Kabanata 31
Tahimik kaming nakarating sa bahay ni Alejandro.
Sa garahe palang malalaman mo na talaga na sobrang yaman nila. May tatlong sasakyan kasi na naroon. May bakate pang isa.
Nasa likod ang garahe nila kaya nag lakad kami ng tahimik papunta sa harap. Medyo humupa narin ang emosyon ko dahil sa nangyare kanina. Talagang tahimik lang kami kasi tahimik ako.
Pumasok kami sa pinto nila na gawa sa kahoy. Kapansin pansin agad ang ceiling nila na may chandelier. Sa gilid naman ay ang sala nila.
May babaeng nakapanjama na nakahiga sa sofa habang nag iPad. Kung hindi ako nagkakamali si Anastasia 'yon.
Hinawakan ni Alejandro ang kamay ko para dumiretso na ako.
Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na napatayo si Anastacia.
"Kuya?"
Huminto kami para lingunin si Anastasia.
"Why?" Mayabang na tanong ni Alejandro.
"Hindi mo ba ako ipapakilala kay Ms. Photographer?"
"Parang hindi mo naman kilala." Bulong ni Alejandro na narinig ko parin.
Nailang ako sa tingin ni Anastasia tsaka bakit niya akong tinatawag na Ms. Photographer? Dahil ba sa social media o dahil kay Alejandro?
"Jasmine si Anastasia kapatid ko."
Nilahad ko naman agad ang kanang kamay ko kaso hindi niya tinanggap kaya binawi ko na lang.
Tiningnan niya muna ako habang umiikot ikot. Mula ulo ata hanggang paa.
Nung natapos na siya umikot ay binuka niya ang kanyang mga kamay para yakapin ako.
"Welcome to the family! Wag mong iwan si kuya kahit kaiwan iwan siya." Bulong niya sa akin.
"What's happening here?"
Napatingin naman kaming tatlo sa hagdanan.
Si Alexander. Sobrang simple niya lang na naka white t-shirt at short na pang basketball.
Ang lakas ng dating niya. Sobra.
"Bago na naman dinala mo brother." Biro niya.
Huminto naman siya sa tabi ni Anastasia.
"Alexander. You can call me Lex without an 'A' ah! Baka iba maalala mo."
Nilahad naman niya ang kamay niya sa akin. Tinaggap ko naman agad. Nakakahiya nga lang kasi siya ang unang nag tanggal ng kamay niya sa kamay ko.
Narinig ko naman ang hindi napigilang tawa ni Anastasia.
"Tsk." Si Alejandro.
Hinigpitan ni Alejandro ang hawak sa kaliwa kong kamay para hilain. Nadaanan namin 'yung parang sala ulit pero mala meeting place kasi 'yung kanina parang pang entertainment lang nila.
Huminto naman kami sa kitchen. Nagtataka naman ako bakit niya ako pinunta rito.
"Anong gagawin natin dito? Busog pa naman ako."
Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.
"Cook."
"Ha?"
"Magluluto ako para sayo."
Namula naman agad ang mga pisngi ko. Kaya nag iwas agad ako ng tingin sa kanya.
"Para hindi ka na maging payat."
Pinalo ko naman agad ang braso niya. Lagi niya na lang sinasabi na payat ako. Hindi naman ako payat. Sakto lang ang katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/218037598-288-k646274.jpg)
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...