Kabanata 6
"Jas? Are you okay?" Si Paul.
Lumipas ang mga araw madalang naman na nag text si Miggy pero nag text parin siya medyo consistent nga siya at nakakatulong siya para malibang ako.
Kaso iba ang araw ngayon at lunch break na wala paring paramdam si Miggy naiisip ko tuloy si Lola lalo dahil mas lumala na raw ang lagay ni Lola ngayon pero nakakausap pa naman nila kaso kapag nasa bahay o nasa school ka habang may nagbabantay sa hospital
Ang hirap hirap nga lang sa amin kasi nag aantay ka lang ng update sa group chat kaso hindi mo alam kung babasahin mo o hindi.
Kasi hindi mo alam kung good news or bad news.
"Jasmine? Gusto mo bang bisitahin natin mamaya si ang Lola mo para naman gumaan ang loob mo. Wala naman kaming training mamaya." Dagdag pa ni Paul.
Tiningnan ko naman si Paul. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala saakin. Ayaw ko naman kaawaan nila ako. Kaso hindi ko kayang itago ang pag-aalala ko kay Lola.
"Seryoso ka?" Sagot ko.
Kasi minsan na lang siya mag-aya tsaka on season sila ngayon mahirap sumingit sa schedule niya.
Naiintindihan ko naman 'yun. Maunawain akong tao at gusto ko na yung pangarap niya nararating niya at ayokong maging sagabal kasi wala naman akong karapatan.
"Oo naman. Basta para sainyo ni Lola." Ngiti niya saakin.
Ang gwapo ni Paul. Kaso hindi talaga kami para sa isa't isa. Feeling ko lang.
"Sama natin si Bella." Wala sa sariling bangit ko. Kung tutuusin mas bagay nga sila ni Bella. Laging nagbabangayan minsan o mas hindi sila magkaunawaan laging may asaran ganun ata pag love story. Hindi ganto katulad saakin.
"Syempre naman! Para sa pamilya Alonzo!" Pagkasabi niya ay niyakap ko na lang siya. Tila ko na siya kuya o ako ang ate? Maunawaing ate.
Hinatid ako ni Paul sa next class ko. Gustong gusto ko na pabilisin ang oras.
Nakita ko naman na nag text si Paul sa group chat naming tatlo nila Bella. Binuksan ko naman para mabasa ko ang usapan nila.
Paul:
Bella! Bibisita kami mamaya kaya dimiretso ka na roon ah?Bella:
Wow! Ang daming time! Kahit hindi mo sabihin diretso ako roon!Paul:
Baka kasi may date kayo ni Villanueva hahahaha sa panaginip.Bella:
Minsan ka na lang mag paramdam tapos epal ka pa! Batukan kita mamaya. Tsaka walang time si Villanueva saakin ngayon kasi tinalo niyo sila.Natatawa na lang ako sa usapan nilang na walang ka kwenta kwenta.
Lalo pa siguro kapag magkakasama kami sa iisang school baka kung saan kami tatambay pag aawayan pa nila ganoon sila kalalang dalawa.
Lumipas ang mga oras uwian na. Kaya naman sinabi ko kay Papa na hindi na ako sasabay sakanya dahil dadalaw kami ni Paul at may sasakyan naman si Paul. Tiwala naman si Papa kay Paul kaya pumayag siya.
Ang usapan naman namin ni Paul ay sa bench kung saan kami laging nakatambay kami magkikita.
Pag dating ko ay wala pa siya roon. Naglibang muna ako sa social media account ko. Tiningnan ko ang twitter account ko.
May nakita akong twitter serye na minention saakin ni Aya. Ako tsaka si Paul ang bida. Hindi na talaga alam.
Bahala na basta masaya sila.
Hindi na ako hahadlang.Pero tingin ko titigil lang mga 'to kung may jowa na ako o kaya naman may jowa na ulit si Paul.
Pagbukas ko naman ng telegram ko nakita ko na nag text si Miggy
Miggy:
How are you? And how's your Lola?Nabanggit ko na naman kay Miggy yung about kay Lola kaya gumaan na ang loob ko sakanya. Kaya sana naman maayos talaga siya.
Me:
Dadalawin namin ngayon si Lola.Agad agad naman siyang nag reply. Ang dami talagang time nito!
Miggy:
Ohh? gusto ko rin sana makadalaw para naman makita ko na si Lola para meet the parents narin kaso busy eh! Acads! Para sa future natin.Ang speed talaga ng luko na 'to. Akala niya naman madadaan niya ako sa ganyan niya. Syempre hindi. Hindi ata uto uto 'tong binobola niya.
Hindi ko na muna siya nireplayan kasi nag aaral siya. Minsan lang 'yun tsaka baka kaylangan niya talaga hindi naman 'yun gumagawa ng dahilan. Napansin ko kasi nagbibigay talaga siya ng oras para saakin.
Ewan ko ba doon ang tyaga.
Naisipan ko narin mag text na lang kay Paul. Kasi medyo matagal narin ako nag hihintay dito.
Me:
Wru?San na kaya siya. Kung hindi siya makakarating ay mahihirapan akong sumakay papunta sa Hospital. Kaya sana lang kahit ngayon lang wag naman sana siyang paasa.
Me:
Hey?Wala paring sagot. Nakakaloka naman si Paul. Parang kanina lang! Dapat talaga di ako umaasa sakanya eh! Buti nalang mahaba pasensya ko pagdating sakanya.
Papa:
Nandito na kami ni Bella sa Hospital. Hinahanap ka na ni Lola mo. Bilisan mo.Wala na talaga akong pag-asa. Pero naisipan ko naman mag text kay Miggy. Baka pwede siyang maistorbo kahit saglit.
Me:
Busy ka talaga?Nabasa ko naman agad ang reply niya.
Miggy:
Busy talaga ako pero bakit?Me:
Hindi kasi dumating si Paul kanina pa ako nag hihintay dito sa UST. Walang maghahatid saakin sa Hospital kasi nandoon na si Papa. Ang hirap hirap pa sumakay.Pagpapliwanag ko sakanya. Sana pumayag siya kasi siya na lang pag-asa ko.
Miggy:
Hmm busy talaga ako pero yung kaibigan ko hindi busy nakatambay lang sa bahay. Papuntahin ko riyan sa Espanya.Me:
Omygash!!!! Thank you!Pagtapos ko isend iyun. Nakita ko na may panibagong text. Galing kay Paul.
Paul:
Sorry Jas! May biglang patawag si coach! Hindi agad ako nakapag text kakacharge ko lang!Hindi ko na lang siya nireplayan. Paasa pero sige okay lang. Pangarap niya 'yun ako lang 'to. Buti na lang may kaibigan si Miggy kahit papano.
Nakita ko na nag reply pa si Miggy kaya binasa ko kaagad.
Miggy:
Wala eh! Malakas ka saakin.Sana all si Miggy Tolentino.
Pagkatapos ng mahigit bente minutos ay lumabas ako at nag hintay na lang ako sa gate. Nandoon na raw kasi yung kaibigan ni Miggy.
May nakita naman agad akong Black nasasakyan.
Nagulat naman ako nung lumabas yung may-ari.
Kung minamalas ka nga naman talaga!
Malas na nga dahil hindi ko kasama ang kapitan ng UST minalas pa dahil kapitan ng NU ang makakasama ko.
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...