Kabanata 10
Lumipas ang mga araw hindi parin ako pinapansin ni Paul. Nagtataka narin si Bella dahil siya lang daw ang ma-ingay sa groupchat namin hindi raw nag rereply si Paul pati narin ako.
Hinayaan ko na lang din kasi si Paul! Lilipas din 'yun kung ano man 'yung problema niya sa akin kung meron man.
Buti na lang meron akong Miggy ngayon. Napaglalabasan ko siya ng mga nangyayari sa akin. Miggy and I are still friends at sa tingin ko it will stay the same.
Sobrang sarap niya kausap kaya sobrang sarap niya maging kaibigan.
Miggy:
I'm free!!!Me:
Wow! Ganap?Miggy:
Intramuros? Lets g!Ngayon lang kami magkikita sana naman matiisan niya ugali ko. Sana lang okay sa kanya 'yung hindi pala salita.
Me:
Wow! Intramuros Friendly Date?I will wear a jeans then white long sleeve ribbon tie crop. Sana naman hindi ako ang mag picture mamaya pero nagdala ako camera gusto ko mag post ng sarili ko at alam kong maganda sa Intramorus. Kaya sana hindi ako mahiya kay Miggy mamaya pero feeling ko hindi naman.
Susunduin ako ni Miggy sa bahay namin hindi naman nagtaka sila Mama. Matanda naman na ako kaya pinapayagan na nila ako.
"Hi?" Sabi niya pag pasok ko sa sasakyan niya.
"Wag ka ngang kabahan!" Natatawa kong sabi.
"It's our first time to meet no!" Sagot naman niya.
Normal lang ang suot niya. T-shirt na white then pants. Mukha kaming couple dahil sa suot namin.
Nung nakarating kami sa Intramuros excited agad ako kumuha ng litrato. Minsan lang ako gumala kaya sulitin ko na. Buti nga nakasasakyan kami e! Kung hindi puro lakad dito sa Intramuros.
Bumaba kami saglit sa Casa Manila para mag take ng picture. Nakatingin lang sa akin si Miggy habang namamangha ata sa pagkuha ko ng litrato.
Nung tiningnan ko siya ay kumuha na lang din siya ng litrato gamit ang phone niya. Kinuhanan ko naman siya gamit ang camera ko.
"Ikaw naman picturan ko." Sabi niya. Tumango naman ako kasi kanina ko pa talaga gusto kung hindi niya ako aalokin baka ma zero ako rito. Sayang punta pag ganoon.
Maraming beses niya ako kinuhanan ng pictures. Ayaw niya na nga ata ibigay sa akin ang camera ko. Gusto niya na lang ata akong kuhanan.
"Gandang ganda sa akin?" Tanong ko sa kanya sabay tawa.
"Huh?" Patay malisya niya lang na sagot.
"Hanap tayo mag picture sa atin." Sabi ko sa kanya. Umuwang na lang ang labi niya. Kaya natawa ako kasi nagulat siya.
"Ikaw ah? Gusto mo ng picture kasama ako!" Biro niya. Kaya inirapan ko na lang siya.
May nag picture naman agad sa amin. Magaling kasing makipag usap si Miggy! Tsaka sikat! May iba pa ngang nagpapapicture sa kanya pero sana hindi nila kami isyuhan ni Miggy! Kota na ata ako kay Paul.
Pagtapos kaming kuhanan ng litrato. Inabot na sa akin ni Miggy ang camera.
"Buti naman sumuko ka na kuhanan ako!" Biro ko sa kanya.
"Nakuha na kasi ata kita." Banat niya. Akala niya naman makukuha niya ako sa ganyan ganyan niya.
Pagtapos namin sa Casa Manila pumunta na kami sa Fort Santiago Park. Nilabas ko naman ang wallet ko. Nagbayad ako ng dalawang ticket. Inunahan ko na si Miggy. Libre naman na pamasahe ko at ito lang naman ang gagastusin ko kaya ako na nag bayad.
Okay naman kasama si Miggy tsaka as of now wala naman akong topak na magsungit na lang bigla. Pasalamat siya. Ang ganda kasi talaga rito sa Intramuros kaya maganda mood ko? Walang bad vides.
Pagpasok namin ay kumuha lang ako ng pictures. Kinuha rin niya ang camera ko at kinuhanan niya ako ulit. Todo pose naman ako. Feeling lang.
