Kabanata 28
Maayos namang lumipas ang mga araw kahit maraming usap usap pa tungkol sa amin ni Alejandro. Hindi ko na lang pinansin.
Hindi rin naiwas ang mga malalim na patama ni Alexa kaya mas lalong maingay ang pangalan ko.
Sa ngayon ay hindi ko pa binubuksan ang mga social media account ko kasi ayaw ko pa makabasa ng kung ano ano. Si Bella lang ang nag kuwento sa akin patungkol sa mga tweets ni Alexa sa kanyang twitter.
Okay lang naman sa akin kasi gulat siya sa mga nangyare.
Ngayon may laro ang UST. Suwerte ko nga at magkasabay ang laro ng UST at NU.
Pag akyat ko sa bus nakita ko agad si Aya sa same spot na inuupuan namin. Papunta na sana ako sa puwesto niya kaso nilagay niya 'yung bag nung lagayan niya ng camera sa upuan ko.
Kahit natigilan ako sa ginawa niya dumiretso parin ako papunta roon.
Seryoso lang siyang nakitingin sa hawak niyang camera. Kinuha ko naman ang lagayan ng camera niya.
Inaabot ko sa kanya ang lagayan pero hindi niya agad kinuha. Seryoso lang siyang nakatingin sa hawak niyang camera.
"Aya..."
Masungit siyang tumingala at tiningnan ako. Inirapan niya ako. Sabay kinuha 'yung lagayan ng camera niya sa mga kamay ko.
"Tsk." Narinig kong bulong niya.
Umupo ako sa tabi niya. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo. Tiningnan ko kung saan siya papunta.
Lumipat lang siya sa kabilang gilid.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero gusto ko siyang kausapin.
Nilagay ko na lang ang bitbit kong camera sa upuan na inalisan ni Aya.
Kinuha ko naman ang phone ko para mag patugtog ng kanta kaso hindi ko na ata kaylangan ng kanta na galing sa music ko kasi nakita kong nag send ng voice record si Alejandro.
Mga dalawang kanta ang si-nend niya ngayon. Kagabi ay isa kaya papaulit ulitin ko na lang hanggang makarating kami ng MOA.
Nakatulog ako dahil sa boses ni Alejandro.
Nagising naman na ako kasi malapit na kami sa venue.
Tiningnan ko si Aya. Nakakunot parin ang mga kilay niya.
Hindi ko na alam kung paano siya kakausapin.
Hininto na ang bus kaya bumaba na kami. Sasabayan ko sana ang paglalakad ni Aya kaso nga lang nag madali siya kaya hindi ko siya naabutan.
Ganoon ba talaga? Kapag may ginusto kang tao mababawasan ka ng kaibigan?
Kapag may dumadating may umaalis?
Pero puwede mo naman sigurong pigilan umalis. Kaya kakausapin ko si Aya.
Konti lang ang kaibigan ko pero alam kong lahat sila totoo kasi na tiis nila ugali ko.
Worth it naman makipag bati kay Aya e!
Nag simula ang laban. Pilit akong lumalapit kay Aya pero wala talaga. Natapos na nga ang laban ng UST e!
Plano ko nayayain siyang kumain katulad ng nakasanayan.
Nasa kabilang gilid lang naman siya, malapit lang siya sa akin kaya pinuntahan ko siya agad. Tsaka roon din ang daan papuntamg dugout.
Naramdaman niya siguro na palapit ako kaya umalis agad siya.
"Aya!" Mahina na sigaw ko. Hindi ako masyadong nahiya kasi konti palang naman ang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/218037598-288-k646274.jpg)
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...