Kabanata 4

36 4 0
                                    

Rosalinda's POV.

Natigil ang pag-uusap naming tatlo nang may tumunog na sobrang lakas mula sa kung saang parte ng mansion. Sa gulat ko ay nadapa ako at napatago sa pagitan ng dalawang kama.

"Binibini, oras na para magtungo sa habag-kainan at kumain ng pang-hapunan."

Muli akong napatayo nang maunawaan ang pinahiwatig ni Rhean.

Lumingon ako sa direksiyon nila ni Eduard nang marinig ko ang kanilang mga yabag at tanging pagsarado na lang ng pinto ang nakita ko nang lumingon ako sa kanila. Kahit naguguluhan pa rin ang isip ko ay hindi na ko nag-isip pa at tumayo na rin. Lumabos ako ng kuwarto at hinabol sina Rhean at Eduard.

Narinig ko ang habag-kainan. Aminado akong gutom na rin ako kaya talagang pupunta ako roon, pero paano kung hindi ko naman alam kung saan 'yon?

Halos matalisod na ko sa pagtakbo dahil sa suot kong saya para lang mahabol ang dalawang kasama ko. Grabe! Ang bilis naman nilang maglakad.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko nang makitang papasok na sila sa isang metal na sahig. Metal na sahig? Pero, parang may hinawakan sila sa harapan nila bago tumuntong doon. Napakunot-noo na lang ako habang hinahabol ang aking hininga nang maabutan ko sila.

"Bakit n'yo naman ako iniwan?" nagtatampo ko kunwaring tanong sa kanila habang sunod-sunod pa rin ang aking paghinga.

"Hindi kasi uso ang mabagal dito. Tss," rinig kong mahinang hasik ni Eduard sa aking tabi kahit rinig ko talaga ang hasik niya.

Epal talaga ang lalake 'to!

Muntikan na kong ma-out of balance nang biglang gumalaw ang metal na sahig na tinatapakan namin ngayon at talagang nanlaki ang mata ko dahil unti-onti kaming tinataas nito. Buti na lang at nahawakan agad ako ni Rhean na nakatayo sa pagitan namin ni Eduard nang muntikan na kong matumba.

Nakahawak pa rin si Rhean sa suot kong saya at talagang hinawakan ko na ang kamay niya dahil sa takot na malaglag sa metal na sahig.

"Salamat, Rhean." Nagawa ko pa ring ngumiti at magpasalamat sa katabi ko dahil sa pagtulong niya sa akin.

"Pero- waah! Ano ito? Bakit tayo nandito? Mukha na bang habag-kainan sa inyo 'to?" kinakabahang tanong ko sa kanila habang mahigpit pa ring nakahawak sa kamay ni Rhean.

Hindi sila sumagot sa akin, pero naramdaman ko ang mahinang pagtanggal ni Rhean sa kamay ko na nakakapit sa kaniya.

"Bobo talaga ng babaeng 'to," bulong ni Eduard.

"Binibining Rosalinda, ngayon ka lang ba nakasakay sa isang glass elevator?"

Nakita ko ang pag-irap ni Rhean sa akin, pero binalewala ko na lamang 'yon nang maunawaan ang sinabi niya.

"Glass elevator?!" Kumalas ako sa pagkakahawak kay Rhean at umayos ng pagkakatayo.

Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa aking harapan. Pakiramdam ko nga ay hinahawakan ko ang isang hangin. Nang may maramdaman akong bagay sa aking palad ay hindi ko maiwasang magtatalon sa tuwa.

"Ang galing naman! Kaya pala wala akong makitang tao o bagay sa paligid na 'tin dahil glass elevator pala ito! Paano-" Tumigil ako sa pagsasalita dahil may biglang tumunog na naman.

Tumingin ako sa dalawa kong kasama na walang ganang nakatingin sa direksiyon ko. Ngumiti ako sa kanila at tatanungin na sana tungkol sa tunog, pero naglakad na sila palabas ng elevator. Hindi na ko nagdalawang isip na sumunod sa kanila. Mahirap na, baka maipit pa ako sa loob at iwanan lang ako nila.

Grabe! Nakakaubos pala ng enerhiya ang pagsunod sa kanila? Paano pa kaya kapag kasama ko na sila sa paggawa ng naatas sa aming trabaho? Lagot na ko!

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanila. May nadadaanan kaming mga kuwarto na katulad ng desenyo sa palapag ng kuwarto namin. Naisip ko bigla, ilang tao kaya ang nakatira sa lugar na 'to?

Huminto kami sa isang veranda, ang ibig kong sabihin ay sa isang napakalaking veranda. Puno ng upuan at lamesang puno ng mga pagkain na mukhang familiar, pero hindi ang buong paligid. Ang mga sangkap kasi na ginamit ay kapareho lang sa panahon na pinanggalingan ko, pero ang istilo ng pagkakaluto nila ay ibang-iba.

Bukod sa lamesa, upuan at mga pagkain ay marami ring tao sa piligid na nakasuot rin ng katulad sa amin nina Eduard at Rhean.

Sa totoo lang, nakaramdam ako ng pagkailang nang magtinginan ang lahat sa direksiyon ko pagkapasok namin ng dalawa kong kasama. Nakahinga rin naman ako ng maluwag nang saglit lang nila kong pinasadahan ng tingin at pagkatapos ay mabilis din silang bumalik sa kanilang pagkain at sa iba nilang ginagawa.

Nagmasid-masid ako sa paligid habang patuloy lamang ang pagsunod sa dalawa kong kasama. Hindi gano'n katahimik ang veranda dahil may mangilan-ngilan namang nag-uusap. Nakita ko na mayroon namang nakangiti, pero halos lahat ng tao na nandito ay mga walang expression.

Taong tumatawa rito? Gusto n'yo tumawa ako para mayroon ng isa?

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Anong klase ng mundo ba ang napuntahan ko? Tsk.

Huminto kami ng dalawa kong kasama sa isang bakanteng lamesa. May nakahain ding pagkain dito na hindi ko alam kung ano ang tawag. Gusto ko sanang itanong 'yon sa dalawa kong kasama, pero baka makahalata na ang dalawa kong kasama na hindi ako taga-rito sa panahong ito.

Umupo na sila sa magkaharap na upuan habang ako ay umupo sa pagitan nila. Bilog nga pala ang lamesa namin kaya ayos lang kung saan namin gustong umupo. Naglagay na sila ng pagkain sa platong nakalagay sa tapat nila at gano'n nalang din ang ginawa ko. Gusto ko sanang basagin ang katahimikang namumutawi sa pagitan namin, pero baka kung ano na naman ang masabi ko.

Nagsimula na silang kumain ng hindi man lang nagdadasal. Hinayaan ko na lang sila at ako na lang ang nagdasal bago kumain. Nginitian ko lang sila nang makita ang nakakunot nilang noo dahil sa ginawa ko. May mali ba sa pagdadasal?

Samantala, susubo na sana ako sa aking pagkain nang may marinig akong usapan sa aking likuran na nakakuha ng atensyon ko.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Lia? Grabe! Binaril niya ang kaniyang sariling ulo."

"Kaya nga, pero duda ako na isa lamang 'yong simpleng pagpapatiwakal."

"Tingin mo rin? Malamang dahil 'yon sa paglabag niya sa patakaran. Pinarusan tuloy siya ng sarili niyang katangahan."

Hindi ko maiwasang mapalingon sa dalawang taong nag-uusap. Natigilan sila nang makita akong nakatingin sa kanila.

Nakaramdam ako ng hiya kaya alanganin akong ngumiti sa kanila. Tinaasan nila ko ng kilay kaya napakagat ako sa aking ibabang labi.

"Ah. . . Magtatanong lang sana ako," nakangiti kong usal sa kanila.

"Ano 'yon?" sagot sa akin ng isa.

"Anong patakaran ang tinutukoy niyong nilabag ng nagngangalang Lia?"

Natigilan sila sa naging tanong ko, pero nang makabawi ang isa sa kanila ay inirapan ako nito bago sinagot ang tanong ko.

"Ano pa ba? Eh 'di ang isang batas na kinukuha ang buhay kapag nilabag, ang magmahal."

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon