Kabanata 15

775 10 0
                                        

Kabanata 15

Nakita ko na naman na pataas ang pinapasukan ng sasakyan ni Alejandro.

Puro pataas naman 'to takot pa naman ako sa heights.

Tumigil ang sasakyan.

"Baba na."

Iniwan ko ang bag na dala ko. Hindi ko na kayang mag bitbit ang bigat e!

"Nasan tayo?"

Ginila ko ang ulo ko sa paligid. May matarik na tulay sa taas at may kainan sa gilid.

"Cloud 9."

"Anong gagawin natin dito?" I asked. Sana naman kumain na lang kami at hindi na kami umakyat sa tulay.

Gusto ko sana makita 'yung view sa taas kasi nga lang takot ako sa heights. Baka mahulog ko.

Kaso nga lang si Alejandro kasama ko. Hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya.

Naglakad na si Alejandro papunta sa kainan. Buti naman at kakain lang kami. Nag order naman agad siya ng food para sa amin dalawa.

Tinitingnan ko naman ang mga tao sa paligid kasi ang tagal nung food namin. Tsaka hindi naman umiimik 'tong si Alejandro.

Nakita ko na ang daming mga mag boyfriend at girlfriend ang nandito.

Alam kaya ng parents nila? Mas bata pa sila sa akin. Sabagay hindi nga alam ng parents ko na nandito ako. Kaso nga lang hindi ko boyfriend kaharap ko kaya hindi parehas 'yun. Ewan bahala sila. Buhay nila 'yan.

"Alam mo kapag kasama kita ang tahimik ko." Napatingin naman ako kay Alejandro.

Oh? Bakit niya ako gustong kasama kung tahimik ako.

"Bakit kasi ako ang sinama mo rito?"

"To calm my soul."

"Huh?"

"Para kasing wala kang pake sa mundo na kahit anong ingay iniintindi mo na lang kaysa sabihin mo."

Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya. Ganun ba talaga ako?

"You silently judging all of the people but you still understand them."

"No. Hindi ko laging iniintindi.. I keep going lang." sabay ngiti ko sa kanya.

Totoo naman hindi ko naman laging iniintindi. Siguro 'yung iba lang pero 'yung iba hindi ko pinapakinggan at 'yung iba naman hindi ko na lang pinapansin.

I know sometimes na nag overthink ako sa mga bagay pero after nun tuloy parin naman ang buhay.

Nakita ko naman parating na ang pagkain. Tumahimik naman si Alejandro. Gusto ko tuloy siyang kausapin baka kasi hirap na hirap na siyang hindi mag salita at napapanis na laway niya.

"After nito uwi na tayo?" I asked.

"No! Nakikita mo 'yun." Sabay turo niya ng tulay sa taas.

"Huh? Ayaw ko."

"Aakyatin natin 'yun."

"Dito na lang ako. Ikaw na lang."

"Yun na yung bayad sa utang mo... Samahan mo na ako."

Mapilit talaga 'tong lukong 'to. Pero hindi parin. Takot ako sa heights no!

Umiling iling na lang ako sa kanya.

Natapos kaming kumain. Hindi niya ako pinabayad sa kinain namin. Sino ba talaga may utang sa amin?

Hinila niya naman ako.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon