Kabanata 32

540 11 0
                                    

Kabanata 32

Sa mga sumunod na araw naging busy kami sa kanya kanya naming buhay.

Hindi ko naman makukuha kay Alejandro yung time niya sa pag basketball kaya hinahayaan ko lang siya.

Mahal niya na 'yon bago ako kaya mamahalin ko rin 'yon para sa kanya.

Hindi ko nga maintindihan 'yung mga taong pinagbabawalan 'yung boyfriend nila na mag laro e hindi lang naman sa kanila umiikot mundo ng boyfriend nila.

Pero may kanya kanya rin naman dahilan ang isang tao.

"Jasmine! Tara na workout!" Si Bella na kanina pa ako pinapabangon kasi gusto niyang mag workout.

Kaming dalawang ang nasa bahay ngayon. Si Mama at Papa ang bantay kay Lola. Pinagpapahinga muna nila si Bella kasi nakakapagod din mag bantay pag tapos mag aral.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya mag workout. Mas masarap humiga sa kama at manood ng vlog.

Ngayon na lang ako puwedeng manood ng team payaman vlog ang gulo pa ni Bella.

"Huy tara na! Lumabas ka na sa kuwarto mo!" Katok niya.

Hindi talaga siya titigil hanggang hindi ako pumapayag.

Pero ayoko talaga.

Kinuha ko ang phone ko kasama ang earphones ko para manood sa youtube may bagong upload naman si Junnie e!

Kahit anong lakas nung sound ng vlog naririnig ko parin ang katok ni Bella. Hanggang ngayon katok parin siya nang katok hanggang sa na pagod na ata siya kasi biglang natigil.

Tila na rin siya nag exercise kaka-katok niya.

Pag pinansin mo pa kasi nang iinis sayo lalo lang mang iinis kaya wag na lang.

Bigla naman bumukas ang pinto ko.

"Bumaba pa ako para kunin 'yung susi ang arte arte mo kasi!"

Inaalis naman ni Bella ang kumot na nasa buong katawan ko.

"Huy! Ano na?"

"Payat na ako... Ikaw lang may kaylangan niyan."

Inalis ko ang kumot sa mukha ko para makita niya ako tinanggal ko ang earphone ko sa tainga at binaba ang phone ko sa gilid.

Natigilan naman siya at umupo sa gilid ng kama ko.

"Tsaka nanonood ako!"

"Internet world na ulit?"

"Big deal?"

Inirapan ko siya. Tumagilid na lang ako. Hindi na siya hinarap.

Pero hindi siya nag papigil. Tumayo siya para lumipat sa gilid kung saan ako nakaharap.

"Tara na! Please."

"Bakit ka ba mag workout? Ayaw mo ba humiga lang?"

"Hindi na kasi na stretch katawan ko... Bili na!"

"Ayaw ni Alejandro na payat ako." Wala sa sariling kong sabi.

"Hindi ka naman papayat sa isang beses mo lang gagawin! Sasamahan mo lang naman ako. Bili na."

Hinila niya ako patayo. Wala naman akong nagawa kasi sila na ata nag dedesisyon sa buhay ko.

Nag palit muna ako ng pang workout na damit.

Pink na sports bra at black na leggings.

Pag baba ko ay nakita ko si Bella na nag aayos na ng yoga mat. Regalo sa akin ni Paul nung 18 ko. Hindi ko nga alam bakit niya ako niregaluhan ng ganoon. Hindi ko naman nagagamit.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon