Kabanata 4
Hindi naman umimik sa biro ko si Paul at biglang nag paalam na siyang pupunta sa dugout.
Bumalik narin si Bella na maluha luha sa harapan ko.
"Grabe ang lakas naman talaga ng tama ko ka Villanueva!" Malokong sabi ko sakanya. "Ano hindi ka na makapag salita?" Dagdag ko pa.
Bigla naman nag seryoso ang tingin niya sa akin.
"Jasmine." Nanghihina na sabi niya. Parang hindi na 'to tungkol kay Villanuev ah?
"Bakit?" Hinawakan ko na siya sa kamay.
"Si Lola raw sinugod sa ospital." Sagot niya.
"Huh? Ano?" Parang hindi klaro ang pagkakarinig ko.
"Si Lola Mina raw sinugod sa hospital sabi ni Tita." Pag uulit niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang gumuho ang mundo ko. Kaya agad kong nilapitan si Aya. Sinabi ko sakanya na sabihin na hindi na ako sasabay sa bus dahil pupunta akong hospital.
Nag madali naman kami ni Bella lumabas sa Araneta. Wala kaming parehas sasakyan ni Bella at hindi rin kami makasakay agad. Paano na 'to?
Hindi naman pwede si Paul dahil kasama niya pa team. Naghintay parin kami ni Bella kung may sasakyan na dadating. Pero wala talaga.
May isa namang sasakyan ang huminto sa harap namin bigla, binuksan naman niyang ang salamin.
Nakita ko si Alejandro Mercado ng NU.
Bigla naman siyang kinausap ni Bella. "Alejandro Mercado? NU diba?" Si Bella.
Tumango naman si Alejandro bilang sagot sakanya
"Pwede ba pahatid kami sa hospital? Along the way naman siya." Walang pag aalinlangan nasabi ni Bella.
"Bella? UP at siya UST?" Masusing sabi ni Alejandro.
"Oo! Kilala mo pa pala ako? Hmm libre ka na lang namin ng Dinner after. Pero hatid mo muna kami." Sagot naman ni Bella.
"Sige saan bang hospital?" Tanong ni Alejandro. Sinagot naman ni Bella kung saan.
Sumakay kami ni Bella sa likod ng sasakyan ni Alejandro. Traffic kaya binuksan niya na lang ang radio sa sasakyan niya.
Tumingin ako sa daan ngunit puro tanong ang nasa isip ko, kung bakit naman kaylangan ni Lola na isugod sa hospital? Bakit kaylangan niya pang magkaroon ng sakit?
Ang sakit. Hindi ko pa kaya mawalan ng Lola.
Ang hirap ayoko munang isipin pa pero makita ko lang siyang nakahiga sa Hospital masakit na.
Tumingin naman ako sa salamin ng sasakyan. Tahimik lang naman kami tanging kanta lang sa sasakyan ang maririnig.
Makikita mo parin sa mata ni Bella ang lungkot at pag alala. Hindi pa namin kaya mawalan ng Lola eh.
Natapos ang biyahe at binaba kami ni Alejandro sa hospital. Hinanap agad namin ang room kung nasaan si Lola.
Pag pasok ay nakita ko agad si Mama at Papa na nakaupo sa sofa. Nilapitan ko si Mama at niyakap.
"Tita, kamusta po si Lola Mina." Tanong ni Bella kay Mama.
Tumingin naman si Mama kay Bella.
"Maayos na raw sabi ni Doc. pero mas dumami pa ang bawal sakanya. At dito muna raw siya pang samantala sa Hospital." Sagot ni Mama.
"Mahalin niyo na ang Lola niyo. Bigyan niyo na siya ng oras hanggang nandito pa siya." Biglang singit ni Papa sa pag uusap namin. Napatingin na lang kami ni Bella kay Papa.
Hindi ako makapaniwalang darating ang oras na sasabihin ni Papa ang mga salitang iyun.
Dati kasi hindi ako takot mamatay. Pero ngayon ayaw ko munang may mamatay. Ang hirap mawalan ang sakit parang hinding hindi ka magiging ready sa pagkawala ng isang taong malapit sayo.
"Hmm kumain na ba kayo?" Tanong ni Mama sa amin ni Bella. Kumalas narin pala ako sa pagkakayakap ko kay mama.
"At may kasama kayo?" Dagdag pa ni Papa sa sinabi ni Mama.
Napatingin naman kami ni Bella sa tinutukoy nila.
Si Alejandro pala! Kasama pa pala namin siya hindi man lang namin napansin ni Bella dahil nag mamadali kami kanina.
"Boyfriend? Nino?" Masusing tanong ni Mama. Halos tingnan ako ni Papa sa mata. As if naman magiging boyfriend ko 'yan. Mas okay pa si Paul!
"Tita, Si Alejandro Mercado po. Boyfriend ko." Nagulat naman ako sa sinabi ni Bella.
Sobrang takang taka ako pinagsasabi niya. Kaya napatingin ako sakanilang nakakunot ang noo.
"Joke!" Sabi ni Bella sabay tawa.
"Hmm tinulungan lang kami makapunta rito kasi wala kaming masakyan kanina. Diba?" Sabay tingin ni Bella sa akin. Tumango na lang ako bilang pagsang ayon kay Bella."Kayong dalawa umayos ayo kayo ah! Ikaw naman, Alejandro? Salamat at hinatid mo sila. Hmm, nasan ba si Paul?" Sabay tingin ni Mama saamin dalawa ni Bella.
"Kakatapos lang ng game." Sagot ko kay Mama. "Tapos na pala eh!" Wala sa sariling sabi ni Mama. Hindi ko na lang sinagot.
Nag paalam na lang ako kay Mama na kakain muna kami saglit sa labas.
Para narin makapag pasalamat kay Alejandro. Paglabas ay agad nag pasalamat si Bella kay Alejandro. Sabay yaya niya na kumain kami sa Jollibee kasi iyun lang ang pinaka malapit na kainan.
Pagdating namin ay ginusto ni Bella ang pumila kahit gusto ko sanang ako ang pipila para mag order paano ba naman kasi si Alejandro pa itatapat mo sa akin. Ang sungit pa naman at hindi ko mapinta ang ugali pero mabait naman ata? Hinatid naman niya kami.
"Thank you ah?" Biglang sabi ko.
Tumingin lang siya sa akin.
Sobrang tagal kong pinag isipan kung paano ko sasabihin tapos tiningnan lang ako? Tama ba 'yun? Bigla na lang nag cellphone. Ang kapal naman ng mukha nito. Kung hindi lang niya kami tinulungan masasapak ko 'to.
Nag phone na lang ako kasi hindi ko naman makausap 'tong si Alejandro. Nag tweet ako ng "welcome ha?" Wala naman pumasin ng tweet ko kaya okay din. Nakita ko naman na nag text si Paul nangangamusta kasi narinig niya raw yung nangyare. Sabi ko naman ay okay na si Lola.
Hopefully. Matatag naman si Lola kaya niya yan! Lalaban yun!
Dumating naman na si Bella. Tumingin naman siya sa akin at kay Alejandro.
"Mukhang close na close kayo ah?" Sabi ni Bella. "Hindi man lang ata kayo nag imikan." Dagdag pa niya. Ngumiti lang 'tong si Alejandro. "Alam mo pag pasensyahan mo na 'yan si Jasmine hmm tahimik lang talaga 'yan minsan." Sabi niya pa.
"Halata nga." Sagot naman ni Alejandro. Ang kapal ng mukha! Hindi nga siya nag welcome sa sinabi ko. Umirap nalang ako sakanilang dalawa.
Binilisan ko ang kain ko. Nag picture pa kaming tatlo para raw remembrance sabi ni Bella. Silang dalawa lang naman ang nag uusap. Kung ano ano lang naman pinag uusap nila.
Pag tapos kumain ay hinatid na lang uli kami ni Alejandro sa Room ni Lola.
"Thank you pala ulit ah!" Si Bella. Siniko naman niya ako para mag pasalamat din kay Alejandro.
"Hmm thanks." Walang ganang sabi ko.
"Welcome ah?" Sagot naman niya sa akin na may kasamang ngiti. Nabasa niya ba tweet ko?
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...