Kabanata 5
Lumipas ang ilang oras sa hospital ay umuwi kami ni Papa at si Bella ay hinatid na lang namin sa kanyang dorm.
Naiwan naman sa hospital si Mama. Hindi naman kami pwede ni Bella dahil may pasok pa bukas. Isa lang talaga ang pwedeng mag sakripisyo. Kaya si Mama na lang daw ang mag babantay. Kahit gustuhin man namin kaylangan parin namin pumasok ni Bella.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako mapapalagay sa bahay kahit sinabi ng Doctor na okay na si Lola. Parang may kaba parin sa dibdib ko. Kaya paguwi ko ay naligo agad ako at nahiga na sa kama ko. Nag dasal ako nasa maging okay na talaga si Lola. Bumalik na ang dati niyang sigla kasi bata palang siya. Kaylangan pa namin ng Lola.
Nilibang ko ang sarili ko kaya tininginan ko na lang mga social media account ko at may nakita ako roon na twitter serye na kwento ni Paul kasama yung vlogger ata mukhang sikat eh. Ang napansin ko lang ay ako na naman kontrabida. Tsk. Pero kung diyan sila masaya edi go. Basahin ko mamaya. Para naman malibang ako. Tingnan ko lang kung paano nila ako gagawing kontrabida.
Nag scroll pa ako sa feed ko sa twitter may nakita naman akong retweet quote mula kay Aya nakalagay ay "talo man kanina hmm, bawing bawi naman sa boses mo!!" Kumakanta na naman si Alejandro. Okay lang sana siya eh. Mukhang mapagmahal kasi may inaawitan na babae tsaka maganda talaga boses niya pwedeng pangbato. Kaya mag singer na lang talaga siya. Mukhang may mas career siya!
Dalawang beses ko inulit ang pagkanta niya ng passenger seat by Stephen Speaks. Ganda ng boses sana boses na lang siya. Ayusin niya lang ugali niya. Edi umayos na siya!
Bigla naman may nag notif na nag text si Bella binuksan ko naman agad.
Bella:
Ganda talaga ng boses ni Alejandro! Nakakainlove! Kaso may Villanueva na ako! Sayo na lang sis? Ay kaso may Lazaro ka na?Wow. Bilis naman mainlove nito. Baka mabalitaan ko na lumipat na siya ng NU dahil kay Alejandro. Tsaka hindi naman kami ni Lazaro. Pero kahit walang Lazaro hmm, wala parin yang si Alejandro Mercado.
Bella:
Para kanino kaya yung kanta? Para saatin kaya kasi nasa car niya tayo kanina!Me:
Asa ka.Bella:
Ang haka haka ay yung mga kanta ni Paul ay para raw sa isang babae!! Sino kaya 'yun? Swerte naman niya! Sana ako na lang! Handa akong iwan si Villanueva kasi iniwan niya narin naman ako.Totoo pala ang nabasa ko. May pinaglalaan pala siya. Ang sungit niya siguro kaya di siya magusto nun. Gusto ko tuloy malaman kung sino. Sana mabusted siya o kaya masungitan man lang siya! Joke! Ang sama ko!
Bumalik na lang ako sa pag twitter baka magkasala pa ko pag inisip ko si Alejandro. May nakita naman ako na tweet ni Bella about kay Alejandro. Ang caption ay "Thanks for the ride Alejandro!"
Nag thank you pa talaga siya sa twitter ah! Nag reply naman si Alejandro sabi niya sasusunod daw ulit!
Akala niya naman may susunod pa. May Paul na ako sa susunod. Sana.
Masyadong mahaba ang araw kaya pinili ko na lang matulog. Kahit ang hirap kasi ang bigat bigat pa ng puso ko. Hirap pala makatulog pag ganto. Kaya nag dasal ulit ako. Gagaling 'yan si Lola!
Pagising ko ay nakita ko na may nag text saakin sa telegram. Mas gamit ko rin ang telegram. Parang ang dali dali niya kasi gamitin tsaka okay narin 'to konti lang ang may alam.
Ang nakalagay na pangalan sa textay Miggy. Nagulat naman ako kasi konti lang nakakaalam ng name ko rito ang nakalagay lang sa text niya ay 'Hi!' Tiningnan ko agad ang icon na meron siya sa telegram baka kasi kilala ko talaga pero hindi ko makilala. Kaya hindi ako nag reply sakanya.
Pinili ko na lang ang pumasok kasi maaga ang class ko.
Ang bilis ng oras at lunch na. Wala naman akong kasama mag lunch dahil busy si Paul. Hindi ko naman makulit iba kong kaibigan kasi kung hindi mo ako yayain edi wag kaya kong mag isa dahil pinalaki akong mag isa kakain ako mag isa.
Pag bukas ko naman sa data ko ay nakita ko na naman na nag text na naman yung Miggy! Aba'y napaka kulit naman pala nito.
Miggy:
Don't ignore me.Demanding ka? Yung mga kaibigan ko nga hindi ko nirereplayan minsan siya pa kaya?
Nakita ko naman na nag text pa ulit siya.
Miggy:
Mabait naman ako hindi ako nangangat. Gusto lang kitang maging kaibigan. I guess?Bakit ba ayaw tumigil nito? Kaya wala na akong magawa nag reply na ako para matapos na.
Me:
Sino ka ba?Agad agad naman siya nag reply. Speed ang loko!
Miggy:
Miguel Tolentino ng NU men's basketball team. You can call me Miggy.Me:
Allergic ako sa bulldog! Sorry.Natawa na lang ako sa isip ko. Bakit ba ako nakilala nito? Ang ganda ko naman pala masyado.
Nag text pa ulit siya pero hindi ko muna binasa dahil nag search muna ako kung totoo talaga siya. Mahirap na baka wala naman talagang Miggy Tolentino baka poser lang siya ayaw kong mag pauto wala sa personality ko 'yun.
Pero mukhang totoo naman siya. Tiningnan ko ulit message niya.
Miggy:
Awtsu. Hindi ka naman sasaktan ng bulldog ah.Me:
Laos ka na boy! Tsaka on season ah? Bat pala text?Si Paul nga hindi pala text! Tapos siya ang dami niyang time? Pero may mga tao talagang nagbibigay ng oras kahit busy sila.
Miggy:
Concern ka kaagad!! Pa-fall ka Miss Jasmine Alonzo :(Pabebe naman nito at feeling akala mo naman gwapo! Saan kaya ako nakilala nito buong pangalan pa talaga ah! Galing niya mag hanap ah!
Nakita ko naman na nag text ulit siya. Inuubos niya time ko ah.
Miggy:
Mabait naman si Kapitan. Tsaka break naman namin ngayon.Break na nga nila. Ibig sabihin pahinga pala phone pa pwede naman mag aral naman siya? Ayaw ko naman iyan ang ireply baka sabihin niya concern ako sakanya. Masyado pa naman siyang feeling.
Me:
Seryoso ka mabait Kapitan niyo?Miggy:
Oo naman Jas! Pero hindi ako sure ngayon ah? Binanggit ko lang pangalan mo mukhang papatakbuhin ako sa buong NU campus! Sige bye muna! Maya ulit!

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...