Kabanata 8

21 4 0
                                    

Rosalinda's POV.

Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin kami rito sa ilalim ng arko ng Cabilang Baybay dahil hinihintay pa rin naming dumating si Rosetta bago kami makauwi. Maghahapon na nga rin at pare-parehong nangangawit na ang aming katawan sa kakaupo at kakatayo sa kakahintay sa taong 'yon.

"Baka naman hindi na tayo siputin ng nagngangalang Rosetta? Kaninang umaga pa tayo, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking bato at naglakad pagbalik-balik sa harapan ng dalawa kong kasama.

"Pupunta 'yon. Maghintay pa tayo. Hindi pa naman oras ng pamamahinga eh."

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Rhean na nakatingin ngayon sa hawak niyang orasan. Uso pa rin pala sa panahon na ito ang maghintay ng matagal kahit malabo at wala ng pag-asa? Wew. Uso pa rin pala ang mga 'filipino time' rito?

Pero, natigilan talaga ko dahil sa huling sinabi ni Rhean.

"Anong oras ng pamamahinga ang sinasabi ninyo?" tanong ko sa dalawa.

Alam ko kasi araw lang ng pamamahinga ang mayroon at 'yon ay nagaganap tuwing araw ng linggo, 'di ba?

Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko pagkatapos ay walang expression silang tumingin sa akin.

"Pati 'yon ba naman ay hindi mo alam? Saang lupalop ka ba nakita ni Señora Anafe at parang hindi ka taga-rito sa planetang ito nabibilang?"

Sinamaan ko ng tingin si Eduard dahil sa kaniyang sinabi. Ako pa talaga ang taga- planetang Mars ngayon na napadpad sa planetang Earth ha!

"Tumahimik ka na nga lang, Ginoong Eduard. Wala ka rin namang magandang salita. Binibining Rhean, ano ba 'yong sinasabi mong oras ng pamamahinga?" Binalingan ko ng tingin si Rhean at naghintay ng isasagot niya.

"Binibining Rosalinda, ang oras ng pamamahinga ay nagaganap tuwing paglubog ng araw. Ibigsabihin nito, tuwing lulubog na ang araw kailangan ay wala ng naggagalang mga tao sa labas dahil kapag nahuli ng mga guwardiya civil ang sino mang lumabag ay agad silang babarilin at papatayin."

Kinilabutan ako sa minungkahi ni Rhean. Patay agad at wala ng kulong-kulong? Naalala kong hapon na pala at malapit na ring lumubog ang araw. Hindi pa dumadating ang hinihintay namin tapos maglalakad pa kami pabalik ng mansion.

"Waah! Ayo'kong mamatay sa panahong ito!"

Tumingin ako sa dalawa kong kasama at doon ko lang naalala kung ano ang sinabi ko kani-kanina lang. Nakakunot na naman ang mga noo nila sa akin at mukhang naguguluhan na naman sila sa sinabi ko.

"Hindi ba kayo natatakot? Baka abutan tayo ng sinasabi n'yong oras ng pamamahinga!" palusot ko na lang sa kanila.

Totoo rin naman 'yong tanong ko e. Muntikan ko pang masabi sa kanila kanina kung saang panahon talaga ko nagmula, pero ayaw ko talagang mamatay sa mundong ito. Sa mundong marami ng nagbago.

Mukhang wala namang pakialam ang dalawa sa tanong ko at mukha rin namang hindi sila gano'ng nag-aalala, pero kapansin-pansin ang pagtahimik nila dahil sa sinabi ko.

"Mahal n'yo ba buhay ninyo?"

Iniba ko na lang ang tanong ko sa kanila, pero hawig pa rin ng una kong tanong. Baka sakaling masagot na nila.

"Bawal nga ang magmahal," paalala na naman sa akin ni Eduard na muli kong ikinasimangot.

"Sabi ko nga kahit sarili na 'ting buhay bawal na 'ting mahalin," naaasar kong usal sa kaniya.

Muli na naman silang natahimik. Hindi na kami nakapag-usap ulit nang may tumigil sa harapan namin na isang babae.

Nakabalunbon ang kaniyang buhok. Naka-duster siya na bulaklakin, nakasuot ng bakya at sa tingin ko ay hindi pa siya gano'ng katanda, pero hindi rin naman siya gano'ng kabata. Siguro naglalaro sa thirty's ang edad niya.

"Ako si Rosetta. Nasaan na ang bagay na binili ko?" Inabot niya sa amin ang isang kayumangging sobre na maaaring naglalaman ng kaniyang bayad.

Wala man lang siyang 'hi' or 'hello' sa amin. Grabe talaga mga tao sa panahong ito.

Kinuha ni Rhean 'yong sobre at inabot naman sa babae ni Eduard ang isang supot na kulay itim.

Pare-pareho naming hindi alam kung ano ang laman no'n dahil inabot lang din sa amin 'yon ni Señora Anafe. Pagkatapos namin magka-abutan ay umalis na rin agad 'yong babae.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay tapos na rin ang trabaho namin ngayong araw.

"Tsk. Bilisan na na 'ting makauwi dahil 5:30 na ng hapon. Malapit na ang oras ng pamamahinga."

Nataranta ako bigla sa inanunsyo ni Rhean.

"Sumakay na tayo ng kahit anong sasakyang mapapadaan," natataranta kong usal sa kanila ngunit sabay lang silang bumuntong hininga ng malalim.

"Wala ng gaanong dumadaang sasakyan kapag ganitong oras. Kung maghihintay pa tayo ay mas lalo lang tayong matatagalan." Tumayo si Eduard at pinagpag ang nadumihan niyang pantalon.

"Wala tayong ibang magagawa kundi maglakad na lang pauwi," dugtong naman ni Rhean sa sinabi ni Eduard at saka tumayo na rin.

Bumalik ang kaba sa aking dibdib dahil sa pinahayag nila. Sana naman walang masamang mangyari sa amin.

*

Sinasabi ko na nga ba at may kapalit ang lahat ng kasuwertehang natatamasa ko.

Ito kami ngayon nina Eduard at Rhean, nagtatago sa isang eskinita dahil inabutan na kami ng oras ng pamamahinga. Marami na rin kaming nakitang guwardiya civil na dumaan, pero buti na lang at hindi kami nakikita. Malapit na rin kami sa mansion, pero hindi kami makaalis sa pinagtataguan namin dahil baka may sumulpot na guwardiya civil sa dadaanan namin.

"Ano na ang gagawin na 'tin, Rhean at Eduard?" bulong ko sa dalawang katabi ko habang palinga-linga sa paligid ko.

Baka kasi biglang sumulpot ang guwardiya civil sa tabi namin e.

"Kailangan na 'ting maghubad para bumaba ang tiyansa na makita nila tayo."

Napatingin ako kay Rhean dahil sa sinabi niya.

"Yan ka na naman. Sinabi ko na-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni Eduard ang bibig ko.

"Huwag kang maingay, Binibini. Baka marinig nila tayo."

Naramdaman ko ang malamig na hininga ni Eduard sa aking tainga nang magsalita siya. Tumingin ako sa tinitingnan nila ni Rhean at nakita ko ang dalawang guwardiya civil na mukhang may pinag-uusapan, pero hindi namin sila gaanong marinig. Buti na lang nakatulong ang kadiliman ng paligid para hindi nila kami makita.

Sandaling nahinto ang paghinga naming tatlo. Hindi rin kami gumagalaw dahil pakiramdam namin, kapag gumalaw kami ay katapusan na ng mundo.

Nakakainis dahil malapit pa talaga sa amin huminto ang dalawang guwardiya civil para magdaldalan lang. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang mabigat na paghinga ni Eduard sa batok ko, pero bakit gano'n? Ang lamig ng hininga niya? Kailan pa naging malamig ang hiningang nagmumula sa tao?

Samantala, parang tumigil ang pagtakbo ng oras nang biglang bumahing si Rhean na nasa harapan ko. Napalingon ang guwardiya civil sa direksyon namin at agad na tinutok ang kanilang mga baril sa amin.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero agad kong niyakap si Rhean at tumalikod sa mga guwardiya civil nang marinig ko ang pagputok ng baril.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon