Rosalinda's POV.
Aligaga ako at hindi malaman ang gagawin habang hawak-hawak sa aking mga bisig ang katawan ni Rhean. Tumingin ako sa direksiyon ni Eduard at sinamaan siya ng tingin.
"Ginoong Eduard, tatayo ka na lamang ba d'yan? Tulungan mo ko at ihiga na 'tin si Rhean sa kama n'ya. Pagkatapos ay puntahan mo si Señora Anafe para sabihin sa kaniya ang nangyari kay Rhean." Pinunasan ko ang mga luha na patuloy na dumadaloy sa aking mga mata.
Pilitin ko man maging mahinahon ay hindi ko matigil ang panginginig ng dalawa kong kamay dahil sa kaba at takot.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ang pag-krus ng dalawang bisig ni Eduard at ang pagsasalubong n'ya sa matatalim kong tingin gamit ang masama rin n'yang titig.
"Bakit ko naman gagawin ang sinabi mo? Si Señora Anafe ka ba?"
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi n'ya.
"Ano ka ba, Eduard? May nangyayaring masama sa kapatid mo. Wala akong pakialam ngayon sa buhay mo o sa buhay ko. Sinasabi ko lang na dapat mong kumilos ngayon dahil kung hindi ay maaaring mamatay si Rhean!"
Napasigaw na ko sa loob ng aming kuwarto dahil sa pinaghalo-halong emosiyon ko ngayon.
Paano n'ya nagagawang maging pusong bato pa rin kahit nasa piligro na ang buhay ng kapatid n'ya?
Nakakainis! Nakakainis ang panahon na ito. Hindi ko alam kung paano nakakayanang mabuhay ng mga tao sa kabila ng walang puso nilang pamumuhay. Para saan pa ang puso sa sistema nila kung hindi naman gagamitin, 'di ba?
"Tsk. Sige na nga." Padabog na nagtungo si Eduard sa direksiyon namin ni Rhean.
Kinarga n'ya si Rhean at inihiga ito sa kama nito. Naglakad si Eduard palabas ng kuwarto upang ipagbigay-alam kay Señora Anafe ang nangyari, pero biglang nagmulat ng mata si Rhean.
"Rhean!"
Dahil sa sigaw ko ay napahinto sa paglalakad si Eduard at muling nagtungo sa direksiyon namin ni Rhean.
Hindi ko na maiwasang mapaluha habang nag-aalalang nakatingin kay Rhean na unti-onting umupo sa kaniyang kama. Umupo rin ako sa kaniyang tabi at si Eduard naman ay nanatili lamang nakatayo sa harapan naming dalawa.
"Rhean, ano bang nangyari sa 'yo? Sabihin mo naman sa amin ang totoo." Muling tumulo ang luha ko.
Nag-iwas ng tingin sa akin si Rhean, pero pagkalipas ng ilang sandali ay bumuntong hininga siya ng malalim at muling tumingin sa akin.
"May sakit ako, Rosalinda. Nararamdaman ko na hindi lamang ito isang ordinaryong sakit." Ngumiti sa akin si Rhean bago pinagpatuloy ang kaniyang pananalita. "Sa tingin ko ay ito na ang parusa ko dahil nagawa kong magmahal sa 'yo, Rosalinda."
Natigilan ako sa sinasabi niya. Para akong nabingi at gustong ipaulit ang kaniyang sinabi.
Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Maging si Eduard ay tila natuod sa kaniyang kinatatayuan.
Samantala, hindi pa rin nawala ang ngiti ni Rhean sa akin. Pinunasan niya ang luha na tumutulo na naman pala sa aking pisngi.
"P-Pero, Rhean. . . May gamot naman yata para mawala ang sakit ni Rhean. P'wede ring huwag mo na lang akong mahalin. Ayos lang sa akin 'yon." Muling tumulo ang aking luha lalo na nang makaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa huli kong sinabi.Sinalubong ko ang tingin ni Rhean. Muli siyang ngumiti sa akin, pero kitang-kita sa mga mata niya ang kalungkutan. Marahil ay ilang beses niya ng tinago sa akin ang tungkol sa karamdaman niya.
"Pasensiya na, pero sa oras na maparusahan na ang taong nagkasala ay wala na tayong magagawa pa. Hindi rin naman na 'tin p'wedeng sabihin na hindi na na 'tin mahal ang isang tao dahil lang sa masamang nangyari sa ating buhay."
"Pero, hindi kasalanan ang magmahal, Rhean!" umiiyak kong tugon sa kaniya.
"Alam ko. Kaya nga kahit mamatay pa ko ngayon ay hinding-hindi na mababago ng sino man ang desisyon ko dahil binago mo na ito. Salamat dahil tinuruan mo kong maging tao, Rosalinda."
Mas lalo akong napaluha sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng napaka higpit.
"Hindi, Rhean. Hindi ka mamamatay. Gagawa ako ng paraan para gumaling ka. Kung kinakailangan ay hihingi ako ng tulong kay Señora Anafe para mapagamot ka."
Naramdaman ko ang dalawang kamay ni Rhean na yumakap din sa akin.
"Rosalinda, huwag na. Hayaan mo na ang tadhana ang humawak sa buhay ko."
Nakiliti ang aking tainga sa malamig na hininga ni Rhean nang bumulong siya sa akin.
"Hindi, Rhean. Hindi ako papayag," pagtutol ko pa rin sa kaniya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinitigan niya ko sa aking mata.
"Naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo, Rosalinda? Hindi ko pinagsisihang tanggapin ka bilang aking tapat na kaibigan dahil sa 'yo ay hindi ko na kinakatakutan ang kamatayan. Masaya na ko dahil nakilala kita, Rosalinda. Kayong dalawa ni Kuya Eduard." Sandali siyang tumingin sa Kuya niyang nakatayo pa rin hanggang ngayon at hindi pa rin umiimik.
Hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman ni Eduard sa mga oras na ito. Sumulyap din ako sa direksiyon ni Eduard sandali, pero walang pinagbago sa expression niya. Ni hindi ko nakitang tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mukha.
Tahimik lang si Eduard. Mas tahimik kumpara nang una ko siyang nakilala. Kaya alam kong kahit wala siyang pinapakitang emosiyon ay apektado rin siya sa mga narinig niya. Bigla rin akong natahimik. Yumuko ako at bumuntong hininga ng malalim upang panandaliang mawala ang bigat ng nararamdaman ko.
"Rosalinda, bago ako tuluyang kainin ng sakit ko ay may mga bagay sana akong nais gawin kasama ka at ang kapatid ko."
Muli akong napaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Rhean.
"Ano naman 'yon?"
Ngumiti sa amin si Rhean at mahinhing tumawa kahit na kapansin-pansin sa kaniyang mukha ang matinding paghihirap.
"Katulad ng panonood habang nagtatalik kayo ni Eduard?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig at bigla na lamang nag-init ang aking dalawang pisngi nang madako ang aking mata sa direksiyon ni Eduard na napangisi sa pinahiwatig ni Rhean.
"Maganda ang naisip mo, Rhean."
Sumang-ayon agad si Eduard sa sinabi ni Rhean.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko at tumingin kay Rhean.
"Hindi p'wede, Rhean! Ano ba 'yang sinasabi mo?" pagmamaktol ko kay Rhean sabay yuko.
Nakakabaliw talaga ang panahon na ito. Inangat ko ang aking paningin nang marinig ang muling pagsasalita ni Rhean. Nabigla ako ng mahinhin niyang pinunasan ang aking mga luha sa aking pisngi at malungkot na ngumiti sa akin.
"Nagbibiro lamang ako sa sinabi ko, Rosalinda. Ang nais ko sana, bago ang aking pamamaalam sa mundo ay magawa ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa kasama ka at si Kuya Eduard."
Mabilis akong tumango kay Rhean bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Sana ay may sapat pang oras para magawa namin ang lahat ng nais niya. Sana may sapat pang oras para maiparamdam ko kay Rhean na isa akong tapat at tunay na kaibigan hanggang sa huling yugto ng buhay niya kahit masakit man sa aking pakiramdam.
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...