Kabanata 11

19 3 0
                                    

Rosalinda's POV.

Nandito kami ngayon sa veranda at kumakain ng pananghalian. Gumaling na rin ako pagkalipas ng dalawang araw kahit na may naiwan pa ring peklat sa balikat ko dahil sa tama ng baril.

Kasama ko pa rin ngayon sina Rhean at Eduard. Kung nabibingi na kayo noon sa katahimikan ng dalawang kasama ko ay may mas iingay pa pala sa katahimikan kapag ako na ang tumahimik.

Minsan lang naman ito. Kasi naman, hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga katanungan na wala na yatang kasagutan. Nakadagdag pa sa isipan ko ang masamang binalita ni Eduard noon.

Kung totoo nga 'yon ay nasa panaganib rin pala sina Rhean at Eduard. 'Yon ay kung tumatak sa mga isip nila ang sinabi ko tungkol sa pag-ibig at nagsisimula na silang makaramdam nito, pero sa akin ay wala namang nangyayari kahit magpakita pa ko ng pagmamahal.

Hindi kaya hudyat na ng pagkakasakit ko ang parusa sa batas na 'yon? Napa-iling ako. Isang baliw lang ang maniniwala sa mga pananakot sa akin noon nina Rhean at Eduard.

Ano na kayang gagawin ko kung nagkataong totoo nga ang sinasabi nila?

"Waah! Kung may kasama lang sana akong nakakaalam ng totoo kong pinagmulan! Sana ay nakakahingi ako ng payo sa kaniya o hindi kaya ay nakakahingi ako ng tulong."

"Anong ibig mong sabihin, Binibining Rosalinda?"

Tumingin ako kay Rhean na magkasalubong ang dalawang kilay ngayon at doon ko lang napagtanto na nasabi ko pala ang nasa isip ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin na rin pala sa akin ang mga tao sa paligid.

Patay! Mukhang hindi ko lang basta nasabi ang nasa isip ko, napalakas ko rin ang pagkakasabi nito.

Kinakabahan akong ngumiti sa dalawa kong kasama ng ibalik ko ang paningin ko sa kanila. Walang expression ang mukha nila katulad ng dati, pero nakatingin sila sa akin at hinihintay ang aking sagot sa kanilang katanungan.

"Paumanhin, Eduard at Rhean. Mayroon akong hindi sinasabi sa inyo." Yumuko ako at bumuntong hininga ng malalim.

"Ang totoo kasi niyan ay hindi ko talaga alam kung saan ako nanggaling. Nawala ang ibang parte ng memorya ko at ngayon ay hindi ko alam kung paano maibabalik 'yon para makauwi na ko."

Inangat ko ang aking paningin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Rhean, pero si Eduard ay nanatili pa ring blanko ang mukha.

Sana maniwala sila sa palusot ko. Nakakalungkot man dahil nagsisinungaling ako sa dalawang ito lagi, hinihiling ko pa rin na sana balang araw ay masabi ko rin sa kanila ang totoo.

Ang lahat ng katotohanan pati na rin kung sino ba talaga ko.

Tumango sa akin si Rhean at nagsimula na ulit kumain habang si Eduard ay walang imik na kumain na rin. Mabuti naman at naniniwala sila. Nakahinga na ko ng maluwag sa loob ko. Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain ng maramdamang wala nang mga matang nakatingin sa aming lamesa.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang nagsalita si Eduard.

"Kaya pala abnormal ka kung kumilos, Binibining Rosalinda. Marami ka ring nakalimutang batas sa mundong ito, pero nakakalimutan mo na rin ba? Sinabi mo na sa amin dati na nawalan ka na ng memorya kaya ganyan ka. Kaya bakit kailan mo pang magpaliwanag tungkol sa sinabi mo kanina? Nais lang naming tumahimik ka sapagkat nagmumukha kang may sira sa ulo."

Natigilan ako sa sinabi ni Eduard. Muntikan na kong mapasapo sa noo ko, pero pinigilan ko ang aking sarili.

Bakit ko ba kinalimutan na nasabi ko na sa kanila?

Sandali akong nag-isip ng dahilan bago sinagot si Eduard.

"Sinabi ko lang ulit kasi nagtanong si Binibining Rhean at saka, bigla ko lang nagustuhang malaman kung saan talaga ko nakatira. Hindi ba ay sinabi ko na mula ako sa ibang bansa? Hindi 'yon totoo. Paumanhin." Muli akong yumuko.

Hindi ko na alam kung anong klase ng paliwanag ang nasabi ko sa kanila. Baka nga mas'yado na kong naging defensive. Bahala na!

"Tss. Kung gano'n ay ipapaalala ko lang ulit sa 'yo na kumilos ka ayon sa batas, Binibining Rosalinda. Tsaka, tigilan mo na rin ang pagsabi ng tungkol sa pagmamahal. Huwag mong sayangin ang buhay na pinahiram lang sa 'yo." Muling kumain si Eduard pagkatapos magsalita.

Nang matapos na silang kumain ni Rhean ay tumayo na sila para lumabas na sa veranda, pero iilan pa lamang ang lakad na nagawa nila ay natigilan sila sa paglalakad dahil sa sinabi ko.

"Tss. Ewan ko ba kung anong mayroon sa panahong ito. Mas'yadong bulok ang sistema ng pamahalaan na pinapaniwalaan at sinusunod n'yo. Napaka daming bagay sa mundo na dapat binibigyan n'yo ng pansin, halaga at pagmamahal, pero heto kayo. Nililimitahan ang inyong sarili para hindi lang mapabilang sa parusang pinapataw sa pagsuway ng batas." Tumawa ako ng mapakla at tinitigan sa kanilang mga mata sina Rhean at Eduard.

Wala na kong pakialam kung machismis man ako ngayon ng mga tao sa paligid ko o bigyan ako ng isang damakmak na masasamang salita. Pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.

"Bawal magmahal? Sinong niloko ng pesteng gobyerno n'yo? Sino nga ba ang pinuno n'yo? Ni hindi n'yo na nagawang mag-alinlangan sa sinasabi ng pinuno ninyo na parang hindi naman nabubuhay sa mundo? Damn. Kahit kailan ay hindi kasalanan ang magmahal mamatay man ako ngayon sa kinauupuan ko." Tumayo ako at nilagay ang aking kanang kamay sa aking kaliwang dibdib. "Bakit? Parte ng pagiging tao ang pag-ibig. Tao ka kung nagmamahal ka!"

Umalingawngaw sa buong veranda ang boses ko.

Natahimik bigla ang buong paligid maging sina Rhean at Eduard. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maunawaan ang lahat ng sinabi ko.

Lagot na! Baka patayin na ko ng mga tao rito dahil sa pangdadamay ko sa gobyerno nila.

Pagkatapos ng isang nakakabinging katahimikan ay may biglang pumalakpak malapit sa inuupuan namin nina Rhean at Eduard kanina.

Nakita ko ang dalawang babae at tatlong lalake na nakatingin sa direksiyon ko. Kumpara sa expression ng lahat ng tao na nandito, sila ang napansin kong kakaiba.

Tumayo ang isang lalakeng may malawak na ngiti sa kaniyang labi habang pumapalakpak pa rin. Ang isang lalake namang katabi niya ay walang ganang nakatingin sa akin habang nakapamulsa ang kamay at nakaupo ng tuwid. Ang isang lalake naman na katabi nito ay nakangiti lang din sa akin habang hawak-hawak ang kaniyang kubyertos. 'Yong isang babae na katabi ng huling lalakeng binanggit ko ay nakahalumbaba habang nakangiti akong tinititigan. Ang huling kasamahan naman nilang babae na nakaupo sa pagitan ng babaeng nakahalumbaba at 'yong lalakeng nakatayo ay pailing-iling habang sapo ang kaniyang noo.

"Magaling, Binibini. Ipagpatuloy mo 'yan," usal ng lalake pagkatapos pumalakpak.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pasensiya ka na sa Andrei na 'yan. Huwag mo na lang pansinin," nakangiting usal naman ng babae pagkatapos mapailing.

Okay, sino sila?

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon