KABANATA 39

12 2 0
                                    

ROSALINDA

Umagang-umaga, pero parang tamad na tamad akong bumangon. Para kasing kahit nakapikit pa ko ay nararamdaman ko na ang kakaibang atmosphere sa paligid.

Karaniwan ay maririnig ko na agad ang ingay nina Andrei at Eazel, pero ngayon ay tila yata napaka tahimik ng paligid.

Minulat ko ang aking mga mata. Lumabas ako ng aking kuwarto at dumiretso sa sala.

Bahagya akong natigilan nang maabutan ko sina Andrei, Eazel, Sierge, Denny at JR na nakapabilog at nagbubulungan sa isa't-isa. Hindi ko rin tuloy marinig kung ano ba ang pinag-uusapan nila.

"Magandang umaga sa inyo."

Nagsalita ako upang mabaling sa akin ang atensiyon nila at malaman nilang nandito na ko.

Unang lumingon sa direksiyon ko si Andrei. Napataas pa ko ng kilay ko nang makita ang seryosong pagmumukha ni Andrei.

"Good. Mabuti at gising ka na. Mas mapag-uusapan na na 'tin ang plano na ating gagawin."

Nang marinig ko ang sinabi ni Andrei ay doon ko lamang naunawaan ang lahat. Mabilis akong umupo sa pagitan ni Andrei at Denny. Naka-indian seat kaming lahat kaya walang naging problema sa arrangement ng upuan.

"Nasabi na namin noon na upang makabalik ka, Rosalinda sa pinanggalingan mong panahon ay kakailanganin mo ng time machine. Ang problema lang ay ang battery na gagamitin sa time machine na ito. Batid na 'ting lahat na ang battery ay nasa kamay ng gobyerno." Tumingin si Andrei kay Eazel bilang hudyat na siya naman ang magpapatuloy sa pagsasalita.

"Kaya lang ang battery ay nasa kamay ng gobyerno at upang makuha ito ay kakailanganin na 'tin ng isang seryosong plano." Seryoso akong tinitigan ni Eazel.

Samantala, napansin ko ang mga itim na jacket na may hood na nakalagay sa gitna namin.

Dinampot ni Denny ang isa rito.

"Ang mga damit na 'to ay makakatulong sa atin upang itago ang ating identity sa oras na lumabas tayo sa karagatan at tumapak sa lupa.

"Sa una ay maghihiwa-hiwalay tayo upang makakalap ng impormasyon kung saan nila nilagay ang battery. Bilang proteksiyon sa ating sarili ay magdadala tayo ng sarili na 'ting armas. Sa pagdating ng mapag-uusapan na 'ting oras ay makikipagkita tayo sa ating kapareha upang ipagpatuloy ang ating plano. Magkikita tayo sa mismong lugar kung nasaan ang battery," pagpapatuloy sa paliwanag ni Sierge.

Marami pa kaming napag-usapan at hindi ko man gustuhin ay nakapareho ko si JR na parang wala man lang pakialam at kanina pa kalmado.

Nang matapos kami sa pag-uusap ay nagpaalam sina Andrei at Sierge na aalis daw muna sila at maglilibot sa labas. Sina Eazel at Denny naman ay dumiretso sa kani-kanilang kuwarto upang maghanda sa aming pag-alis sa ikalawang araw. Napagpasiyahan ko naman na magtungo sa basement ng hideout namin kung saan kami nagsasanay ni Sierge.

Hindi ko alam kung magiging handa ba ko sa araw na isasagawa na namin ang plano. Ni hindi pa ko nakakaranas na makipaglaban sa buong buhay ko. Mabuti na lang at sinabi ni Andrei na hangga't maaari ay iiwasan namin gumawa ng gulo. Hindi nga lang ako sigurado kung hindi talaga kami makakapagsimula ng gulo.

Nang marating ko ang training room ay kumuha agad ako ng baril na nakasabit sa pader. Isang revolver ang kinuha ko sa tabi ng isang calibre 45. Para sa akin kasi ay mas madali ko itong magagamit kumpara sa mga bagong modelong baril na nakikita ko ngayon.

Pumuwesto na ko para sa shooting.

Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng baril nang may marinig akong kaluskos sa likuran ko. Lumingon ako rito at napaatras ako ng isang hakbang nang makita si JR.

Ibinaba ko muna ang kamay ko na nakahawak sa baril at diretsong humarap kay JR.

"Anong ginagawa mo rito/ Bakit ka nandito?"

Tinitigan ko ng masama si JR nang magkasabay kami sa pagsasalita.

"Malamang nandito ako para magsanay. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Pinanliitan ko siya ng mata at nagpamewang pa ko sa harapan niya.

"Same as you. Kaya lang ay nakita kita. Nawalan na ko ng gana." Sinalubong ni JR ang tingin ko at walang gana niya rin akong tinitigan.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Ano? Ano bang ginawa ko sa 'yo ha? Pakialam ko ba sa 'yo? Tss."

Imbis na sagutin ang tanong ko ay ngumisi lang siya sa akin. Kinilabutin tuloy ako. Ano ba talagang problema ng isang ito? Hindi na tuloy ako sigurado kung si JR pa ba ang kaharap ko ngayon o ibang tao na.

Umatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Nagtataka ko siyang tinitigan, pero mukhang hindi niya nakuha ang ibigsabihin ng titig ko dahil nagpatuloy lang siya sa paglapit sa akin.

Nang wala na kong maatrasan ay hindi ko na napigilan ang tuluyan niyang paglapit sa akin. Una niya kong tinitigan sa aking mga mata at saka niya inilapit ang mukha niya sa akin.

Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko naigalaw agad ang sarili ko. Para akong naging estatwa na nakatayo lang habang pigil ang hiningang nakatingin sa damit ng kaharap ko.

Nakaramdam ako ng pansamantalang kampante ng lumihis ang mukha niya sa mukha ko. Bumulong siya sa akin at sapat na 'yon para maramdaman ko ang kaniyang hininga na dumadampi sa tainga ko. Sa nangyari ay muling bumangon ang kaba sa dibdib ko.

"Advice ko lang ha. Para maging mabisa ang paggamit mo sa baril o ano mang armas na gusto mong gamitin ay kailangan mong panatilihing kalmado ang sarili mo at huwag mong iwawala ang atensiyon mo sa taong patatamaan mo ng bala. That way, you don't need to waste more bullets to shoot in the same person."

Pagkatapos niya kong bulungan ay saka lang bumalik sa normal ang buo kong katawan at nakahinga na ko ng malalim.

Kaya lang, sa pagtalikod niya ay nadali ng kaniyang kaliwang kamay ang jacket na suot ko at nahulog doon ang isang papel na tinatago ko ilang araw na ang nakakalipas.

Lumingon pabalik sa akin si JR at hindi nakaiwas sa kaniyang paningin ang papel na nalaglag ko.

Tsk. Ano na ang gagawin ko?

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon