Kabanata 34

9 2 0
                                    

ROSALINDA

Dalawang tao na ang namatay, ilang bagay na ang natuklasan ko sa mundong ito. May espasyo pa kayang natitira sa utak ko kung sakaling may ipaliwanag na naman sila sa akin ngayon? May lakas pa kaya ko upang labanan ang kung sino mang kalaban na haharang sa akin ngayon?

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang basement ng hideout nila. Take note. Nasa ilalim pa rin kami ng karagatan kaya wala rin akong idea kung maaraw o maulan ba sa labas ng dagat o 'di kaya kung anong oras na.

Who knows kung gaano rin kalalim ang lupa sa lugar na 'to?

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng pangingilabot. Humawak ako sa aking dalawang braso. Nagpalinga-linga ako sa paligid.

Malay ko ba kung may multo na nag-eexist sa panahon na 'to. Pagkatapos pati rin pala sila lumevel-up na. Kaya na rin silang makita at maramdaman ng tao na wala namang third eye. Mas lalo akong kinilabutan sa naisip ko.

Napataas lang ako ng kilay nang makita si JR na titig na titig sa akin. Magkasalubong ang dalawang kilay niya at kung isang armas lang ang tingin ay malamang kanina pa ko bumulagta sa sahig dahil sa sama ng titig niya.

"Bakit? May problema ba?"

Napalakas yata ang boses ko kaya pati ang mga kasamahan naming nauuna sa paglalakad ay napalingon din sa aming direksiyon.

Hindi sinagot ni JR ang tanong ko sa kaniya. Sa halip ay lumingon lamang siya sa aming mga kasama.

"Do we really need to waste our life just for her? She's not that kind of woman that can accomplish this dangerous and difficult task. I told you before that we don't need help from a person that came from the past. This is our problem."

Katulad ng laging ginagawa ni JR, nagpamulsa siya at at muling lumingon sa akin na magkasalubong ang dalawang kilay.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ko?

"Jhon Rhay, ano ba 'yang sinasabi mo? Aminin man na 'tin o hindi, we need her to change our world." Sinamaan ng tingin ni Andrei si JR.

"But, she-"

"This is bullsh*t! Sa tingin ko tama si JR. I'm not the kind of woman that you expected me to be. Isa pa, to tell you the truth, hindi ko pa rin gusto ang idea na sinabi ninyo sa akin noon. Si Eduard, hindi ko gusto ang pagsunod n'yo sa kagustuhan niya. Hindi ko gusto ang pagpatay ninyo sa kaniya!"

Hindi ko na napigilan ang emosiyon ko. Napaluha na ko sa harapan nila.

Samantala, natigilan naman sila sa pinahayag ko.

"S-Sandali, Rosalinda. Patawad sa nangyari, pero-"

"Minahal ko si Eduard, Eazel. Naramdaman n'yo na noon kung paano mawalan ng minamahal sa buhay at ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit ganito ang inaasal ko?"

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin at mariin kong pinunasan ang luha na patuloy umaagos sa aking magkabilang pisngi.

Hindi sila kumibo. Sa halip ay malungkot lamang silang yumuko. Umatras ako sa kanila palayo ng dalawang hakbang.

"Sana lang maunawaan ninyo na mas masakit ang nararamdaman ng taong iniwanan kaysa sa taong nang-iwan at namayapa na sa mundo."

Tumalikod ako sa kanila at naglakad na palayo ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay muli akong natigilan dahil sa sinabi ni Sierge.

"Hindi mo ba gustong malaman ngayon ang totoong pagkatao ni Rhean at Eduard?"

Humarap ako ulit sa kanila. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sinabi n'yo na sa akin noon na isang pekeng tao sina Rhean at Eduard? Isa silang mga robot, hindi ba?"

Umiling sa akin si Denny. "Sinabi nga namin na peke silang tao, pero hindi namin sinabi na isang tunay na robot sila."

Mas lalo yata akong naguluhan sa sinabi niya.

"Rosalinda, ang mga pekeng tao sa pekeng mundo ay tunay na mga tao noon." Malungkot akong tinitigan ni Denny.

Tanging pagtitig pabalik lamang ang nagawa ko sapagkat hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Ang mga tao na pinatay noon, sila ang mga taong ginawang robot. Mga robot na may utak at puso, pero kontrolado na ng siyensa."

Nanatili lamang kaming mga nakatayo dahil wala pa naman kahit anong bagay sa kinaroonan namin. Tila nakatayo pa kami sa gitna ng isang may kadilimang pathway.

Parang nag-loading na naman ang isipan ko sa pinaliwanag ni Sierge.

"Teka, paanong nagana pa ang utak at puso nila? Hindi ba patay na sila?"

"Rosalinda, gamit ang siyensa ay walang imposible ngunit may ilang problema ring nangyari habang ginagawa nilang robot ang mga ordinaryong tao." Tumingin sa mga mata ko si Andrei bago pinagpatuloy ang kaniyang pananalita. "No one can control the humans heart. Kaya nag-encode sila sa utak ng mga ito na bawal magmahal. If they feel extreme emotions ay maaari silang mamamatay sa sakit na dadapo sa kanila, magpakamatay dahil sa system failure na nangyayari sa sistema nila o 'di kaya patayin sila upang maputol na agad ang mga katulad nilang natutong magmahal."

Parang biglang naliwanagan ang utak ko dahil sa sinabi ni Andrei, pero nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nalaman. 'Yon pala ang dahilan sa mga nangyari kina Rhean at Eduard.

Ilang butil ng luha ang sunod-sunod na nagbasakan sa aking magkabilang pisngi.

"Nakakapangilabot. Hindi ko lubos akalaing pagkalipas ng ilang siglo ay ganito ang mundong madadatnan ko." Nanghihina akong napaupo sa sahig.

Paano na lang kung buhay pa ko sa panahong nagsimula ang mga bagay na sinabi nila? Isa kaya ako sa mga taong papatayin at gagawing robot ng panibagong gobyerno? Parang mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ng maaga kaysa maranasan ang lahat ng 'yon.

Nanatiling nakatayo ang mga kasama ko habang nakatulala na tila may malalim na silang iniisip.

Kung ako ay nanghihina na sa mga kinukuwento pa lamang nila, paano pa kaya sila na nakaranas na ng lahat ng 'yon?

Nanginginig man ang tuhod ko ay pinilit ko pa ring makatayo sapagkat may isang katanungan ang namuo sa aking isipan.

"Ang mga magulang ninyo, naging robot din ba sila at namumuhay na sa pekeng mundo?"

Umiwas sila ng tingin sa akin, pero si JR ay ang katangi-tanging tao na sinalubong ang mga titig ko.

"Oo, naging mga robot nga sila ngunit bago pa man sila mamuhay ng matagal bilang mga robot at mahirapan pa lalo. . . kami mismo, muli naming pinatay ang aming mga magulang."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang emosiyon akong nakita sa mga mata ni JR na malamang ay madalas niyang tinatago maging sa kaniyang mga kaibigan.

Ito ay ang kalungkutan at kapighatian.

Wala na sigurong mas sasakit pa sa taong ninais patayin ang sariling magulang kaysa mahirapan pa ito.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon