ROSALINDA
Nasa gano'ng posisyon kaming dalawa ni JR nang may bigla na lamang magsalita sa aming likuran.
"Raise your hands and don't move."
Natigilan kaming pareho ni JR. Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi man ako lumingon sa aking likuran ay may nakikita na ko sa likuran ni JR at sa magkabila naming gilid na mga guwardiya civil habang nakatutok ang mga baril nito sa aming direksiyon.
Hindi ko alam kung anong klaseng baril ang hawak nila dahil parang ito rin ang nagbibigay impormasyon sa pagkakakilanlan naming dalawa ni JR. Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig namin ni JR.
"Go and seperate them."
Kumalas kami sa pagkakayakap ni JR. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking dalawang kamay at tinitigan niya ko sa aking mga mata. Hindi ko napigilang mapaluha nang magkasalubong ang aming mga paningin.
Napakadaming bagay ang nais kong itanong sa kaniya, pero kumikirot ang aking puso at hindi ko magawang magsalita. Nanghihina ako lalo habang nakatingin sa mata ni JR.
Bakit. . . Bakit niya ginawa sa akin ito? Paano niya ko nagawang ipagkaluno sa gobyerno? Paano ako nagawang traydurin ni JR?
Gusto kong sabihin ang lahat ng ito sa aking kaharap, pero tanging pagtitig sa kaniya ang nagawa ko. Hindi rin siya nagsasalita. Nakatitig lang din siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin, pero ayaw din niyang magsalita.
Ito kaya ang dahilan kaya ayaw niya agad umalis dito?
Sa dami ng tanong na tumatakbo sa isipan ko ay hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin ang mga guwardiya civil. Dalawang tao ang humawak sa dalawang kamay ko. Gano'n din kay JR. Pinaghiwalay nila kaming dalawa. Nagpumiglas ako, pero mas lalo lamang akong nasasaktan dahil sa higpit ng pagkakahawak sa akin ng mga guwardiya civil.
"Please, bitiwan ninyo ko."
Hindi na matigil ang mga luha na lumalabas sa aking dalawang mata.
Bakit ganito? Akala ko, sa panahong twenty-twenty lang may taong magagawang traydurin ako, pero bakit pati rito ay nagawa nila sa akin ito? Ganito na ba kasama ang magmahal at magtiwala sa mga tao?
Ang mga guwardiya civil na humahawak sa akin at kay JR ay sa magkaibang direksiyon kami hinila. Bago kami tuluyang nagkahiwalay ng landas ni JR ay nagsalubong pa ulit ang aming mga mata. Isang walang emosiyon na tingin ang binigay ko sa kaniya.
Ngayon ay nakapagpasiya na ko. Sinusumpa ko ang pag-ibig na naimbento ng mga tao.
*
Piniringan ako ng mga guwardiya civil pagkatapos akong pasakayin sa isang mahabang kotse. Hindi ko na maisip ang tawag sa sasakyan na sinakyan ko dahil magulo pa rin ang isipan ko sa lahat ng nangyari.
Mahigit isang oras na ang lumipas sa aming biyahe, pero hindi pa rin kami humihinto. Kahit isa ay wala akong idea kung saan ba nila ko dadalhin. Dahil sa nakatakip nga ang mga mata ko ay hindi ko rin alam kung sino at ilan ang kasama ko sa buong biyahe. Wala rin namang nagsasalita sa tabi ko. Tahimik lang din akong nakaupo at hindi na nagpumiglas pa.
Ilang beses ko na bang hiniling na sana ay panaginip lang ito?
Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagising sa pagkakahimbing. Sa dinami-daming tao sa panahong twenty-twenty ay hindi ko lubos maisip kung bakit ako pa ang kinuha ng time machine at dinala sa mundong ito. Akala ko nga ay nakatakas na ko sa lahat ng sakit sa pinanggalingan kong mundo, pero hindi pala. Mas malala pa ang pinaranas sa akin dito.
Huminto ang sasakyan na kinalalagyan ko, pero hindi pa rin nila tinatanggal ang takip sa mga mata ko. Inalalayan nila kong makababa sa sinakyan namin bago nila tinanggal ang piring sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang buong paligid habang ang aking dalawang kamay ay nakatali pa rin.
"Feel at home, time machine girl."
Hindi na ko nag-abalang lumingon sa nagsalitang guwardiya civil. Pansamantalang nabaling ang atension ko sa nakakamanghang nasisilayan ng aking mata.
"Nasa langit na ba ko?" Hindi ko alam kung may maniniwala sa akin kapag kinuwento ko sa twenty-twenty na nasa isang malaking hardin ako ngayon na napapaligiran ng iba't-ibang halaman at bulaklak. May iba't-ibang puno rin kasama na ang mga puno ng prutas. Lahat na yata ng klase ng halaman at puno ay nandito na, pero ang mas nakakuha ng atensiyon ko ay ang isang malaki at matabang puno na sagana sa bunga at ang bunga nito ay tila hindi pang-ordinaryo sapagkat namumukod-tangi ang kulay at ang kintab nito. Ni hindi ko mabigkas ang klase ng kulay niya dahil ngayon ko lang ito nakita.
"Grabe ang mga tao sa panahon ngayon. Napaka daming bagay na ang naimbento nila, pero ang kasamaan nila ay hindi pa rin nagbabago."
Hinila ako ng marahas ng dalawang guwardiya civil na kasama ko. Halos madapa na nga ko habang hila-hila nila ko. Dumagdag pa ang mga paltos sa paa ko na hindi pa gaanong magaling.
Sa gitna ng nagtataasang mga damo kami dumaan. Mga ilang minuto pa lang yata kaming naglalakad nang huminto kami sa tapat ng isang malaki at hugis parisukat na manhole.
Dumoble ang kaba ko nang masilayan ko ito at dahil sa takot ay napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ng guwardiya civil na nasa kanan ko.
Dadalhin na ba nila ko sa impyerno? Nalaman na nila ang lagusan papuntang kamatayan? Ayo'ko! Dito na lang ako sa lugar na parang langit!
"Know your position, useless human." Pinalo ang kamay ko ng sobrang lakas ng guwardiya civil na kinapitan ko kaya napadaing ako sa sakit.
Bakal na yata ang buto ng kamay niya. Hindi tulad ng nasa isip ko ay tatlo kaming umapak sa manhole. Sa gulat ko ay muntikan pa kong malaglag nang unti-onti itong bumaba na tila isang elevator patungong. . . impyerno?
Unti-onting nawala ang liwanag galing sa itaas at tanging kadiliman na lamang ang nakikita ko sa paligid.
Ako si Rosalinda Delfin. Napunta sa taong thirty one hundred na may pang-makalumang pamumuhay at napadpad sa totoong mundo kung saan umunlad na ang lahat ng bagay. At ngayon ay nakapunta sa hardin na tila isang langit na may kakaibang puno na ngayon lang nakita sa buong buhay ko, patungo sa ilalim ng mundo na tila isang impyerno sakay sa parisukat na manhole na tila isang elevator.
Ano kaya ang nag-aabang sa akin dito?
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...