Kabanata 29
Dumaan ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Ganoon pala pag masaya ka. Bumibilis ang oras kahit ayaw mo maging mabilis wala kang magagawa. Sobrang nilulubos ko na lang.
Kasalukuyan akong nasa coffe project na malapit sa UST nasa harap ko ngayon si Paul nasa gilid niya naman si Vito na nagulat ako kasi hindi niya kasama si Trisha.
Tinititigan ko lang si Vito. Nagtataka kasi talaga ako bat siya nandito. Wala naman siyang ibang gagawin sa akin kundi inisin lang ako.
"Wala si Trisha."
Inirapan ko lang siya.
"Tsaka makikitsismis ako." Sabi niya habang pinapaikot ikot ang phone gamit ang mga kamay niya.
"Ano kayo na ba?" Dagdag pa niya. Nasa akin kasi ang buong atensyon niya.
Nasaan ba kasi si Trisha?
Nagbutonghininga na lang ako. Hindi ko na lang siya kinibo nung nakaraan kasi sinabi ko na lahat sa kanila pero itong si Vito gusto ng daily updates.
Para sa isang basketball player masyado siyang maraming time.
"Gumawa ka na lang kaya ng homework. Hindi ka gumaya sa iba." Si Paul na nakatingin narin kay Vito.
"Bakit hindi sayo?"
Binatukan naman ni Paul si Vito. Natawa naman ako. Tama naman si Vito bakit nga ba hindi kay Paul.
"Kapitan ka pa naman." Habol pa ni Vito.
"Tanga. Wala naman kaming homework."
"Tanga ka rin. Halos lahat ng units classmate tayo. Logic, sir. Logic."
Babatukan na sana ni Vito si Paul para makaganti kaso nga lang pinigilan niya sarili niya.
"Hays. Bakit ba kasi ikaw ang kapitan? Hays. Hindi ako makaganti."
"Okay lang 'yan. Batukan mo na ako."
"Ayaw. Dadagdagan mo push up ko."
Busangot naman ang istura ni Vito habang nilalaro ang phone niya. Habang si Paul naman ay nakangisi kasi hindi maka-ganti sa kanya si Vito.
Aliw na aliw naman ako sa kanilang dalawa kaya okay narin pala na nandito si Vito baka tahimik lang kami ni Paul dito kung wala siya. Dahil sa kanila nalilibang ako may class pa kasi si Alejandro kaya wala akong magagawa sa phone ko.
"Hays. Bakit kasi wala si Trisha. Nakiki-third wheel tuloy ako..."
Binatukan ulit siya ni Paul. "Ay wala na pala ship ko. Tinopak kasi 'yung isa..." Hindi parin tumigil e! Binatukan pa tuloy ulit siya. Gusto ko narin batukan kaso naawa naman ako sa kanya.
"Mapanaket ka kasi kaya ka iniiwan." Naging seryoso naman bigla ang aura ni Paul dahil sa sinabi ni Vito.
"Believe parin talaga ako kay Trisha." Wala sa sariling sabi ko.
"And why?"
"Kasi natatagalan ka niya."
Bumukas naman ang pinto ng coffee project. Nakuha naman nun ang atensyon ko. Nakaharap kasi ako kaya nakikita ko bawat pumasok lalo na ngayon pamilyar ang mukha ng pumasok.
"Sino sinisilip mo?" Si Vito.
Napatingin naman si Vito at Paul sa tinitingnan kong babaeng pumasok.
"Alexa?"
Napalakas ang pagkasabi ni Vito kaya napatingin sa aming direction si Alexa.
Matama niya akong tiningnan tapos tiningnan niya yung gilid na lamesa malapit sa amin. Doon pa ata niya balak umupo. Gusto niya ata mainis o manginis.
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...