Kabanata 21
"Kamusta si Lola?" Paul asked.
Kasama niya si Vito at Hans na nakatambay sa sala namin.
Sarap buhay muna sila kasi kakatapos lang ng training nila ngayon tsaka raw panalo naman daw sila nung nakaraan.
Hindi na lang sila umuwi sa bahay para matulog.
Papunta na rin dito si Bella galing pa siyang hospital.
Gusto lang nilang tumabay saglit kasi pahinga raw saglit at naisip nila na rito sila pumunta kasi mangangamusta raw sila pero tingin ko naisip lang nila na walang tao rito sa bahay. Ayaw nilang gumastos kumain sa labas.
Mga kuripot!
"Okay naman na raw."
Tumayo ako para kunin yung noodles na niluto ko para sa aming apat.
"Kayo ni Tolentino kamusta?" Rinig kong sigaw ni Vito.
Hindi kami masyadong nakakapagusap ni Miggy kasi mailap ako kahit naman kasama ko siya kahapon kasi hinatid niya ako hindi rin kami nakapag usap.
Base sa nakikita ko sa social media may na isyu sa kanya na babae 'yung kayakap niya after the game nung against UST.
Nalungkot ako kasi pag tapos niya umamin biglang may bago pero mukhang isyu palang naman kasi nag text parin siya sa akin at sinamahan niya pa ako kahapon.
Kung kakayanin niya ako hintayin edi okay pero kung may kapalit na okay lang din kasi kasalanan ko rin.
"Should I say kamusta kayo ni Mercado?" Sigaw ulit ni Vito.
Wala naman kami ni Mercado. Naging close lang kami saglit tsaka alam niya naman ata na gusto ako ni Miggy. Hindi naman siguro magkakagusto sa akin 'yon. Kaya malaking isyu lang talaga 'tong si Vito. Sarap saktan.
Inabot ko sa kanila yung noodles nila gusto ko na nga itapon kay Vito kasi ang daldal niya.
"Resbakan na ba namin?" Tanong ni Hans.
Nagbutonghininga lang ako sa kanila at hindi kumibo.
"Sabihin mo lang Jasmine!" Si Vito.
Pinakita niya pa yung mga muscle niya, ang yabang! Akala mo siya lang may muscle yung reresbakan nila parehas lang ng katawan nila.
"Sa akin palang taob na 'yon." Hirit ni Paul.
Sabi mga De Lasalle raw ang mayayabang hindi nila alam lahat naman.
Wala talaga akong duda sa tatlong 'to bagay na bagay mag kaibigan.
"Wala ka naman doon, Paul!"
Nagulat naman kami sa bagong pasok na si Bella.
Umupo naman si Bella sa tabi ko. Nasa kabilang sofa kasi ako na nakaharap kala Paul.
"Huh? Sino ka?" Banat ni Paul kay Bella.
Here we go again. Kung nakikita sana ng mga taong malakas mang isyu na kasama namin si Bella. Baka si Bella pa ang pagkamalang girlfriend ni Paul.
"Si Alejandro Mercado stick to one.. Kayo kaya?"
Wala naman palag si Paul kasi alam naman naming lahat na babaero siya pag off season pati narin si Hans. Hindi ako sure kay Vito kasi may girlfriend siya.
"Stick to one raw? Bakit hindi nag stick kay Jas?" Si Hans.
Kumampi pa siya kay Paul parehas talaga silang babaero mga ayaw sa commitment.
![](https://img.wattpad.com/cover/218037598-288-k646274.jpg)
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Fiksi RemajaThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...