Kabanata 22

616 10 0
                                        

Kabanata 22

Lumipas ang mga araw ganoon parin ang sitwasyon sa bahay. Mukhang lilipat na nga rito si Bella hindi na siya mag dorm para may kasama ako sa bahay.

Hindi na rin nakakapasok ng maayos si Mama sa trabaho niya buti na lang naiintindihan ng boss niya.

Kung pwede rin na hindi na kami pumasok ni Bella ay gagawin namin kasi hindi naman namin alam kung hanggang kelan na lang si Lola sayang mga araw kung hindi pa namin ibibigay sa kanya.

Kakauwi ko lang galing UST nahiga muna ako sa sofa kasi sobrang pagod na yung katawan ko pati utak. Hindi na ako makapag focus sa anong gusto kong gawin sa buhay dahil kay Lola.

Hinanap ko ang phone ko para tingnan ang groupchat namin nakita ko naman na nag text si Miggy.

Miggy:
Dito lang ako kung kaylangan mo ng kausap.

Matagal tagal na rin yung last na text niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag text sa akin pero okay naman ako sa ngayon.

Me:
Thank you.

Tiningnan ko rin yung text ni Vito.

Vito:
Nood ka na lang ng team payaman vlogs!

Nagulat naman ako sa text niya hindi ako sigurado kung sino yung team payaman pero narinig ko na sila minsan na banggit ni Bella.

I search team payaman sa youtube. Hindi ko nga lang alam kung anong channel nila roon pinaka sikat ata yung Cong kaya pinanood ko. Nakakaaliw naman sila, isa pa lang napapanood ko pero aliw na aliw na ako sa kanila.

Hindi ako palatawa pero tawang tawa ako sa kanila, minsan may maganda rin na dulot si Vito sa buhay ko.

Vito:
Kapag sinimulan mo yan baka hindi ka na tumigil ah!

Napangiti naman ako sa text ni Vito kasi tama siya hindi ko man lang namalayan na tatlong oras na ako nanonood at kaylangan ko na matulog kasi baka ma late pa ako sa game nila bukas.

Hindi ko na siya nireplayan kasi kanina pa naman siya nag text tsaka baka daldalin niya pa ako. May game pa siya bukas. Pag pinansin ko kasi siya hindi na siya titigil.

Isa lang reply ko sampu irereply niya.

Matutulog na sana ako kaso tumawag si Mama. Alas siyete pa lang naman ng gabi baka mag papaalala lang.

"Jas..." Nagulat ako kasi hindi boses ni Mama ang narinig ko boses ni Bella.

"Oh?"

"Baka hindi na ako makauwi riyan... Dito muna ako."

Hindi ko naman mawari kung anong meron sa boses niya dahil nangangtog.

"Bakit?"

"Si Lo-lola kasi tila nag papaalam na."

Rinig na rinig ko naman yung pagpipigilin niya ng luha. Nanginginig pa rinboses niya.

"Wait... La, naman!"

"Anong nangyayare?"

"Tita si.. Lola po!" Rinig ko sa kabilang linya.

"Wait... Jas mamaya na lang nag aagaw buhay si Lola."

Pinatay ko na agad agad yung tawag.
Nag hanap ako ng pwedeng tawagan na tao. Tinawagan ko naman si Miggy kasi hindi ko malapitan si Paul may laro sila bukas. Sabi naman ni Miggy nandyan siya para sa akin.

"Hello! Ano..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam paano sisimulan.

Nangangatog pa ang boses ko.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon