Kabanata 41

547 8 0
                                    

Kabanata 41

Ngayon ang huling lamay kaya inaasahan na maraming pupunta mamayang gabi. Nag text sila Aya na pupunta sila, ganoon din sila Paul at iba ko pang close na team mate niya. May game sila ngayon kaya magkakasama sila pupunta rito.

Gusto ko sana na hindi muna sila pumunta kasi katatapos lang ng game nila. Kaso mapilit sila kaya wala naman akong magawa.

"Last game na ba nila mamaya?" Si Bella na nakaupo katabi ni Jorick.

Nagkibitbalikat lang ako kasi hindi ko alam kung last game na ba nila. Nawala sa isip ko 'yung schedule.

"Oo ata." Sagot ni Jorick kay Bella.

Kagabi nakapag usap naman kami ni Alejandro pero hindi namin napag usapan ang game nila ngayon. Sa pagkakatanda ko naman nag goodluck ako sa kanila ni Paul.

Tumayo ako para puntahan si Zyrille na kasama si Dea. Mas bata sa kanya si Dea sobrang kulit pa.

Nasa isang kwarto sila na maliit kung saan inaayos ang pagkain.

Nag kita ko na nag tiktok na naman sila. Hindi ko na lang sila pinansin kumuha na lang ako ng tinapay ko. Baka madamay pa ako sa pag tiktok nila. Ayun lang naman ang ginagawa ni Zyrille, Bella sinama pa nila si Dea.

Binuksan ko naman ang phone ko. Sinigurado kong may load ako para manonood na lang ako sa iwant mamaya.

Sayang kung last game nila hindi pa ako nakapunta.

Wala sa sariling tumayo ulit ako para pumunta kay Lola. Pinagmasdan ko lang siya.

Huling araw ko na siya makikita hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala nawala na pala siya.

Dumadagsa naman ang mga tao. Naging busy tuloy kami. Nakikibalita na lang ako kay Jorick kung anong nangyayare sa game.

Maayos naman daw ang laro ni Alejandro. Masyado pa siyang maraming binanggit na hindi ko kilala kaya hindi ko na lang inisip.

Nung natapos ako sa inuutos ni Mama. Kinuha ko agad ang phone ko na nakacharge.

"Wala na. Tapos na. Panalo na." Sunod sunod na sabi ni Jorick. Natigilan lang ako saglit pero kinuha ko parin ang phone ko.

Nag text na lang ako kay Alejandro.

Me:
Congrats! Kahit hindi niyo na achieve 'yung gusto niyong kunin ngayong season, proud parin ako sayo. Come back stronger next season, love.

"Sis kape raw." Si Bella.

Binaba ko ang phone ko. Hinayaan ko na lang mag charge. Hindi narin ako makakanood ng game ng UST.

Ginawa ko naman ang pinapagawa ni Bella.

Lumipas ang oras. Natapos narin siguro ang game ng UST. Hindi narin ako nakapag check ng phone ko sa sobrang daming tao na dapat asikasuhin.

"Hey." Napalingon naman ako sa pamilyar na boses. Si Alejandro na agaw pansin kasi kasama niya si Alexander at Anastasia.

Ang tatangkad nila mag kakapatid.

Niyakap ko naman si Alejandro pati si Anastasia. Nung kay Alexander na ay pinigilan ako ni Alejandro kaya nginitian ko na lang ang Kuya niya na malaki ang ngisi sa akin. Sinilip muna nila si Lola bago sila umupo.

Buti na lang may umalis kaya may mauupuan sila.

Inalok ko naman sila ng pagkain na mayroon ngayong araw. Tinanggap naman nila agad.

"Sayang wala ka kanina... POG si Kuya." Si Anastasia.

"Sayang nga e!" Tipid ako ngumiti kay Alejandro.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon