Kabanata 35

514 9 0
                                        

Kabanata 35

Pinatambay muna ako ni Paul sa dugout nila.

Sa isang gilid naka upo habang nakatulala.

Iniisip ko 'yung mga nangyare kanina. Iniisip ko kung bakit umiiyak si Mama. Iniisip ko rin kung bakit ang aga ni Belle kahit mamaya pa game ng La Salle. Higit sa lahat iniisip ko kung bakit ayaw parin tumigil ni Alexa.

Okay lang kasi kung dati pa e! Yung tipong hindi niya pa alam.

Ngayong alam niya na. Respeto naman sana sa amin ni Alejandro.

Maya maya ay umupo si Jay sa tabi ko. Nilingon ko siya. Pagod akong ngumiti sa kanya.

"Are you good?" He asked.

Wala sa sarili akong tumango sa kanya bilang sagot.

"Mag pre game ritual lang ako rito... Wag ka sanang mailang."

Pinanood ko siyang inaayos ang AirPods niya. Hindi na lang ako kumibo para hindi na siya magulo pa.

Hinilig ko na lang ang ulo ko sa pader. Pinikit ko muna ang mga mata ko para kahit papano mapahinga.

"Huy Jasmine!"

Pilit akong ngumiti. Binuksan ko ang mga mata ko para ibigay ang atensyon ko sa pamilyar na boses na dumating.

Si Vito.

"Wag kang tambay dito! Manood ka na roon!" Dagdag niya pa.

Umiling na lang ako at hinilig ko ulit ang ulo ko sa pader.

Naramdaman ko naman ang pag hawak ng kamay niya sa akin para mayugyog ako. Hindi ko alam kung bakit napakulit niya.

Hays. Pre game ritual ba niya maging hyper?

"Wag kang mag pa apekto! Baka pag sisihan mo lang na di ka nanood."

Seryoso ko lang siyang tiningnan. Hindi ko alam kung anong problema niya sa panood para pilitin ako na manood ngayon.

"Bili na..." Mukhang sila na naman ang mag dedesisyon sa akin ngayon.

Hinayaan ko na lang siyang hilain ako pa tayo. Hinatak niya ako gamit buong lakas niya. Pinag titinginan man kami ng ibang teammates niya pero wala naman sa kanila ang nag salita.

Nakita ko si Paul na nakatingin lang din sa amin. Ngumisi lang siya at halata sa mukha niya na wala siyang planong tulungan akong makalaya kay Vito.

Pag labas namin sa pinto nakita ko si Aya na nag hihintay sa akin. Planado na ata lahat ni Vito.

May senenyas naman sa kanya si Vito tapos ay iniwan na ako ni Vito na nakatayo roon.

Si Aya na ang humila sa akin.

"Wait..."

Natigilan naman si Aya para lingunin ako. Hindi naman siya nag salita hinihintay niya lang kung anong gusto kong sabihin sa kanya.

"Peram akong jacket."

Tiningnan niya naman ang suot niyang jacket ngayon.

"Sigurado ka?"

Pagod ko lang siyang tiningnan.

Alam niya naman ang sagot kaya hinubad niya na agad ang jacket na suot niya.

NU t-shirt pa talaga suot niya.

Sinuot ko ang jacket niya. Inayos ko ang hoodie para kahit papano matakpan o hindi ako makilala ng ibang tao sa labas.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon