Kabanata 28

14 2 0
                                    

ROSALINDA

Sinubukan kong makawala sa pagkakatali sa aking kamay, pero nasasaktan lamang ako lalo. Napaluha na lamang ako habang pinagmamasdan si Eduard na kinakaladkad papunta sa isa pang silid.

Dahil sa akin ay nadamay si Eduard at dahil din sa akin kaya nandito kaming dalawa ni Eduard ngayon.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Eduard ay napayuko na lamang ako. Lumuluha kong pinagmasdan ang namamaga kong talampakan habang paulit-ulit na binabalikan ang mga tagpong nangyari kanina.

Muntikan pa kong mapasigaw ng makarinig ng putok ng baril. Mas binilisan ko pa ang takbo at gano'n din si Eduard na hindi alintana ang panganib na nasa likuran na namin.

"Binibini, sabihin mo lang sa akin kung hindi mo na kayang tumakbo."

"Huwag kang mag-alala sa akin, Eduard. Kailangan na 'ting makatakas sa kanila kahit anong mangyari dahil kailangan makita ng mismong mga mata ko ang mga bagay na sinabi mo sa akin kanina."

Nang makalabas na kami sa maliit na gubat na pinanggalingan namin ay isang kalsada ang bumungad sa amin. Nagpalinga-linga kami sa paligid at napagpasiyahan namin na tumakbo na lang sa bandang kanan. Nakarinig ulit kami ng putok ng baril, pero hindi kami huminto sa pagtakbo.

"Kilala ko nga ba ang sarili ko?"

Narinig ko ang mahinang bulong ni Eduard sa kaniyang sarili.

Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya dahil mukhang tumatak sa isipan niya ang tanong ko kanina. Minsan, nakakalungkot tanggapin na ikaw mismo ay hindi mo kilala ng lubos ang sarili mo. Paano ka kikilalanin ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi mo kilala ang pagkatao mo? May mga tao pa na pinipiling unahin ang pagkilala sa iba kaysa kilalanin muna ang sarili nila.

Mapunta man ako sa taong twenty-twenty o sa taong thirty one hundred years, ganito na ang ginagawa ng ibang tao. Nakalimutan na nilang pahalagahan ang sarili nila bago ang iba.

"Binibining Rosalinda, ang totoo ay sumasakit ng husto ang ulo ko kapag iniisip ko ang tungkol sa akin. Parang may bumubulong sa ulo ko na huwag ko na lang alalahanin ang tungkol doon. Sa tuwing may nais akong balikan na alaala sa nakaraan ay kadiliman lang ang pumapasok sa aking utak. Blanko."

Maraming katanungan na naman ang pumasok sa isipan ko dahil sa kaniyang kinuwento. Kada-araw ay tila nadadagdagan ang misteryo ng panahon na ito.

Samantala, tumigil ako sa pagtakbo nang biglang sumakit ang aking talampakan. Huminto rin sa pagtakbo si Eduard dahil sa paghinto ko.

Umupo ako at hinawakan ang aking talampakan na namimilipit sa sakit. Tumingin ako sa likuran at nakita ko ang mga guwardiya civil na malapit na sa aming direksiyon.

"I-Iwan mo na lang ako, Eduard. Tumakbo ka na hangga't hindi pa tuluyang nakakalapit ang mga guwardiya civil." Tumingala ako kay Eduard at tinulak siya palayo sa akin.

"Hindi kita iiwan, Binibining Rosalinda."

Ilang beses ko na siyang tinulak palayo, pero lumalapit lang siya pabalik sa akin.

"Ano bang sinasabi mo? Tumakbo ka na!" Sumigaw na ko sa kaniya, pero isang makahulugang tingin lang ang sinukli niya sa akin.

Mas lalo na kong nanghina ng makalapit na sa amin ang mga guwardiya civil. Hinawakan kami nito sa aming dalawang kamay at pilit pinasama sa kanila.

Tumingala ako ng tingin sa kisame ng kuwarto na kilalagyan ko ngayon. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakaalis sa kuwartong ito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng kuwartong pinanggalingan nina Eduard. Lumabas ang mga guwardiya civil na dala-dala si Eduard. Nakatali na rin ang mga kamay nito. Tinulak nila si Eduard patungo sa tabi ko bago nila kami tuluyang iniwan.

"G-Ginoong Eduard, ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa 'yo?" Lumuluha ko siyang binalingan ng tingin.

Nakatingin din siya sa akin, pero hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Huwag kang mag-alala, Binibining Rosalinda. Wala silang masama na ginawa sa akin Pinakita lang nila kung ano talaga ang totoo kong pagkatao."

Ngumiti sa akin si Eduard, pero hindi pa rin niya ko nakumbinsi lalo na nang marinig ko ang huli niyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin, Eduard?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Muli siyang nagbigay ng isang ngiti sa akin. "Huwag mo ng isipin muna ang tungkol doon. Kailangan muna na 'ting isipin kung paano makakaalis sa lugar na ito." Inilibot niya ang kaniyang paningin sa aming paligid.

Nais ko pa sanang magtanong sa kaniya, pero napagtanto ko na tama ang katwiran niya. Kailangan muna namin makaalis sa lugar na ito, pero paano?

"Wala na ang mga guwardiya civil."

Naguluhan ako sa pinahayag ni Eduard, pero pagkalipas ng ilang segundo ay naunawaan ko na rin siya.

Madali niyang natanggal ang tali sa mga kamay niya. Pumunta siya sa likuran ko at tinanggal din ang tali sa kamay ko. Pagkatapos ay ako na ang nagtanggal ng tali sa aking mga paa.

"Paano mo natanggal agad ang lubid sa mga kamay mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Sabihin na lang na 'tin na may mabait na guwardiya civil ang tumulong sa akin para palabasin na mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko." Nag-isip siya sandali bago muling nagwika. "Sa pagkakaalala ko ay Andrei ang ngalan ng guwardiya civil na 'yon."

Nang matanggal ko na ang tali sa mga paa ko ay inilalayan ako ni Eduard na makatayo. Namamaga pa rin kasi ang talampakan ko hanggang ngayon. Inilagay niya ang kanang kamay ko sa balikat niya at nagsimula na kaming maglakad.

Andrei? Bakit parang familiar sa aking ang pangalan ng taong 'to?

Naunang dumungaw sa labas ng ware house si Eduard para tingnan kung may nagbabantay pang guwardiya civil sa labas. Naiwang bukas ang pinto at marahil ay dahil din ito sa Andrei na sinasabi ni Eduard.

Lumabas na kami nang masiguro na wala ng tao sa labas.

Gano'n pa man, hindi pa rin naalis sa aking isipan ang sinabi ni Eduard kanina.

Ano kayang sinabi ng mga guwardiya civil tungkol sa kaniya?

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon