ROSALINDA
Hindi ako introvert na tao, pero hindi rin naman ako maituturing na extrovert. May mga kaibigan ako at sapat na sila para manahimik ako sa tabi.
Ayaw ko kasi ng mas'yadong malaki ang circle of friends. Parang doon kasi nagkakaroon ng gulo. Maituturing ko silang mga matalik na kaibigan ko kahit na hindi ako gano'n kadaldal sa tuwing kasama ko sila, pero sa isang iglap ay naglaho ang tiwala na naipon ko sa mga kaibigan ko noon.
Akala ko sila na ang maituturing kong kaibigan habang buhay, pero hanggang akala ko lang pala. Nang dahil sa isang lalake, nabasura na ko. Nabasura ang lahat ng memories namin ng mga kaibigan ko.
Pinagmasdan ko ang mga kasama kong sina Eazel, Denny, Andrei, Sierge at JR na tila may pinagtatalunan ngunit mababakas pa rin ang kalma at saya sa kanilang mga mukha. 'Yong tipong kahit may nasabing masama ang isa sa kanila ay balewala lamang ito.
"Rosalinda?"
Kinurap ko ang aking mata ng ilang ulit nang marinig ko ang boses ni Eazel.
"Bakit?"
Ngumiti siya sa akin. "Sabi namin ay araw ng pamamahinga ngayon. Kaya naman walang p'wedeng mag-isip sa mga plano o ano mang problema. Ikaw lang yata ang hindi nakaunawa dahil nakatulala ka lang d'yan."
Biglang naging malungkot ang mukha ni Eazel dahil sa huli niyang sinabi.
Nahihiya akong napakamot sa batok dahil sa sinabi niya.
"Pasensiya na. Hindi naman problema ang iniisip ko."
Pasimple kong pinasadahan ng tingin si JR. Sandali lang 'yon at binalik ko ulit ang paningin ko kay Eazel. Mahirap na. Baka mahuli pa niya kong nakatingin sa lalakeng 'yon.
Naalala ko ang papel na nahulog niya nang nakaraang araw. Nasa akin pa rin 'yon hanggang ngayon. Gusto ko sanang ibigay ngayon sa kaniya para malaman nilang may alam na ko tungkol doon, pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako na baka kapag nagsalita sila tungkol sa babae na 'yon ay puro kasinungalingan ang ipaliwanag nila sa akin.
"Kung gano'n ay ano naman ang iniisip mo, Rosalinda?"
Nabaling ang paningin ko sa direksiyon ni Andrei nang magsalita siya.
"W-Wala ito. By the way, hindi lang pala kayo ang mga taong nagtatago rito sa ilalim ng karagatan no?"
Sinadya kong ibahin ang usapan upang hindi na sila mas'yadong magtanong tungkol sa iniisip ko. Pakiramdam ko ay pinangunahan ako ng takot sa kung ano man ang lalabas sa bibig nila sa oras na magkaroon ako ng sagot sa katanungan ko.
Saka na siguro ako magtatanong tungkol doon kapag handa na rin ang puso ko sa mga isasagot nila. Mas'yadong marami na kong natutuklasan sa mundong ito at ayo'ko munang dagdagan pa 'yon ngayon.
"Tama ka. Hindi lang nga kami ang naririto. May iilang tao rin ang nananatili rito. Hindi naman kasi kami ang gumawa ng lugar na 'to para angkinin at isolo namin," sagot sa akin ni Denny.
Tumango ako sa kaniya.
Totoong may iilang tao na makikita at makakasalubong. May mga nagtitinda pa nga e. Resulta na rin siguro talaga ito ng over population. May mga nakatira na rin sa ilalim ng dagat dahil wala ng matirahan.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang metro pa lang siguro ang layo namin mula sa hideout. Sobrang bagal kasi naming maglakad at sinabayan pa ng kuwentuhan habang naglalakad. Kahit na ang madalas lang magsalita ay ang apat naming kasama ni JR.
"Alam mo ba, Rosalida? Ang gobyerno mismo ang gumawa nito noon, pero hindi nila inasahan na magiging taguan pala ito pagdating ng araw. Hahaha."
Hindi na ko nagtaka sa sinabi ni Andrei. Paano nga naman ito magagawa ng isang ordinaryong tao kung walang gabay ng gobyerno. Baka hindi pa ito tapos gawin ay pinatapos na ito ng gobyerno.
"Ang naging kamalian lamang nila ay gumawa sila ng isang lugar na hindi basta-basta nasisira ng mga armas na hawak nila. Kaya med'yo kampante kami na hindi nila mapapasabog agad ang lugar na 'to depende na lang kung pasukin nila mismo ang lugar."
"Tama si Andrei, Rosalinda. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Isang simpleng ngiti ang pinukol sa akin ni Denny.
"Eh, paano kung pasukin nga nila ang lugar na 'to?" Kinakabahan kong tanong sa kanila.
S'yempre, ang gobyerno pa rin ang gumawa ng lugar na 'to kaya hindi malabo na may daan silang nilagay para makapunta rito ng mas mabilis.
"That's not necessary. Ang sasakyan na ginagamit namin patungo rito ay sarili naming mga imbento. Hindi sila mabilis na makakapunta rito kung wala silang gano'ng uri ng sasakyan unless gumawa rin sila ng sasakyan katulad sa amin."
Lumingon ako kay JR na sandaling umupo sa bench na nakita namin at naghalumbaba. Aaminin kong nawala ang agam-agam ko dahil sa sagot niya, pero hindi pa rin nawawala ang katanungan sa aking isipan tungkol sa litratong nakita ko.
Samantala, pare-pareho kaming natigilan sa pag-uusap nang may dumaang dalawang tao sa harapan namin at tila may malalim na pinag-uusapan.
"Nakita mo ba siya?"
"Hindi. Kailangan na 'tin siyang mahanap bago pa tayo mapatay ni boss."
"Tsk. Kapag nakita ko talaga ang babaeng 'yon ay pugot-ulo ko na siyang ibibigay kay boss."
Ano kaya at sino ang pinag-uusapan ng mga tao na 'yon? Hindi na namin narinig ang iba pa nilang pag-uusap dahil tuluyan na silang nakalayo sa amin.
Maglalakad na sana ako patungo sa dalawang lalake na 'yon para balaan sila at sawayin, pero may humawak sa braso ko at pinigilan ako.
Nang tingnan ko kung sino ay bahagya akong nagulat nang makita ang mukha ni JR sa harapan ko na kasalukuyang nakatingin sa dalawang lalake na palayo na sa amin.
"Ano ba? Bitiwan mo ko. Kakausapin ko ang dalawang lalake na 'yon."
Nalipat sa akin ang paningin ni JR at kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang nakamamatay na tingin.
"Don't. Hindi na 'tin alam kung mga tuta sila ng gobyerno na nagbabalat-kayo lang."
"Pero-"
"That coriousity of yours will surely kill you someday. Don't."
Natigil ako sa pagpupumiglas hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa kakaibang titig niya sa akin na tila mas kilala niya pa ang buong pagkatao ko kaysa sa akin.
Jhon Ray, sino ka ba talaga?
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...