Kabanata 26
Dikit ang laban pero nanalo ang NU sa UP. Player of the game pa nga si Alejandro, good for him.
Sa ilang panalo nila ngayong Season 80 halos siya ang player of the game.
Hindi ko nga alam kung masasayahan ako na player of the game siya kasi after niyang i-interview pinakita si Alexa higit sa lahat nakita ko sa twitter na niyakap ni Alexa si Alejandro.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Maya maya ay may biglang kumatok sa kuwarto. Binuksan naman ni Bella kasi alam niya naman na hindi ko bubuksan kay siya na ang tumayo para buksan ang pinto at niluwa nito si Miggy.
Tinakbo ko ang pagitan ng pinto at ng inuupuan ko para salubungin si Miggy.
"Ang ganda mo talaga Princess Jasmine... Sana si Princess Bella rin."
Tipid na nginitian ni Miggy si Bella. Kinurot ko naman ang tagiliran ni Bella kasi baka marami pa siyang sabihin.
"Hintay na lang ako sa labas."
Tumango na lang ako kay Miggy. Iniwanan namin parehas sa pinto si Bella. Inayos ko ang mga sling bag ko para sumama na kay Miggy nandito pa naman si Bella tsaka nag paalam naman ako kay Mama na kasama ko si Miggy.
"Huy pinapaalala ko lang sayo may gusto kang iba ah."
"Alam ko."
Hindi naman na siya kumibo at hinayaan na akong umalis.
"Miggy? Alagaan mo ngayon si Jasmine ah."
Napalingon naman kami sa pahabol na sinabi ni Bella kay Miggy.
"Makakaasa ka." Tipid na sagot ni Miggy.
Tinalikuran na namin si Bella. Sobrang precious ni Miggy hindi ko alam bakit hindi siya ang nagustuhan ko.
"San tayo?" I asked.
Maaga pa naman mga 4:30 palang kaya hindi ko alam kung ano ang binabalak niya.
"Dinner."
"Aga pa ah."
Hindi naman na siya sumagot. Dumiretso na kami sa parking lot. Pag karating namin ay pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Congrats pala." Wala sa sariling sabi ko. Nakalimutan ko kasing sabihin kanina dahil kay Bella.
"Galing ni Kapitan. Inspired ata." Tipid naman akong ngumiti sa sagot niya.
Pinaandar niya na lang ang sasakyan.
Mukhang malayo ang mararating namin kasi hindi ko alam kung saan siya papunta pero mukhang pamilyar ang daan kung saan kami papunta.
Maya maya ay nakumpira ko nga kung saan kami papunta.
"Cloud 9?" Ilang sabi ko.
Bakit ba gusto nila dito? Ang unfair sa mga taong takot sa heights.
"Sabi sa akin ni Vito takot ka raw sa heights pero maganda kasi mag dinner dito."
Hays. Si Vito tila reporter ng buong buhay ko. Dinadaig niya pa si Paul.
"Hindi naman na tayo—-"
"Hindi pero kung gusto mo... Okay lang naman hindi naman kita hahayaang mahulog... Sasaluhin kita."
Hindi ako makasagot kasi hindi ko deserve 'yung mga sinasabi niya. Kaya kaylangan ko na talaga sabihin sa kanya na nililigawan din ako ni Alejandro kahit hindi ako okay kay Alejandro ngayon siy parin pinipili ko.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Roman pour AdolescentsThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...