Inikot namin ang buong Fort Santiago Park kaya puro lakad nang lakad. Tiningnan ko naman si Miggy hindi naman siya mukhang hinihingal! Athlete kasi e! Samantalang ako medyo pagod na pero lakad parin maganda view e!
Nakita ko naman nag text sa akin si Aya. Pinapasend niya sa akin yung kaylangan niyang file.
Me:
Nasa intramuros ako! Mamaya na lang.Aya:
We? Nandyan si Alexa ngayon!Hindi ko na lang pinansin ang text niya kaya nagpatuloy lang kami ni Miggy sa pagikot sa Fort Santiago Park.
Naghanap ulit kami ng tao na mag take sa amin ng picture para naman marami kaming memories. Ang gaan gaan niya rin kasing kasama sobrang dami niyang baon na banat para praktisado na niya.
Iba talaga mga basketball player!
Nung pabalik na kami tumabay muna kami sa gilid at umupo. Bumili si Miggy ng drinks namin.
Bago siya umupo sa upuan sa harap ko, napatingin naman siya sa gilid kaya napatingin narin ako.
May nakita akong babaeng naka black linen wrap dress kasama ang lalaking nakapants gaya ni Miggy pero naka hoodie na black.
"Is that Alejandro Mercado?" He asked. Tumango naman ako.
"And Alexa Mendoza?" He asked again. Pero ngayon hindi na ako nakasagot kasi hindi ko kilala yung babae.
"Wait." Tumango na lang ako. Nilapitan niya si Alejandro at yung Alexa. Nakatingin parin ako sa kanila.
"Finally? Mag collaboration na kayo?" Rinig kong tanong ni Miggy kay Alejandro at Alexa.
"Yes! Finally!" Sagot nung Alexa.
Napatingin naman sila sa gawi ko kaya ngumiti na lang ako at lumapit na sa kanila.
"My friend, Jasmine Alonzo." Pagpapakilala sa akin ni Miggy. Ngumiti naman ako sa kanila.
Tumingin lang silang dalawa sa akin. Si Alexa naman full smile lang at si Alejandro walang reaksyon!
"Hi!" Simpleng sabi ko.
Ayoko naman maging rude kasi friend ko naman na si Alejandro.
"Hello! I'm Alexa!" Nakangiting sabi ni Alexa. Siguro siya yung tinutukoy ni Alejandro sa mga kanta. Akala ko pa naman yung Hannah. Fake news si Aya.
Tumingin naman ako kay Alejandro na tila wala talaga sa mood. Maganda naman ang kasama niya at mukhang okay naman siya kanina bago niya akong makita kasama si Miggy.
"Aalis na kayo? Balak namin kumain ni Alejandro. Join kayo?" Tanong ni Alexa sa amin. Tumingin naman sa akin si Miggy na parang ako rapat ang mag desisyon para sa amin. Hays.
"Hmm, sige!" Sagot ko na lang.
Nakakahiyang humindi kasi tila dapat oo lang ang sagot mo kay Alexa. Mukha naman siyang mabait kaya okay narin sa akin.
Sinabi ni Alexa kung saan niya gusto kumain kaya sumakay na ako sasakyan ni Miggy.
Nag check muna ako ng texts. Nakita kong nag text pa nga si Aya.
Aya:
Nandyan din Alejandro!!!Dagdag pa pala niya.
Nakita ko naman ang ibang texts. Galing kay Bella at Mama.
Mama:
Nasaan ka na? Uuwi na si Lola!Bella:
Huy!!! Ikaw na lang wala rito! Kasama mo raw si Miggy? Ano bayan?! Mas bagay kaya kayo ni Alejandro!Nagulat naman ako. Okay na pala si Lola kaylangan ko makapuntang hospital! Thank you Lord!
"Miggy? Pwede ba nasa hospital mo na ako ihatid? Uuwi na raw kasi si Lola!" Sabi ko.
Tumango na lang siya. "Sige mag text na lang ako kay Alejandro!"
Masyadong maraming magandang nangyare ngayon.
"Thank you, Miggy!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Nagreply ako kay Bella kahit kung ano ano yung sinasabi niya sa text tungkol kay Miggy at Alejandro! Hindi ko na lang pinansin.
Me:
Papunta na ako! Wait niyo ko!
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...