Kabanata 20

695 12 0
                                        

Kabanata 20

Nagising ako sa tawag ni Mama. Tinanong niya kung pupunta ba raw ako ngayon sa hospital. Baka raw kasi may kaylangan pa akong gawin kaya tinatanong niya. Sinabi ko naman na tinapos ko na lahat kagabi kaya makakadalaw na ako.

Balak ko sana mag luto para sa kanila. Hindi nga lang ako magaling sa kusina pero para sa kanila kakayanin.

Sana hindi mag fail.

Pinaalam ko naman kay Mama na magluluto ako sabi niya Sinigang na lang daw lutuin ko. Kasi may ingredients na raw.

Pumunta na ako sa kusina at nag luto. Nilibang ko ang sarili ko sa phone habang nag luluto.

Bella:
Pakinggan mo latest cover ni Alejandro! In love na ata ako!

Ang aga aga puro Alejandro... Ayaw ko muna siya isipin pero tila gusto ko panoorin 'yung bago niyang cover...

Ang gulo gulo ko talaga!

Me:
Oa mo! Mas nakaka-in love ako no!

Bella:
Lol.

Binuksan ko ang twitter ko pumunta ako sa feed ni Alejandro at nakita ko 'yung bago niyang cover na Hatid by The Juans.

Broken parin siya? Kahit sobrang yakap na yakap si Alexa?

Saan niya naman ihahatid si Alexa?

Hays. Bakit ba sinabi pa ni Bella na mag cover siya. Masyadong mapanakit 'yung kanta. Ang babaw nasaksaktan ako para sa kanya.

Nadadamay ako sa magulong feelings ni Alejandro. Nakakaloka.

Pinatay ko na lang ang phone ko nag focus na lang ako sa pagluluto.

Pero mas maganda boses niya pag tagalog kinakanta niya.

Mukhang okay naman ang lasa nung sinigang ko.

Asim kilig e!

Binasta ko na 'yung mga dadalhin ko pero bago ako pumunta sa hospital punta muna ako sa cementeryo. Dadalawin ko lang si Lola.

Buti nga walang traffic kaya mabilis akong nakapunta sa cementeryo.

Hinanap ko 'yung puntod ni Lola medyo matagal na rin nung huli akong dumalaw kasama ko pa si Lola nun.

Hinawakan ko ang lapida..

Joselito L. Alonzo

"Lo, puwede bang next time na kayo mag reunion ni Lola diyan sa Heaven?"

Bumagsak naman agad ang luha ko. Sobrang lapit ko rin kay Lolo...

"Lo? Alam kong miss niyo na si Lola pero baka naman puwedeng ma-delay muna..."

Buti na lang walang tao sa paligid ko kaya hindi ako nahihiyang mag salita.

"Ayaw ko kasi na pati siya hindi ako makikitang successful."

Nakita ko na sobrang nasaktan si Lola nung namatay si Lolo 5 years ago. Sobrang mahal na mahal nila yung isa.

"Lo... kaylangan pa namin si Lola. Baka naman puwede wag muna... Alam ko naman na hindi ako ang pinakamabait na apo niyo pero mahal na mahal ko kayo..."

Nung nawala si Lolo tsaka lang naman ako natunaw e! Niyayakap ko na si Lola ganoon pero hindi parin ako pala salita.

"Lo...miss you! Sorry kung hindi ko pa kayang pakawalan si Lola." Bulong ko.

Pinunasan ko na 'yung mga luha ko. Kaylangan malakas ang loob ko... Ayun ang sabi ni Bella.

Nakita ko sa phone ko ang text ni Bella na narinig niya raw si Mama na sinabi na gawin na raw lahat kung ano ang mas maganda para kay Lola. Akala ko sa teleserye lang nangyayare mga ganoong bagay.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon