Kabanata 40
Gusto ni Mama na bumili muna kami ng bulaklak para kay Nanay. Napag usapan din namin ni Bella na hindi muna kami papasok. Kahit ayaw na ayaw kong hindi pumapasok. Wala e. Habol na lang.
Nung nakarating kami sa dangwa hindi na ako pinasama ni Mama. Kaya nag hintay na lang ako sa sasakyan kasama si Papa.
I checked my phone. May iilang tawag at text si Alejandro kaya binuksan ko ang text niya.
Alejandro:
Kasama ko si Miggy mamayang 2:00PMMe:
Okay.Napag pasiyahan ko naman na matulog muna. Ako lang naman mag isa sa likod kaya sinakop ko na ang buong space. Pagod na pinikit ko ang mga mata ko.
Pag ka lipas ng ilang minuto niyaya ako ni Papa na kumain muna sa chowking habang hinihintay sila Mama.
Naiihi narin kasi ako kaya pumayag narin ako. Pag tapos ko umiihi, tinanong ako ni Papa kung anong gusto kong kainin. Hindi naman ako gutom kaya sabi ko bahala na siya.
Umupo ako sa pinaka gilid na upuan. Dalawahan lang para sa amin ni Papa. Pag dating ni Papa may dala siyang halo halo na malaki. 11 palang ng umaga halo halo pa order ni Papa.
Sa bagay matagal maubos kaylangan kasi mag stay kami sa chowking sayang gas kapag sa sasakyan pa kami nag stay.
Tahimik lang kaming kumain ni Papa. Nakatingin lang din naman siya sa phone niya. Wala naman akong magawa sa phone ko. Wala sa sariling pinindot ko ang snapchat app ko. Wala akong nakitang picture roon. Sinubukan ko 'yung may butterfly na filter.
"Ginagawa mo?" Napalingon ako sa nag salita na si Bella pala.
Hindi ko siya kinibo. Nakita ko naman si Mama na nasa counter nag order na.
Pinagmasdan ko naman si Bella sa gilid ko. Mukhang init na init siya sa labas kanina.
"Snapchat pala ah?" Biro ni Bella sa akin.
Hindi ko na siya pinatulan.
"Babalikan muna natin 'yung biniling bulaklak." Si Mama.
Matagal pa kasi ang order. Iniwan naman nila ako para mag hintay. Sinamahan na sila ni Papa para hindi na sila mahirapan dalawa.
Nung dumating ang pagkain. Nagulat ako kasi take out pala 'yung order ni Mama.
Maya maya ay natanaw ko na sila sa sasakyan na nag aayos kung paano nila ilalagay ang mga bulaklak sa sasakyan.
Hindi naman ako makatulong kasi hawak hawak ko 'yung order ni Mama sa chowking. Feeling ko pang apat binili niya. Medyo mabigat pa naman ang tyan ko dahil sa halo halo tapos syempre pipilitin ni Mama nakainin ko 'yung binili niya kasi sayang.
Nung naayos na ang lahat. Umupo na kami ni Bella sa likod. Binigay ko narin kay Mama ang pagkain na binili niya. Kinuha niya lang 'yung para sa kanila ni Papa. Binigay niya na sa amin 'yung para sa aming dalawa ni Bella.
Kahit sinabi ko na busog pa ako. Lahat sila kontra. Ang payat ko raw masyado kaylangan ko raw kumain. Wala akong nagawa kinain ko na.
Pag tapos kumain ay nakatulog ulit ako sa biyahe.
Nagising ako nung malapit na kami sa St. Peter. Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na, 2:30 na pala. Ang bilis masyadong ng oras.
Nakarating kami sa St. Peter. Hindi naman na kami ni Bella tumulong sa pag baba ng bulaklak kasi marami naman nandoon na lalaki na tumulong kay Papa na ibaba lahat.
Mag paayos lang si Mama ng bulaklak sa kakilala niya.
Pag pasok ko kung nasaan ang room ni Lola. Nakita ko agad si Miggy at Alejandro na nakausap si Zyrille.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Roman pour AdolescentsThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...