Kabanata 40

11 3 0
                                    

ROSALINDA

Sa sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib ngayon ay hindi ko na alam kung normal pa ba ang tibok ng puso ko.

Pagkatapos namin maghiwa-hiwalay kanina suot ang aming sariling pangbalat-kayo ay hindi nahinto ang panginginig ng kamay ko. Lalo na ngayon na wala na kami sa ilalim ng karagatan. Feeling ko tuloy ay mas malamig sa lugar na 'to kaysa sa ilalim na dagat.

Dito ako nilagay ng mga kasama ko sa Beijing, China at ang iba naman ay sa North Korea at sa Russia. Bale tig-dalawang tao sa lugar na nabanggit. Kasama ko rito si JR, pero sa ibang parte ng China siya napunta. Ang mga binanggit kong lugar ay tawag lamang ng mga tao sa lugar noon dahil nga iisang pinuno at bansa na lamang ang kinikilala ngayon ay malamang na iba na rin ang pangalan ng mga bansang binanggit ko.

Nakakalungkot dahil habang naglalakad ako ay puro mga robot ang nakikita ko. Hindi ko na rin alam kung sino ang tao at robot sa mga nakakasalubong ko. Sa nakikita ko kasi ay mukha talagang isang tao ay humalo na sa isang computer.

Noon ay hindi ako naniniwala na maaaring mangyari ang ganitong klaseng bagay. Kung iisipin kasi, hindi ba namamatay agad ang isang tao sa oras na gawin siyang isang computer? Pero, sa nakikita ko ngayon ay tila nabali bigla ang paniniwala ko.

Nakakalungkot. Ito ba talaga ang mundong dapat madatnan ng mga susunod na henerasyon? Ng mga magiging anak ko sa hinaharap? Hindi.

Narito ako sa hinaharap para makita ang lahat ng ito, makabalik sa panahon ko at maitama ang lahat ng kamalian sa panahon namin. Kung hindi ako makakabalik sa panahon ko ay mababaliwala ang lahat ng mga ginawang pagsasakripisyo ng mga naging kaibigan ko rito. Kailangan ko rin gawin ang lahat ng makakaya ko para sa lahat.

Natigil ako sa paglalakad nang may mabangga akong isang tao. Tao na napasukan na rin ng technology ang katawan. Nakita ko ang maliit na guhit na lumabas sa kaniyang kulay asul na mata nang mabangga ko siya. Muntikan na nga matanggal ang hood ng jacket ko sa aking ulo dahil sa pagkakabangga niya. Buti na lang at mabilis itong nahawakan ng mga kamay ko.

Napaupo ako sa sahig dahil parang bakal ang katawan niya. Napakatigas nito kahit na natural na tao ang panlabas na anyo niya.

"Ayos ka lang ba?" Iniabot nito ang kanang kamay sa akin upang tulungan ako makatayo, pero hindi ko ito sinubukang hawakan man lang at tumayo ako mag-isa.

"Ehem. A-ayos lang ako. Maraming salamat." Yumuko ako sa kaniya para hindi niya masulyapan ang ordinaryo kong mga mata.

Kailangan kong maging maingat. Hindi ko na tiningnan ang reaksiyon niya at naglakad na ko palayo. Dahil batid ko na may computer na nakalagay sa sistema ng mga tao ngayon ay hindi ako maaaring basta-basta na lang humawak ng mga tao.

Bumuntong hininga ako ng malalim sa naisip ko. Buti na lang at ginagamit ko pa rin ang utak ko kahit papaano. Kung hinawakan ko ang tao na 'yon ay malay ko ba kung malaman niya agad ang identity ko.

Umiling-iling ako. Hindi ako dapat magsayang ng oras ngayon. Kailangan kong magkaroon agad ng impormasyon tungkol sa kinalalagyan ng battery.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Gaano man karami ang pinagbago ng panahon na ito ay nakakakita pa rin ako ng mga bagay na sa tingin ko ay ordinaryo pa rin. May mga nakikita pa rin akong mga pamilyang magkasama at masayang gumagala o namamasyal. Sikat yata ang lugar na napuntahan ko bilang pasyalan ng mga tao.

May malalaking istraktura rin na makikita sa paligid at nakakagulat dahil may mall pa kong nakikita. Iba nga lang ang pangalan niya. May kumakanta at sumasayaw sa gilid ng kalye subalit ang nagpatigil sa akin sa paglalakad at nagpatakip sa mga mata ko ay ang makakita ng isang live porn sa gitna ng kalsada. Sobrang hot ng dalawa, ang lahat ng napapadaang sasakyan sa kanila ay tumitigil at may binibigay na pera sa lagayan nilang malaking lata.

Napatakip tuloy ako sa dawalang mata ko ng wala sa oras. Alam kong dapat sanay na ko makakita ng mga ganitong klaseng bagay, pero hindi pa rin tama ang gawin ito sa harapan ng publiko. Maraming mga pribadong bagay na hindi na dapat pinapakita sa iba.

Lumiko na lang ako ng daan para hindi ko na madaanan ang nakita ko. Yumuko ako para wala na kong makita na ano mang bagay ngunit dahil hindi ko nakikita ng maayos ang dinadaanan ko ay may nabunggo na naman akong tao. Napaangat ako ng tingin at napaatras nang makita ang tatak na guwardya civil sa suot niyang T-shirt.

"Hey! Watch your step, idiot. Who are you? Let me note your name so the next time you did this again to the officers, we will punish you."

Kinabahan ako sa boses ng guwardiya civil at sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya at baka kapag nagsalita naman ako o hindi ay pilitin niya kong ipakita ang mukha ko. Waah! Anong gagawin ko?

Isa pa, marunong pala magsalita ng english ang mga guwardiya civil na 'to? Kung sabagay, iba ang hubog ng mukha niya kumpara sa mga guwardiya civil na humahabol sa akin noon. Foreigner ang mukha niya at parang mula siya sa bansang Russia kahit na nasa China talaga ko ngayon.

Hala! Anong gagawin ko? Kailangan ko rin bang magsalita ng lengguwahe ng mga Chinese para kausapin siya? Hala! Wala naman akong alam tungkol sa lengguwahe nila dahil hindi naman itinuro 'yon sa school namin.

"Hey! Are you listening?"

Nagbalik ang isip ko sa kausap nang muli kong marinig ang pagsigaw niya.

"Ah. . . Ehem! Ni-ehem-hao! Ehem-ehem." Umubo ako kunwari at nagkunwaring masakit ang lalamunan ko.

Nagsalubong ang dalawang kilay ng guwardiya civil sa ginawa ko. Ni-hao lang ang alam kong sabihin. Yari na ko! Dapat pala sinubaybayan ko 'yong Ni-hao, Kailan sa television namin para natuto ako ng lengguwahe nila.

"You live here in China? I-I'm sorry. Excuse me."

Nagulat ako dahil biglang yumuko sa harapan ko 'yong guwardiya civil at iniwan na kong mag-isa.

Teka. . . Bakit? Anong nangyari?

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon