Kabanata 24

643 11 0
                                        

Kabanata 24

Parang panaginip lang ang nangyare kagabi. Sobrang dami niya pang na kwento sa akin hindi sana siya titigil kaso nga lang bawal akong mag puyat kaya agad niya rin akong hinatid sa bahay.

Hindi nga ako makapaniwala na all this time may tao pala na pinaparinggan ako sa twitter in a nice way, 'yung iba kasi ayaw sa akin kahit wala akong ginagawa pero may iba rin naman ang walang pake sa akin.

Ngayon lang maganda ang gising ko kahit puyat ako kagabi.

Maaga ako nagising kasi mag luluto pa ako wala naman mag hahanda sa akin kundi sarili ko lang.

Miggy:
Manonood ang ng game mamaya ng UST. See you!

Sobrang na konsensya naman ako nung nakita ko yang text ni Miggy. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naka hindi kay Alejandro samantalang kay Miggy alam ko na agad na hindi pa ako handa.

Nakakatawa na kahit hindi ako handa nagiging handa ako kay Alejandro.

Hindi na lang ako nag reply ayaw ko naman na siya paasahin pa ang mahirap lang ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na nililigawan ako ni Alejandro.

Alejandro:
Good morning!

Napangiti naman ako sa text niya. Agad agad naman ako nag tipa bago ako tumayo para mag ayos.

Me:
Morning!

Hinayaan ko na mag charge ang phone ko. Agad agad na ako nag luto ng itlog kasi wala na akong oras at mabilisang ligo lang ang ginawa ko.

May narinig naman akong tunog sa labas habang kumakain ako. Hindi ko alam kung uuwi ba si Bella rito ngayon pero hindi naman siya nag text. Kaya hinintay ko na lang tumunog ulit baka may umingay lang e.

Nung may nag doorbell hindi ko na tinapos ang pagkain ko tiningnan ko muna kung sino ang nasa labas.

Binuksan ko ang pinto nakita ko si Alejandro na nakasandal sa sasakyan niya.

Ang angas niyang angel.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Tiningnan niya lang ako sabay ngumiti.

"Bakit ka nga nandito?" Ulit ko.

"Ihahatid kita."

Gusto kong tumawa ng malakas pero mukha siyang seryoso kaya pinigilan ko na lang.

"Driver material."

Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko.

Pinangatawanan niya masyado na driver ko siya.

"Boyfriend." Madiin na sabi niya.

Inirapan ko na lang siya at pinag buksan ng gate.

"Kumakain pa ako."

Hindi ko alam sasabihin ko kasi isang itlog lang niluto ko kaya hindi ko siya mayaya kumain. Hindi ko naman alam na darating siya ngayon. Hindi man lang siya nag sasabi.

Sulpot lang nang sulpot.

Pumasok ako sa kusina. Nakasunod naman siya sa akin.

"Wala akong mapapakain sayo."

Tiningnan niya yung pagkain ko. Nakita kong na disappoint 'yung mukha niya. Gutom ba siya?

"Mabubusog ka ba riyan? Kaya hindi ka lumalaki."

Inirapan ko siya. Hindi ko alam kung compliment ba 'yon. Okay naman na ako sa katawan ko tsaka ayaw ko tumaba mahirap na.

Hindi ko alam kung bakit niya ba ako pinapataba e ang papayat sobra nila Alexa at Hannah. Ang gaganda ng katawan nila kumpara mo naman sa akin.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon