Kabanata 25

589 10 0
                                        

Kabanata 25

Hinatid ako ni Miggy pag tapos nung game. Hindi naman ako nakahindi kasi pinilit niya ako.

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Nauna siya bumaba para pag buksan ako.

Bumaba naman agad ako.

"Hindi mo naman kaylangan pag buksan pa ako."

He smiled.

Inunahan ko na siya buksan ang gate namin dahil baka may magalit sa akin pag nakita kami dahil mukha siyang bodyguard. Hindi man ako ganoong mayaman pero dahil kay Miggy nagkakaroon ako ng bodyguard. Naalala ko tuloy si Alejandro. Grabe mga taga National University wala akong masabi.

Pumasok na ako ng gate hindi naman na siya pumasok pa pero nasa harap siya ng gate namin.

"Watch ka naman game bukas."

Pilit akong ngumiti dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Gusto ko naman manood kasi nandoon si Alejandro pero ayaw ko paasahin si Miggy na siya ang dahilan kung bakit ako manonood kasi hindi naman.

"Kung hindi ka lang naman mag babantay bukas." Dagdag pa niya.

"Puwede naman after the game na lang."

Kung pag bibigyan ko siya baka umasa pa siya pero deserve naman niya malaman na may iba akong gusto kaya pumayag ako na after the game na lang.

"Hmm, punta ka na lang sa hospital bukas kung hindi ka pa pagod."

He smiled genuine.

Dahil sa ngiti niya... I think he deserve someone better than me.

"May sasabihin din kasi ako."

Hindi naman niya natago sa akin ang pag pawi ng mga ngiti niya kahit madilim na.

"Ako rin may sasabihin sayo."

Mag sasalita pa sana ako kaso kumaway na siya paalis. Pumasok na siya sa sakyan at umalis.

Wala akong ganang kumain kaya dumiretso na ako sa pag tulog. Nag check lang ako saglit ng phone ko para tingnan kung may nag text pa pero wala naman.

Kinabukasan ay tiningnan ko ulit ang phone ko pero wala paring nag text. Some random text lang ni Vito ang laman ng telegram ko.

I decided to text Alejandro.

Me:
Good luck later! I'm rooting for you!

Nasa hospital na ako ngayon kasama ko si Bella.

I check again my phone pero wala parin nag text. Busy siguro may game e! Binaba ko ang phone ko sa table na nasa gilid ng sofa na inuupuan namin ni Bella.

"Tila babasagin na ng mukha mo yung cellphone mo."

Lumingon ako sa gilid at sinamaan ko lang ng tingin si Bella. Hindi ko na lang siya kinibo kasi bad mood ako.

"Nawa'y yung hinihintay mo ay dumating na." Biro pa niya.

Bigla naman tumunog ang phone ko kaya kinuha ko agad ang phone ko, narinig ko naman si Bella na tawang tawa sa akin.

Miggy:
See you later!

Mapait akong ngumiti. Okay sana kung hindi niya ka team yung nag text sa akin kaso ka team niya.

Sa bagay kapitan siya.

"Ay hindi siya ang hinihintay ni Princess Jasmine?"

Tawang tawa naman si Bella dahil sa pag iba ng mood ko.

"Siguro si Alejandro nag text pero ang hinihintay mo si Miggy." Dagdag pa niya.

Sana nga si Alejandro na lang talaga nag text hindi na si Miggy.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon