Kabanata 43
Ayaw ko na sana manatili dahil sabi nga ni Alejandro kaylangan niya ng oras. Oras para mag isip. Naisip ko kagabi na kaylangan ko rin ng oras para makapag isip isip.
Kagabi ko lang naiisip na hindi na pala kami laging nag uusap ni Alejandro simula nung namatay si Lola Carmina. Hindi ko na realize kasi busy ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko napansin na may mga tao pala na nandyan para sa akin. Hindi pala dapat tumigil ang mundo ko, kaylangan ko mag patuloy.
Nung gabi ay pinilit ako ni Bella na mag stay. Break naman na raw. Sinabi niya na puwede naman lumipat kami ng lugar pero wag muna raw kami umuwi.
Hindi naman pumayag si Paul na lumipat kami ng lugar. Okay na raw dito masyado naring gabi kung aalis pa kami.
Wala akong choice kung hindi makinig sa kanila. Ang pangako naman ni Bella ay hanggang bukas lang. Ayun lang din ang paalam niya sa aming dalawa.
Kinabukasan ay wala akong ganang gumising. Anong oras na ay nakahiga parin ako sa kama ko. Hindi naman ako kinulit ni Bella na lumabas kaya ito nakahilata parin ako.
Gumugulo sa isip ko kung tama ba ang desisyon na bigyan ng oras si Alejandro. Sana sa mga oras na ibibigay ko sa kanya, hindi ako mapalitan ng iba.
"Jasmine?" Narinig kong tawag sa labas. Nanatili parin ako sa puwesto ko. "Jasmine? Tapos ka na bang mag emote?" Dagdag pa ni Bella.
Nung nakapasok siya ay nag kunwarian akong tulog. Tinatamad talaga akong kumilos ngayong araw. Wala akong lakas makinig sa kanila.
"Tigilan mo na 'yan!" Naramdaman ko naman ang pagdagan ni Bella sa kama ko. Pilit niyang tinatanggal ang kumot na nakapatong sa buong katawan ko. Hinigpitan ko naman para hindi niya maalis sa akin.
"Wala akong lakas..." Nag salita na ako. Alam niya narin naman na gising ako kasi nanlalaban ako para hindi niya matanggal ang kumot na nakapatong sa akin.
"Mas matindi 'yung Hannah na 'yon kaysa kay Alexa... Tinatanggalan ka niya ng lakas." Natatawang sagot ni Bella.
Patuloy pa niyang hinila 'yung kumot ko. "Akala ko ba walang lakas?"
Pinakawalan ko na ang kumot ko. "Ano bang gusto mo?"
"May dala pa kasi akong swimsuit baka gusto mong mag swimming. Sayang araw."
Umiling ako. Kinuha ko ang kumot para takpan ang mukha ko.
"Tigilan mo ko, Jasmine. Ang sabi ni Lola Carmina huwag mong hayaan makuha ng iba! Kaya bumangon ka na!"
Kahit ilang beses akong tumanggi. Ang dami niyang sinasabi. Hindi ako makakapagpahinga kung andyan siya kaya pinagbigyan ko na. Mabuti one piece lang 'tong swimsuit na ipapahiram niya sa akin.
Matagal ako nag bihis para kaunting oras lang ang meron ako pag labas. Mukhang uulan e.
"Ang bagal! Hindi ikaw 'yan! Umayos ka nga!"
Hanggang sa makalabas kami ng kwarto ay marami paring sinasabi si Bella. Napansin ko naman si Paul na naka sando na.
"Bumili sa labas kanina... Di nakatiis." Bulong ni Bella.
Sumama sa amin si Paul palapit sa dagat.
Natatanaw ko palang ang dagat, pinapakalma niya na agad ang sistema ko. Lalo na nung naramdaman ko ang buhangin na hindi ganoon kainit.
Nahagip ng mga mata ko ang iilang player ng NU sa kabilang gilid. Kahit mas maganda ang puwesto kung nasaan sila hindi na namin pinili roon. Hindi ko na kaylangan sabihin pa kay Bella siya na mismo nag sabi na sa kabila kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/218037598-288-k646274.jpg)
BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Teen FictionThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...