Kabanata 37
"Anong nangyare?" Si Bella.
Umupo siya sa upuan na inalisan ni Alexa. Sumulyap ako sa kanya saglit pero binawi ko ka agad.
"Nasaan si Alexa?" Tanong niya pa.
"Bakit ka nandito?"
"Hindi ako bumaba para panoorin kayo ni Alexa. Bumaba ako kasi papunta raw si Paul." Depensa niya.
Alam ko naman na bumaba lang din siya para usisain o kaya panoorin pag uusap namin ni Alexa. Suwerte niya parating si Paul. Malas niya naka alis na si Alexa.
"Ano palang napag usapan niyo?"
"Hmm... Pinapalayo niya muna ako kay Alejandro—-"
"Sinasabi ko na nga ba! Bruha talaga 'yon!"
"Kasi hindi raw makapag focu—-"
"Tsk. Inggit lang 'yon."
Pilit akong ngumiti at seryosong tiningnan siya.
"Kung pinapatapos mo kaya ako?"
Napatingin siya sa akin. Hindi na siya kumibo pa kaya inirapan ko na lang siya.
"Hindi raw makapag focus sa season... Tama naman siya"
"Anong tam—"
Tinakpan ko ang bunanga niya kaya natigilan siya.
"Puwede naman talaga after season na lang love story namin."
Inalis ko ang kamay ko sa bunganga niya para makapag salita na siya.
"Ano—"
"Kanina pa kayo?"
Napalingon si Bella kaya hindi niya na naman natapos ang sinasabi niya.
Umupo si Paul sa tabi ni Bella na palitan ang sama ng tingin sa aming dalawa ni Paul.
"Problema mo?" Tanong niya kay Bella.
Tumingin naman sa akin si Paul na nag tatanong ang mukha. Nag kibit balikat na lang ako.
"Hays. Tinotoyo kahit walang jowa! Mahirap 'yan!" Si Paul.
May inangat naman si Paul na plastic. Hindi ko na pansin na may dala pala siya kanina.
"Mag ice cream na lang kayo!" Nilabas niya ang icecream na binili niya. Inabot niya sa akin ang vanilla ice cream.
"Cookies and cream. Favorite mo!" Sabay abot niya kay Bella ng cookies and cream.
Galit naman na tinaggap ni Bella 'yon.
"Kunwari pa." Bulong ko.
Sinimulan na naming kainin ang ice cream. Walang ginawa si Bella at Paul kung hindi mag bangayan sa harap ko. Walang kwenta pero pinag aawayan nila.
Tumunog naman ang phone ko kaya nakuha ko saglit ang atensyon nilang dalawa pero binawa rin naman nila agad.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Alejandro texted me...
Alejandro:
Are you sure na okay lang?Tinitigan ko ang text niya. Napaisip ako kung anong sasabihin ko. May part sa akin na umasa ako pero training 'yon kaya tama lang na mag training siya. Tama naman talaga si Alexa.
"Lalim naman nung iniisip mo. Wag mo na isipin sinabi ni Alexa sayo kanina." Si Bella.
"Nag usap kayo ni Alexa? Bakit? Inaway ka ba? Anong meron?" Sunod sunod na tanong ni Paul.

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...