Kabanata 39

497 10 0
                                    

Kabanata 39

Tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Narinig ko na bumukas ang pinto. Lumingon ako sa kakapasok lang na si Alejandro.

"Bakit—" Hindi niya natuloy ang tanong niya. Nilapitan niya naman agad ako. Inabot ng mga kamay niya ang pisngi ko.

"Anong nangyare?" Kitang kita ko sa mata niya ang pag aalala sa akin.

Hindi ko naramdaman na basa na pala ang pisngi ko dahil sa mga patak ng luha ko.

"Wa-wala na si-si... Lola..."

Tinaggal niya ang kamay niya sa mga pisngi ko. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa beywang ko ang isang kamay naman ay hinawakan ang ulo ko.

Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi parin kasi nag process sa utak ko 'yung text ni Mama.

Tumunog naman ang phone ni Alejandro kaya binitawan niya muna ako saglit.

Lumabas ang pangalan ni Bella sa phone niya. Sinagot naman niya agad.

"Oo kasama ko." Narinig kong sabi ni Alejandro.

Tiningnan ko ulit ang phone ko. Binasa ko ulit ang text ni Mama.

Mama:
Wala na si Lola mo.

Hindi parin ako makapaniwala kahit ilang beses ko basahin.

May bagong text naman si Mama ngayon.

Mama:
Nasaan ka na?

"Okay. Papunta na kami." Narinig ko ulit na sagot ni Alejandro.

Dahan dahan na akong lumabas sa amin. Ganoon din si Alejandro.

"Ang bilis naman mapalitan ng saya." Wala sa sariling sabi ko.

Hindi naman na kumibo si Alejandro. Sumakay na lang siya sa sasakyan. Ganoon din ang ginawa ko.

"Nasa St. Peter na raw...." aniya.

Pagod akong ngumiti sa kanya.

Malapit lang ang St. Peter sa amin kaya mabilis lang kaming nakarating ni Alejandro.

Nakasalubong ko ang iilan sa mga kamag anak namin.

"Kanan..." Narinig kong sabi ng nasa likod ko. Sinunod ko naman 'yon.

Nakita ko si Mama na nakatayo sa malapit sa pinto.

"Ang tagal tagal mo." Malungkot na bungad niya sa akin.

Nariring ko naman ang lakas ng iyak ni Bella. Ganoon din ang iba kong pang pinsan.

Hinanap naman agad ng mga mata ko kung nasaan si Papa. Nakita ko naman siyang nakaupo sa gilid. "Hindi mo na abutan." Malungkot na sabi niya sa akin

Umupo ako sa tabi ni Papa. Niyakap ko siya sa patagilid.

"Ganoon talaga... Pagod na siya..." Bulong ni Papa sa akin. "Isipin mo na lang na nag kita na ulit sila ng Lola mo." Dagdag pa niya.

Lalo lang akong naiyak sa mga nasabi ni Papa. Wala akong maramdaman ngayon. Gusto ko lang umiyak. Tila ako batang umiiyak kay Papa.

"Mahal na mahal ka ng Lola mo. Naging mabuti kang apo." Bulong pa ni Papa.

Last na kita na pala dapat namin kanina ni Lola. Hindi pa ako umabot. Dapat pala sinunod ko na lang si Bella.

Love takes time nga diba, Jasmine?

Naalala ko tuloy si Alejandro. Inalis ko na ang yakap kay Papa. Hinanap ko naman si Alejandro. Nakaupo siya sa upuan sa labas. Nag paalam naman ako kay Papa para puntahan ni Alejandro.

Strains of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon