Kabanata 30

594 7 0
                                    

Kabanata 30

"Sa inyo ako tulog."

Hawak ni Bella ang kanya phone malapit sa lamesa sa kadahilan na naka charge phone niya.

Nasa kabilang gilid naman ako ng sofa.

"Punta ako kala Alejandro mamaya. Kaya mauna ka na sa bahay."

Agad ko naman nakuha ang buong atensyon niya dahil binaba niya ang phone niya sa lamesa.

Masusi niya naman akong tiningnan.

"Sama!"

Huminga ako ng malalim. Ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila kinabahan pa nga ako kasi baka ipakilala niya ako sa parents niya pero ang sabi naman niya wala raw magulang niya ngayon. Hindi ko na natanong kung nasaan pero ang nasa bahay lang daw nila ay yung kuya niya at 'yung babae niyang kapatid.

"Ay... Wag na lang. Wala palang bantay si Lola! Hays! Kung may jowa lang talaga ako baka ikaw magbabantay dito kahit may ganap kayo ni Alejandro. Sis ako na lagi nandito pero sa bagay wala naman akong gagawin."

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa para makapag phone na lang muna. Ang hirap kapag binigyana ng buong atensyon ni Bella. Hindi ka na niya titigilan.

Naglaro na lang ulit ako ng 2fuse wala akong choice ang ingay parin sa social media e. Nung nakaraan nag online lang ako dahil nag post ako tungkol sa nakaraan na laban ng UST. Mabubulok na kasi sa camera ko. Tsaka mapapagalitan na ako.

"Huy mag kuwento ka na lang ah! Pag uwi mo!"

Pindot lang ako nang pindot sa phone ko. Binibilisan ko na gusto ko mataas combo. Ang hirap kasi naging aware pa ako sa mga combo combo mas lalo tuloy nakakabaliw.

"Huy? Mag kaaway ba kayo ni Alejandro. Sinisira mo na phone mo. Gigil ka teh?"

Naputol ang combo ko kaya sinamaan ko ng tingin si Bella. Ang ingay kasi.

"Sino ba nasa bahay nila? Meet the parents na ba?"

Umiling lang ako para sagutin ang tanong niya tsaka ako nagpatuloy mag laro.

"Si Alexander nandoon? Baka naman video greet lang."

Mali ata ang desisyon kong sagutin pa si Bella habang nag lalaro ako.

Naramdaman ko naman ang balat niya na dumikit sa akin.

"Kahit kay Anastasia na lang pala."

Hindi na ako kumibo. Nagpatuloy ako kakalaro nakakatuwa nga mag 100 na yung combo ko kaya mas lalo akong nag ingat baka mag ka mali sa larong 'to.

"Ay touch screen?"

98 na...

Nagbutonghininga ako sabay tingin kay Bella. Umaapaw ang inis ko sa kanya ngayon. Ready na ako manaket ng pinsan.

"Takte!" Tanging nasabi ko.

"Sorry..."

"Alam mo bang kaya ko manaket ng pinsan." Sarkastik na sabi ko.

Mabilis siyang umalis sa puwesto niya sabay takbo sa kabilang gilid ni Lola. Ang suwerte nga lang niya kasi nakamulat si Lola.

"La, si Jasmine po!"

Nag sumbong pa talaga ang luka. Sarap sakalin. Nasa pagitan namin ni Bella si Lola.

"Uwi na ba tayo?" Si Lola.

Hindi pinansin ni Lola si Bella pero parehas kaming natigilan ni Bella dahil sa sinabi ni Lola.

Pag nagigising siya ayan lagi niyang tanong sa amin. Kung iuuwi na ba raw namin siya. Ayaw kasi talaga ni Lola sa hospital.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon