Kabanata 7

932 15 1
                                    

Kabanata 7

Wala akong nagawa kaya sumakay na ako sa sasakyan niya. Sa likod na ako puwesto baka sabihin nitong lalaking 'to masyado akong feeling kung sa harap ako sasakay.

"Same location?" Sabi niya.

Napatingin lang ako sakanya. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

"I mean same hospital?" Paglilinaw niya.

Nakakahiya ang slow ko! Dapat hindi ako ganto. Dapat palaban ako pag siya kausap. I'm so disappointed na napahiya ako sa harap niya.

Nakakainis ka self!

Ang tagal pala ng biyahe no? Kapag maling tao kasama mo. Sinabi ni Lola saakin dati na hindi lahat ng bagay ay tungkol kung saan ka papunta kundi kung sino ang kasama mo sa pupuntahan mo dahil kahit gaano kalayo man yan kung gusto mo ang kasama mo mabibilisan ka.

Kaya ang tagal ng biyahe! Bakit ko ba nakalimutan na bulldog nga pala si Miggy? Next time talaga sisiguraduhin ko muna kung sino. Akala ko pa naman hindi ko na kaylangan ang Alejandro Mercado dahil may Paul Lazaro ako. Hays. Napaka paasa kasi ni Paul Lazaro. Hindi ko narin alam.

Tumingin na lang ako sa bintana. Kaso bigla siyang nag salita kaya natuon ang atensyon ko sakanya.

"Mag drive thru ako saglit. Baka may gusto ka?" Si Alejandro.

Syempre may gusto akong food kasi gutom na ako kaya kahit gusto ko siyang sungitan hindi ko na nagawa. Sinabi ko na lang sakanya order ko. Pagtapos ko sabihin ang order ko bigla niya naman nilahad ang palad niya saakin. Minsan talaga hindi ko na siya maintindihan.

"Huh?" Naguguluhang sabi ko.

"Bayad mo." Sagot niya.

Agad agad ko naman kinuha ang wallet ko. Nakakainis lutang na naman ako. Nakakailan na siya. Nakakahiya.

Nakakaloka ka self!

Tsaka malay ko ba kung mabait na siya saakin ngayon. Mukha kasi siyang mayabang na kaya kang bilhan ng bahay kaso hindi pala. Mayabang lang pala siya na kaya kang ihatid sa hospital.

Nung binigay niya saakin yung pagkain agad agad ko naman kinain 'yun. Nakita ko naman na sumulyap siya saakin saglit.

"Gutom ako no? Wala kang pake okay?" Sabay irap ko sakanya.

Nung natapos ako kumain bigla naman tumigil ang sasakyan niya. Hindi pa naman kami nasa hospital. Nakakapagtaka talaga 'to. Kumanta na lang siya para mas okay pa siya sa paningin ko.

"Oh bakit mo hininto? Naoffend ka ba? Sorry na! Hatid mo muna ako!" Ayan talo na naman ako.

Nakakainis may kaylangan kasi ako sakanya.

"Do me a favor." Sabi niya.

Tiningnan ko lang siya hinihintay kung anong favor niya. "I'm hungry. Gusto ko ng kumain. Lipat ka dito sa harap subuan mo ko?" Unsure niyang sabi.

Ewan ko ba dito parang hindi naman siya ganto sa ibang tao. Mabait naman siya sa iba at friendly bat pag sakin hirap na hirap siya.

Ganda mo talaga self!

"Hmm, okay! Para naman quits na tayo!" Hindi ko na alam sa desisyon ko basta bahala na. Nakakatulong naman siya kahit nakakabuset nga lang siya.

Lumipat ako sa harap sabay pinaandar niya ang sasakyan. "Hmm, anong gusto mo?" Tanong ko.

"Burger." Kinuha ko naman yung burger at sinubo ko sakanya.

Ang perfect sana lalo na kapag kumanta pa siya pero pag naiisip ko na masungit siya pag dating saakin. Wag na lang pala.

"Fries?" Tanong ko sakanya. Tumango lang siya. Lagot ako sa mga fans nito lalo na kay Aya.

Well ako lang naman 'to.

Natapos ang moment namin. Back to reality. Medyo okay na ako sakanya. Baka next time gawin ko na siyang friend. Pero konting push pa. Siguro kapag hindi na siya masungit okay na ako. Binuksan ko naman ang phone ko. Nakita ko may text si Miggy.

Miggy:
Ingat ka diyan kay Kapitan ha? Baka maging kaagaw ko pa 'yan sayo.

Natawa na lang ako sakanya. Nakita ko naman na malapit na kami sa hospital. Binaba naman agad ako ni Alejandro sa babaan. Magsasalita na sana ako kaso nauna na siyang mag salita.

"Can I visit your Lola? Park ko lang yung car sunod ako sa room niya." Sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero wala na akong magawa kasi hinatid na rin naman niya ako.

Susunod na lang raw siya sa room ni Lola.

Pag pasok ko naman ay wala sila Mama at Papa.

"Nag gala gala muna si Tita at Tito." Si Bella.

Buti na lang wala sila Papa at Mama kundi baka pagdudahan kami ni Alejandro. Pangalawang beses niya narin na dalaw. Consistent sana si Paul din.

"San si Paul?" Tanong niya pa.

Bigla naman may kumatok kaya agad kong pinagbuksan. Nakita ko naman si Alejandro. Kaya pinapasok ko. Tumingin saakin si Bella.

"Akala ko ba si Paul ang kasama mo? Bat may napadpad na Bulldog sa Espanya?" Pag uusisa niya. "By the way hi Alejandro!" Dagdag niya pa talaga. "Dahil mukhang hindi sasagutin ni Jasmine ang mga tanong ko baka ikaw gusto mong sagutin?" Sabi niya pa.

"Yung teammate ko si Miggy sinabi sakin na may kaibigan daw siya na nangangailangan ng tulong." Sagot ni Alejandro kay Bella.

Wala kasi siyang rason para dedmahin lang si Bella pero good answer naman siya.

"Ohh? Miggy Tolentino? Friend ni Jasmine? Wow friendly?" Sagot ni Bella sabay tingin saakin. Inirapan ko na lang si Bella. Ang daldal niya. Nakakaloka.

"Never mind! Alejandro kantahan mo naman kami! Ang galing mo kayang kumanta nakita ko sa twitter!" Pangungulit ni Bella.

Bigla naman nagising si Lola. Kaya napatingin kaming tatlo sakanya. Lumapit narin kami ni Bella kay Lola. Si Alejandro naman ay nanatili sa puwesto niya.

"Oh, kompleto na pala ang mga alaga ko. Nandito na pala ang nag iisang gwapo na alaga ko kasi siya lang naman ang nag iisang alaga ko." Nakatingin siya kay Alejandro. Nagtataka naman kami ni Bella.

"Buti hindi ka busy? Bat ayaw mo lumapit Paul." Dagdag ni Lola.

"La hindi po siya si Paul. Kaibigan po namin siya ni Bella." Sabi ko. Nung nakalapit si Alejandro nagpakilala naman siya kay Lola. Hinawakan siya ni Lola. "Hindi ba 'to si Paul?" Sabi ni Lola sabay titig kay Alejandro.

"Ay hindi ka nga si Paul. Mas gwapo ka sakanya pero konti lang." Sabi ni Lola.

Ngumisi naman si Bella. Hindi ko naman nagustuhan ang sinabi ni Lola. Tiningnan ko naman si Alejandro. Nakangisi naman siya. Feel na feel.

"Pero secret lang natin wag mong sasabihin sakanya ah." Pabulong nasabi ni Lola kay Alejandro.

"Sige ba La! Basta para sayo." Sagot ni Alejandro.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon