Kabanata 32

16 2 0
                                    

ROSALINDA

Anu-anong mga bagay pa ba ang maaari kong masaksihan sa panahong ito? Mga bagay na napaka dami ng nagbago mula sa panahon na pinanggalingan ko?

"Tsk. Humanda kayong lahat. Tiyak na hindi magiging madali para sa atin kapag nakapasok na tayo sa totoong mundo."

Narinig ko ang babala sa amin ni Sierge habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Ngayon lang yata may nagsalita ulit buhat ng magkaroon ng katahimikan kanina.

Walang sumagot sa kaniya. Malalim na buntong hininga lamang ang sinagot ng mga katabi ko habang ako ay nanatili lamang tulala dahil sa nalaman ko kanina.

Naramdaman ko ang paghawak ni Eazel sa kamay ko.

"Rosalinda, kailangan mong magpakatatag. Alam kong hindi mo pa lubos nababatid ang lahat, pero ikaw lang ang susi upang maisalba ang mundong ito. Kailangan ka namin, Rosalinda."

Naunawaan ko ang nais iparating sa akin ni Eazel, pero parang isang mabilis na hangin lamang na lumabas sa aking tainga ang mga sinabi niya.

Sa sobrang dami ng impormasyon na nalaman at narinig ko sa mundong ito, pakiramdam ko ay nagkakaroon na ng information overload ang aking sistema.

Isa lang akong ordinaryong tao noon na namumuhay sa taong twenty-twenty at ngayon. . . hindi ko lubos akalain na isa na kong napaka-importanteng tao na kailangan ng nanganganib na mundo.

Dahan-dahang bumagal sa pag-andar ang sinasakyan naming lumilipad na kotse. Napahawak din ako sa katabi ko nang maramdaman ang unti-onti naming pagbaba sa lupa.

Nagkaroon ng bahagyang pag-alog ang sinasakyan namin nang tuluyan na kaming makalapag sa lupa. Tumigil sa pag-andar ang sinasakyan naming kotse. Bababa na nga sana ako, pero pinigilan ako ni Eazel.

"Huwag. Hindi pa ito ang lugar para bumaba ka at hindi pa ito ang tamang lugar para makampante ka."

Magtatanong pa lang sana ako kung ano ang ibigsabihin ni Eazel sa kaniyang sinabi, pero pare-pareho kaming natigilan nang makarinig ng sunod-sunod na putok mula sa labas ng sinasakyan naming kotse.

"Nandito na tayo sa entrance ng Russia. Magsihanda kayo."

Mabilis na tumango ang lahat sa sinabi ni Sierge. Ang dala-dala nilang mga baril kanina ay bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan. Nagkaroon ng hologram sa harap ng kotse na nagsisilbing daan upang makita namin ang aming nasa paligid. Pagkatapos ay muling umandar ang sinasakyan namin na may kabilisan na. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko sa hologram na tila napapalibutan kami ng mga hindi pang- ordinaryong robot.

Nasa totoong mundo na ba talaga kami? Bakit wala akong makita ni isang tao?

"Rosalinda, pagmasdan mo ang mundong binago ng panahon. Ang mundo na dapat sana ay tirahan lamang ng mga tao," bulong sa akin ni Andrei.

Binalot ng kaba ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Hindi pa man ako lubos na nakakabawi sa sinabi ni Andrei ay napahawak na ko sa aking katabi nang bigla na lamang umandar ng napakabilis ang sinasakyan namin.

Habang nakikipaglaban ang mga kasamahan ko sa mga robot na may dala-dala ring armas ay nakatulala naman ako sa hologram na nasa aking harapan.

"Taong twenty-twenty. . ."

Patuloy pa rin akong nakatingin sa hologram habang nagsisimula nang magkuwento si Sierge habang siya ay nagmamaneho. Sina Eazel naman ay nagsisimula ng paulanan ng mga bala ang mga robot na pumipigil at humaharang sa aming daraanan.

"Taong twenty-twenty nang magkaroon ng isang epidemya sa buong mundo. Isang virus ang lumaganap at ito ay tinawag nilang Novel Corona Virus at kinalaunan ay tinawag din nilang Covid nineteen. Una itong nadiskubre sa China taong twenty-nineteen at ito ay lubos na lumaganap taong twenty-twenty." Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Sierge mula sa rear view mirror ng sasakyan.

Lalo yatang nagkaroon ng bara ang aking lalamunan nang marinig ang kaniyang kuwento. Hindi ako nakapagsalita.

Year twenty-twenty. . . Ito ang totoong taon na pinagmulan ko.

Mas lalo kong narinig ang kalabog ng aking dibdib nang may isang ideya ang pumasok sa aking isipan.

"Ha? Paano? Paano kung pagdating ko sa panahon ko, huli na ang lahat? 'Yon ba ang naging panimula ng pagbabago ng mundo?"

Hindi sumagot sa akin ang iba kong mga kasama. Mukhang hindi nga nila ko narinig dahil abala sila sa pagprotekta sa amin ngayon. Maging si JR na nasa unahan katabi ni Sierge ay may kung anong kinakalikot din. Si Sierge ay abala pa rin sa pagmamaneho, pero alam ko na siya lang ang natatanging tao sa mga kasamahan ko ngayon ang nakarinig sa katanungan ko.

"Don't worry, Rosalinda. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para makabalik ka sa panahon mo na hindi pa nagaganap ang epidemya."

Gusto kong makapante sa sinabi ni Sierge lalo na at sinsero naman ang kaniyang tinig, pero may kung ano sa aking sistema na mas lalong nagpapakaba sa akin ngayon.

"Maraming namatay nang taon na 'yan dahil sa lumaganap na sakit na wala pang lunas ngunit ang mas lalong nagpalubog sa mundo na 'tin ay ang pagdating ng isa pang virus na nanggaling naman sa bansang India."

Parang kahit hindi ko pa nararanasan ang mga sinasabi ni Sierge ay tila nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Sa kinukuwento niya, paano nanatiling buhay ang mundo ngayon kung sunod-sunod ang lumalaganap na pandemya?

Narinig ko ang isang malalim na buntong hininga ni Sierge sa kabila ng ingay na gawa nina Eazel.

"Hindi naman namin alam kung paano nakayanan ng mga tao noon ang hirap dahil wala pa naman kami sa mundo noon. Ilang taon pagkatapos ng pandemya, may mga bagay na naganap ng hindi inaasahan ng lahat. Isa na doon ay ang pagkawasak ng ilang mga countries at nanatiling nag-iisang nakatayo ang natatanging bansa ng hindi nalalaman ng mga bulag at mangmang na mamamayan." Muli akong sinulyapan ni Sierge.

Aaminin kong napalunok ako ng laway dahil sa pinahiwatig niya.

"Ang natatanging bansa na 'yon. . . ang North Korea 'yon, hindi ba?"

Hindi siya sumagot sa katanungan ko. Sa halip ay ibinaling niya lamang muli ang kaniyang paningin sa daan.

Ngayon, alam at batid ko na kung bakit may batas ang mundo ngayon na bawal magmahal. Naalala ko bigla nang nasa taong twenty-twenty pa ko. Mahilig akong manood noon sa YouTube tungkol sa iba't-ibang bagay. Isa na sa napanood ko noon ang tungkol sa Independent Country na North Korea. Ito ang natatanging bansa na hindi basta-basta napapasok ng foreign countries dahil na rin sa kinakatakutan ang bansang ito.

May armas kasi itong tinatawag na Nuclear Bomb. Nuclear Bomb na maaaring burahin ang buong mundo kapag ito ay pinasabog. Ang isa pang napag-alaman ko sa bansang ito, ang lahat ng tao rito ay walang alam tungkol sa romantic love sapagkat ang pagmamahal lamang na alam nila ay ang pagmamahal sa kanilang pinuno.

Tama nga siguro ang hinala ko. Ang bansang ito ang dahilan kung bakit bawal ng magmahal ang mga tao sa panahon ngayon.

"Isirado n'yo na ang lahat ng bintana at JR, activate the water shield in our car. Rosalinda, be ready. Bibiyahe na tayo sa ilalim ng dagat."

Nagbalik sa reyalidad ang isip ko dahil sa sinabi ni Sierge. Huli ko ng naunawaan ang ibig niyang sabihin nang tuluyan na kaming literal na puma-ilalim sa isang malalim at malamig na karagatan.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon