ROSALINDA
Tumingin ako kay Eduard pagkatapos ay tumingin ako sa paligid ko.
"Ginoong Eduard, saan ba talaga tayo pupunta?"
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang naitanong ito sa kanya, pero hindi naman niya ko binibigyan ng isang matinong sagot.
"Huwag kang mag-alala, Binibining Rosalinda. Tiyak na magdidiwang ang 'yong damdamin kapag nakapunta na tayo sa lugar na pagdadalhan ko sa 'yo."
Katulad din ng nauna niyang sagot, ganito ang lagi niyang sinasabi sa akin.
Bumuntong hininga ako ng malalim at sumabay sa kanyang paglalakad.
Araw ng pamamahinga naming dalawa ngayon. Gusto ko sanang manatili na lang sa aming kuwarto at matulog buong maghapon, pero namilit si Eduard na samahan ko siya sa pag-alis patungo sa kanyang nais puntahan.
Akala ko ng una ay nagbibiro lang siya dahil hindi naman niya ugaling lumabas ng mansion tuwing araw ng pamamahinga. Lalo na ang maunang magyaya na lumabas o magpasama. Pinipilit pa nga namin siya ni Rhean noon, hindi ba? Kaya nang tinanong ko siya kung tama ang pagkakarinig ko ay tumango siya sa akin at hinila na ko palabas ng mansion ng bandang alas-siyete ng umaga. Hindi na ko nakaangal at nakatanggi pa sa kanya dahil wala naman akong dahilan para hindi pumayag.
"Nasabi na ba sa 'yo ni Binibining Rhean kung saang lugar kami natagpuan ni Señora Anafe?" tanong ni Eduard habang patuloy kami sa aming paglalakad.
"Hindi. Saan nga ba? Huwag mong sabihin na pupunta tayo roon? Sumakay na lang tayo ng kalesa at baka abutin na tayo ng gabi sa paglalakad pa lang."
Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil sa aking naisip. S'yempre, ayaw ko nang maulit ang nangyaring gulo nang hinabol kami ng mga guwardiya civil.
Mahinang tumawa si Eduard nang marinig ang sinabi ko. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil doon.
"Huwag kang mag-alala, Binibining Rosalinda. Malapit lang 'yon dito sa bayan ng Carmona. Makakauwi tayo agad kung sakali."
Med'yo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Eduard. Mabuti naman kung gano'n. At least ay hindi ko na kailangan mag-alala rin para sa aming kaligtasan.
Tumigil ako sa paglalakad nang biglang huminto sa paglalakad si Eduard. Magsasalita na sana ako para tanungin siya kung bakit siya huminto, pero naitikom ko ang aking bibig nang mapansin na tila may pinagmamasdan siya sa aming harapan.
Naintriga ako sa tinitingnan niya kaya napatingin na rin ako rito. Dahil sa pag-aalala ko ay literal na napanganga ako dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Isang napaka lawak na hardin na punong-puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak at halaman. Napaka kulay ng paligid dahil sa mga bulaklak at may paru-paro pang lumilipad sa paligid.
"Hindi mas'yadong nagpupunta rito ang mga tao dahil iilan lamang ang nakakaalam ng lugar na ito. Ang kinatatayuan ng hardin na ito ay nasa pagitan ng dulo ng GMA, Cavite at Carmona, Cavite kung tama ang pagkakaalala ko."
Lumingon ako kay Eduard nang hindi naaalis ang kinang sa aking mata dahil sa aking nakita.
"Dito kayo nakita ni Señora Anafe? Paano nangyari 'yon? Ang ibig kong sabihin ay paano niya kayo nakita rito at bakit kayo nandito ni Rhean?"
Lumingon din sa akin si Eduard at ngumiti sa akin bago sinagot ang tanong ko.
"Hindi ko na alam at hindi ko na maalala kung paano kami napadpad ni Rhean sa lugar na ito. Bata pa kasi kami noon. Siguro ay mga nasa lima at anim o pitong taong gulang pa lamang kami. Ang alam ko, kaya naman napadpad si Señora Anafe rito dahil may hinahanap siya. Hindi naman niya nilinaw sa amin noon kung ano 'yon," nakangiting sagot sa akin ni Eduard.
Naalala ko na wala nga pala silang alam tungkol sa magulang at marahil dahil 'yon sa wala silang alaala tungkol dito. Mas'yadong malabo pa rin hanggang ngayon para sa akin ang totoong pagkatao nina Eduard at Rhean. Mas'yadong magulo at malabo ang pagkatao nila.
Nagka-amnesia ba sila? Nagkaroon ng trauma? May nangyari kayang mapait sa nakaraan nila? Kung oo, ano kaya 'yon? At kung hindi, may isang posibilidad na sumasagi sa aking isipan.
Maaaring nagsisinungaling sila sa akin para pagtakpan ang kung ano mang mayroon sa kanilang nakaraan.
Marahan kong ipinilig ang aking ulo dahil sa naisip.
Ano ka ba, Rosalinda. Hindi tamang pagdudahan mo sila. Ang pagkamatay ni Rhean ang patunay na hindi sila masamang tao at tapat silang kaibigan sa akin.
"Bakit mo nga pala ko dinala dito, Ginoong Eduard?"
Lumingon sa akin si Eduard at dahil doon ay natitigan ko na naman ang kayumanggi niyang mata. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao nang muling maramdaman ang pagwawala ng aking puso. Magkakasakit na yata ako sa puso kapag tinitigan ko pa ng matagal ang mga mata ni Eduard.
Pagkalipas ng ilang segundo ay ngumiti sa akin si Eduard na naging dahilan para matitigan ko naman ang mapula niyang labi.
"Binibining Rosalinda?"
Nakaramdam ako ng hiya ng tawagin niya ang pangalan ko. Malamang nakita niya ang pagtitig ko sa kaniya kanina. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ang pag-init ng aking dalawang pisngi.
"Bakit?"
"Tungkol sa tanong mo kanina, hindi ko rin alam. Ang nasa isipan ko lang nitong nagdaang mga araw ay nais kong ibalik ka sa dati mong sigla. Hindi siguro ako sanay sa inaakto mo ngayon o siguro kasi nangungulila lang ako sa dating ikaw. Gusto kong maging maayos ka na at matanggap na ang pagkamatay ng kapatid ko."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Eduard kaya namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bukod pa roon ay naramdaman ko ang mas papalakas na pintig ng aking puso.
Rosalinda, ano na bang nangyayari sa 'yo?
Someone's POV.
Hindi ko na hinintay na paupuin niya ko sa kulay gintong upuan at kusa ng umupo rito.
"Sigurado ka ba tungkol dito kay Rosalinda Delfin?"
Tumango ako sa kaniya at ngumiti ng malawak.
"Sigurado ako at may nagawa na kong hakbang para hindi na siya makabalik sa kaniyang tunay na pinagmulan."
Gusto kong magdiwang kanina pa. Tiyak na may parangal na naman ako sa ginawa ko. Buti na lang at mangmang ang babaeng 'yon.
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...