Kabanata 11
Bawat araw gumaan nang gumaan ang puso ko. Masaya tapusin ang natitirang isang linggo ng September na kompleto parin kami at okay na si Lola Carmina.
Kaso nga lang hindi parin siya makagala. Kaya hindi rin muna kami gumagala dito lang kami sa bahay pag wala namang pasok kakain lang kami sabay sabay sa bahay.
Madalas narin ang pagbisita ni Bella kahit may pasok. Minsan ay sa kwarto ko na lang siya natutulog. Dito narin siya pag weekend dahil gusto niya makasama si Lola. Lahat ata talaga kami takot mawala si Lola Carmina parang wake up call sa amin nung nag kasakit siya.
Apat na laro na lang naman ang natitira sa UST sa first round. Okay naman na kami ni Paul nagngingitian kahit papano ang sabi niya sa akin noong isang araw ay focus muna siya sa UAAP kaya baka raw minsan masungitan niya ako o hindi mapansin.
May ugali kasi si Paul na magtatampo siya tapos 'di ka niya papansin tapos pag okay na siya hindi ka parin niya papansinin ganun. Basta sanay na ako, sanay na kami nila Bella sa kanya.
Ngayon ay nasa Espanya lang ako pero maaga ang uwi ko. Ayaw ko pa nga pumasok kanina e!
"Huy!" Nakita ko naman si Aya sa likod ko. Tiningnan ko lang siya. Ano na naman kaya ganap sa buhay nito?
"Maaga uwi mo?" Tanong niya.
"Oo. Bakit?" Sagot ko sa kanya.
Magsasalita na sana siya kaso may biglang nag text sa phone ko. Kaya tiningnan ko muna 'yun. Galing pala kay Miggy. Miggy and I still friends! Walang bago.
Miggy:
May game kami today! Watch ka! Libre ko na ticks!Pinatay ko na lang ang phone ko pagkabasa ko nun at tumingin ako kay Aya para patapusin 'yung sinasabi niya kanina.
"Nood tayo mamaya NU vs UE! 'Yung wala tayong camera kasama 'yung nood lang talaga!" Excited na sabi niya. Akala mo naman mapapayag niya ako agad kahit nag text na si Miggy na libre niya.
"Not sure." Sagot ko na lang.
"Jasmine tara na mag enjoy ka naman!" Pamimilit niya.
"May ticket ka na ba?" Tanong ko?
Tinaasan ko na lang siya ng kilay kasi mukhang wala pa siyang ticket kung makapilit siya akala mo ready siya. Hindi naman lulusot ang ID namin ngayon.
"Doon na tayo bibili! Hindi naman ata pumuan 'yun! Kahit player ng UE si Ocampo!" Dipensa niya sa sarili niya.
Inirapan ko na lang siya. "Gustong gusto mo ba talagang manood?" Tanong ko sa kanya. Wala naman talaga akong gagawin dahil mamaya pamg gabi pupunta si Bella sa bahay kaya pwede rin akong gumala.
"Oo naman! Ngayon na lang e!Mabilis niyang sagot.
"Sige. Libre raw ni Miggy ticket." Wala sa sariling sagot ko.
Umuwang naman ang labi niya.
"Huh? Miggy?" Pag uusisa niya.
"Miguel Tolentino." Sagot ko na lang.
Dumami ang tanong niya tungkol kay Miggy. Hindi ko pa pala nakwento sa kanya si Miggy kaya gulat na gulat siya. Nag post naman ako sa instagram ng picture ko sa Intramuros kaso 'yung ako lang mag-isa. Tsaka sino ba naman ako para makilala si Miggy Tolentino.
Pinatapos ko dumaldal at mag tanong ni Aya tsaka ako nag text kay Miggy.
Me:
I will watch if 2 ticks yung libre! Hahaha btw good luck!Active naman siya sa telegram mukhang nasa bus palang siya ngayon papuntang MOA kaya hindi mahirap ang pag reply niya sa text ko.
Miggy:
Sure. May magbibigay na lang ng tickets sayo mamaya baka busy na kami nun. See yah!Pag tapos ng class namin, umalis na kami agad ni Aya. Sobrang excited niya raw kasi hindi raw kami media team ngayon. Pero kukuhanan ko parin sila gamit phone ko sayang libre kung wala akong ibabalik diba?
Pag dating namin sa MOA ay may nag abot nga sa akin ng libreng tickets. Pumasok na kami sa Arena at umupo sa assign seat sa amin.
Konti lang ang tao dahil nga Wednesday ngayon may pasok pero rinig na rinig mo parin ang mga cheer ng bawat school kaya maingay parin.
Nag umpisa na ang game at ngayon ko lang mapapanood si Miggy na kilala ko na siya. Noon una kasi ay sa television lang tsaka magaling naman siya nun. Lahat naman ng UAAP player magaling hirap kaya mapasok sa lineup.
Maganda ang nilalaro ng National University kaya sobrang tili nung katabi ko. Kada puntos ni Alejandro sisigaw siya ng "I'm so proud of you Alejandro!" May kasamang tayo pa 'yun at pagpalo sa akin.
Ang wild ni Aya! Hindi naman siya ganto kapag Media Team kami. Siguro takot siya malalalag yung camera kaya hindi siya tumatayo.
Nakita na naman ng mga mata ko si Ocampo. Sikat talaga si Sean Ocampo kasi bentang benta 'yung mukha niya sa mga tao pwede na siyang mag artista.
Kulang lang talaga ang University of the East sa makakatulong kay Ocampo. Kung may katulong lang si Ocampo na kasing solid niya, tambak na yung National University ngayon.
Pero hindi, kaya nanalo ang National University. Tuwang tuwa si Aya kasi raw makakalaban nang National University ang ADMU at DLSU kaya susulitin niya na raw itong pagkapanalo.
Hindi muna kami lumabas agad dahil may isang game pa. Nanood muna kami ng FEU vs UP. Kitang kita ko sa pwesto ko na ang daming fans ng UP na nandito pero meron din naman sa FEU.
Kaya sayang hindi ko kasama si Bella kasi UP pala ang next na game. Wala ngang laro si Villanueva e! Sa FEU naman ang galing nung number 5 'yung Anonuevo kaso walang reaction lagi kahit nakakapuntos.
Nagulat naman ako nung may biglang tumabi sa akin kaya napatingin ako. Si Miggy pala kasama si Alejandro at tsaka 'yung Carl ka teammate rin nila. Pinakilala ko rin si Aya na kilig na kilig dahil sa presensya ni Alejandro.
"After the game kain tayo?" Bulong sa akin ni Miggy.
"Sure! Para makabawi ako pero kasama si Aya ah!" Bulong ko pabalik sa kanya.
"Sama ko narin si Alejandro at Carl."
Tumango na lang ako sa kanya. Para naman makabawi ako nung nakaraan.
Nung pinaalam ko kay Aya hindi na siya nag-isip, oo na raw ang sagot niya. Basta kay Alejandro go na go 'tong si Aya! Parang si Bella e!
Hindi na namin tinapos ang game kasi mukha naman ang FEU na ang mananalo sa game. Sa tingin ko lang naman.
Sumakay kami ni Aya sa sasakyan ni Miggy sila Alejandro na ang pumili kung sa akin kami kakain.
Binaba na kami ni Miggy sa kakainan naming Restaurant. Pumasok na kami ni Aya at naghanap kung anong uupuan naming lima.
Dumating na ang pagkain namin. Parang getting to know each other nangyayare rito.
Ang pabebe ni Aya.
Tanong nang tanong si Aya tungkol sa National University. Ako naman tinitingnan ko lang sila. Kung tatanungin nila ako sasagot ako. Kaso nakakailang 'yung titig ni Alejandro sa akin. Hindi ko alam kung napapansin ni Aya o baka kay Aya nakatingin si Alejandro kasi katabi ko si Aya.
Ang weird niya.
"Alejandro kelan i-post yung cover niyo ni Alexa?" Tanong ni Aya. Nakuha naman nung tanong na 'yun ang atensyon ko.
Naalala ko kasi si Alexa baka kung anong sabihin niya kasi hindi ako nakasama nung kumain sila. Sabagay hindi naman siguro kawalan sa kanya nung nawala ako.
"Baka mamaya na. Sa youtube channel ni Alexa i-post 'yun." Sagot ni Alejandro.
"Ah." Si Aya.
"Umamin ka narin ba Mercado?" Pabirong tanong ni Carl.
Tahimik naman kami ni Aya na nag-iintay sa sagot ni Alejandro kasi gustong gusto na namin ni Aya malaman kung para kanino mga cover niyang kanta.
"Ano naman aaminin ko?" Sagot niya kay Carl sabay tingin sa akin.
Sobrang play safe niya naman sumagot. Hays. Hindi siya sasagutin nun kung hindi niya kayang umamin.
————————————————-
To my real life Paul Lazaro, happiest birthday to you!

BINABASA MO ANG
Strains of the Soul
Ficção AdolescenteThe captain of National University Alejandro A. Mercado always has an eye to the best friend of UST Growling tigers team captain. He didn't dare to introduce himself until that girl become the UST Growling tigers basketball team photographer. Start:...