Kabanata 42

8 3 0
                                    

ROSALINDA

Unti-onting humupa ang mga tao sa loob pagkatapos umalis ng lalakeng nagsalita sa gitna ng entablado. Nagsilaban na rin ang mga tao sa loob, pero ako ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa lugar na kinalalagyan ko.

Nakamasid ako sa mga tao na itinatapat ulit ang kanilang palad sa harapan ng doorknob. Habang nakamasid ako sa kanila ay lumilipad din ang isip ko. Naalala ko ang mga salitang binanggit ng lalake sa gitna ng stage kanina.

Kailan pa ko napanggap bilang diyos? May iba pa bang Rosalinda Delfin sa lugar na 'to bukod sa 'kin?

Naglakad ako sa loob ng isang pekeng restaurant at hinanap 'yong babae na nagpapasok sa akin sa loob. Kung hindi ko siya mahanap ay baka hindi na ko makalabas dito.

Hala! Ano na ngayon ang gagawin ko?

"Miss, magsasarado na kami. Maaari na po kayong lumabas."

Lumingon ako sa likuran dahil sa nagsalita at lubha akong natigilan nang makita ko na isang robot pala ang kumakausap sa akin.

Samantala, parang nagbago bigla ang kinikilos ng mga robot sa paligid pati na rin ang iilang tao na palabas pa lamang dahil sa kakaibang kinilos ko. Tumingin silang lahat sa direksiyon ko at ang mga titig nila ay tila kinikilatis ang buong pagkatao ko.

Alam ko na parang naging overacted sila sa akin, pero bakit ba kasi ako nagulat sa isang robot na nagsasalita na hindi na naman dapat ika-gulat sa panahon ngayon?

Hindi ko alam kung paano ko matatanggal ang panghihinala sa akin kaya minabuti ko na lang na sagutin ang robot na kumausap sa akin kahit nawiwirduhan pa rin akong kumausap ng robot.

"Ah, paumanhin. May hinahanap kasi akong tao para sabay na sana kaming umalis, pero mukhang nauna na siyang lumabas sa 'kin." Ngumiti ako sa kaniya at napakamot ako sa aking batok nang makita ang pagpapalit ng kulay ng robot na kaharap ko.

Nakaramdam ako ng kaba nang hindi na ulit magsalita ang robot na kaharap ko.

"Miss, ano ang pangalan mo? Ipakita mo nga ang mukha mo sa amin."

Nagsilapit sa akin ang mga natitirang tao at robot. Pagkatapos ay bigla na lang nila kong pinalibutan.

Bakit naman? May nasabi na naman ba kong hindi ko dapat sabihin? Bakit kailangan ko pang sabihin ang pangalan ko sa kanila?

Habang papalapit sila nang papalapit sa akin ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang takot at kaba ko ay yumuko na lang ako at pinikit ang aking mga mata upang subukan pakalmahin ang aking sarili.

Dito na ba? Dito na ba magtatapos ang mission ko? Huhulihin na ba nila ko at papatayin? Hindi na ba ko makakabalik sa panahon ko?

Tumulo ang luha ko sa aking magkabilang pisngi nang maramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ng isang tao.

"Honey, what's wrong? I'm sorry if I left you alone. C'mon and let's go home."

Napaangat ako ng aking ulo nang marinig ko ang isang familiar na tinig. Parang natanggal ang tinik sa aking dibdib nang makita si JR sa tabi ko habang hawak ang aking kanang kamay.

Hindi ko naunawaan ang sinabi niya, pero sapat na ang makita ko siya sa gitna ng kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Umatras ang mga tao at robot nang dumating si JR. Nang lumayo ang mga robot at tao na nakapalibot sa akin ay hinila na agad ako ni JR palabas ng lugar na 'yon. Itinapat din ni JR ang kamay niya sa harapan ng doorknob bago kami tuluyang makalabas.

Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang magtaka at magulat.

"JR, huwag mong sabihin na may computer din sa ka-"

Hindi ko naituloy ang pananalita ko dahil bigla niya kong pinitik sa noo.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi lang ang taong computer ang paraan para makalabas-pasok sa lobby na 'yon. Tandaan mo na mas high technology ang mga gamit ng tao ngayon."

Ano? Lobby pala 'yong napuntahan ko? Bakit hindi naman siya mukhang lobby? Iba na rin ba ang kahulugan ng lobby sa kanila?

"Kung gano'n, paano mo nagawa 'yon?" nagtataka ko pa ring tanong sa kaniya.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay pinakita niya sa akin ang palad niya. Pinaliit ko pa ang aking dalawang mata dahil parang wala naman akong nakikita, pero nang mas mapagmasdan ko ito ng mas maigi ay parang may lumilitaw na kulay puting square paper. Ang laki niya ay parang balat lamang ng bubble gum, pero may guhit-guhit siya na pahalang na kulay asul.

"Ito ang gagamitin na 'tin para hindi tayo mapaghinalaan."

"Teka! Na 'tin? E hindi n'yo naman ako binigyan ng gan'yan e," panghihimutok ko pa sa sinabi niya.

"Tss. We gave you. Check your money."

"Money? 'Yong malaki na kulay brown ba na binigay ninyo? Hindi ba 'yon parang ATM card lang?"

Napakunot ang kilay ni JR sa sinabi ko.

"What are you talking about? Tss. Basta ay tingnan mo na lang." Tumingin siya sa akin at bahayang natigilan.

Anong problema nito?

"Teka. Huwag mong sabihin na pinagbili mo na 'yon?"

Tiningnan ko siya ng masama bilang tugon. "Hindi no!" Nilabas ko sa aking bulsa 'yong nag-iisang pera na binigay nila sa akin at sinunod ang sinabi ni JR.

Tinitigan ko ng maigi ang harapan ng brown na bagay at likod ng pera. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng guhit-guhit na pahalang. Sinubukan ko itong tanggalin at nang matanggal ko na ito sa kulay brown na pera ay nagpalit ito ng kulay at naging kulay puti.

Hinablot ito sa akin ni JR. Aangal pa sana ako, pero natigilan ako dahil bigla niya itong dinikit sa palad ko.

"There."

Hindi ko namalayang napangiti ako sa ginawa niya. "Salamat."

Naguguluhan siyang tumingin sa akin nang marinig ang tinig ko.

"I mean, salamat sa pagliligtas mo sa akin kanina."

Salamat dahil kung hindi ka dumating ay baka nanghina na naman ang loob ko at matakot na kong lumaban pa.

Gusto ko sanang sabihin din ito sa kaniya, pero walang lakas ang boses ko para magpatuloy pa sa pananalita.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon