa katatanong kung si Alexa ba. Kung ako sa kanya si Alejandro na tinatanong ko kaso nga lang mukhang hinsi masasagot ni Alejandro.
Tsaka feeling ko iniinis lang ako ni Aya.
Natapos ang class ko kaya lumabas ako agad. Nakita ko naman si Aya na papalapit sa akin.
"Tingin mo nga si Alexa?"
Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin ang lala nang babaeng 'to.
Bahala siya riyan.
Binilisan ko ang lakad para makalayo na kay Aya.
Sumakay na ako papuntang trinoma buti nga mabilis ako nakasakay. Minsan ang hirap sumakay e!
Pagdating ko sa trinoma dumiretso na ako agad sa National Bookstore nakita ko naman 'yung gusto kong bilhin na calligraphy pens kaso mahal talaga tsaka hindi ako ganun kagaling pero gusto kong matuto.
Tumagal akong nakatitig doon, biglang naman may kumuha ng calligraphy pens na pinag-iisipan kong bilhin.
Napatingin ako sa kumuha nakita ko si Alejandro Mercado. Pinagmasdan ko siya sobrang simple lang ng porma niya ngayon shorts and white t-shirt na v neck. Tila siya si Jay nakaclean cut kaso nga lang mas softy 'yung mukha ni Jay kaysa sa kanya.
"Bibilhin mo?" I asked him.
"Will buy it for my sister."
May sister pala siya. Gusto ko rin tuloy ng kapatid para may bumili sa akin ng calligraphy pens kahit hindi ko masyadong kaylangan.
Nakaka-amaze kasi yung mga nakikita ko sa twitter na nag calligraphy sila kaya gusto ko pang matuto kahit papaano.
"Suwerte naman niya!"
"It's look like you really wanted to buy it?" Tiningnan ko lang siya habang sinabi niya 'yun. "And kanina pa kita titingnan ang tagal mo na ring nakatitig diyan. Hinihintau kita umalis pero hindi na ako nakatiis kaya kinuha ko na." He added.
"Pinag-iisipan ko kasi kung bibilhin ko."
Tiningnan niya naman 'yung stock at isa na lang ang natitira. Hays. Pagbalik ko rito bibilhin ko na 'yung isa na yan. Sayang e! Maganda raw quality nung pen na 'yun sabi ni Bella.
Nagulat naman ako nung kinuha ni Alejandro 'yung isa pa. So wala na akong babalikan?
"Dalawa na lang din naman ang natitira bibilhin ko na parehas."

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Roman pour AdolescentsThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...