Kabanata 13

21 4 0
                                    

Rosalinda's POV.

Hindi talaga ko mapakali sa inuupuan ko ngayon. Lalo na at hindi ko alam kung bakit pinapatawag ako kina Rhean at Eduard ni Señora Anafe sa opisina niya. Nakakatuwa nga dahil bago pa ko nagtungo rito ay nakita ko pa ang pag-aalala sa mukha ni Rhean.

Naks! Umaasenso na talaga ang kaibigan ko, pero hindi talaga ko dapat matuwa ngayon.

Hindi ko alam kung anong pakay ni Señora Anafe, pero natitiyak ko na may kinalaman ang pagpapatawag niya sa mga sinabi ko nang kumain kami sa veranda at nakilala ko ang limang wirdong tao.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na 'yon sa harapan ng maraming tao. Dapat sinasarili ko na lang. Lagot na talaga ko!

Ano kayang parusa ang ibibigay sa akin ni Señora Anafe? Papalayasin niya kaya ko rito? Papatayin? O ang mas masama ay ibigay niya ko sa gobyernong sinasabi nila.

Waah! Ayo'ko mapunta roon at baka gawin nila kong alila. Gusto ko na talaga bumalik sa mundo ko. . . sa panahon ko kung saan demokratiko pa ang bansa at hindi lang iisang gobyerno ang namumuno.

Nahinto ang pagmumuni ko nang pumasok sa opisina si Señora Anafe. Umayoz ako ng upo nang umupo na siya sa kaniyang upuan. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Magandang hapon, Señora Anafe," nakangiti kong bati sa kanya.

Tumango lamang siya sa akin sapagkat may kinukuha siya na kung ano sa ilalim ng lamesa. Nang makuha na niya ito ay humarap na siya sa akin. Ngumiti ulit ako sa kaniya.

"Señora Anafe, pinapatawag n'yo raw po ako? Alam ko po na ang dami kong sinabing hindi maganda nang araw na 'yon, pero nagbibiro lang naman po ako. Nagkakatuwaan lang kami sa veranda. Hehe. Kaya paumanhin kung nagalit kayo dahil doon. Pasensiya na talaga, Señora Ana-"

"Ano bang pinagsasabi mo, Rosalinda?"

Natigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Señora Anafe. Salubong ang kaniyang kilay habang nakatingin siya sa akin at tila nagtatanong ang kaniyang mga mata.

"Ah. . . Ibig ko pong sabihin, ano po bang ipinunta ko rito?"

Muntikan ko ng masabi! Hindi naman pala niya alam.

Huminga siya ng malalim bago ipinakita sa akin ang isang maliit na hugis bilog na kulay puti. Para siyang mentos na candy sa twenty-twenty. Napakunot-noo ako sa pinakita niya.

Anong gagawin ko d'yan? Kakainin ko? Hala! Baka 'yan 'yong nawawalang bato ni Darna? Ay, malabo pala dahil hindi naman totoo si Darna.

"Nais kong itago mo ito at lagi mong dalhin saan ka man magpunta, Binibini. Huwag na huwag mo itong ipapakita sa iba, maliwanag?" Inabot sa akin ni Señora 'yong mentos, pero hindi ko 'yon agad kinuha.

"Bakit? Anting-anting po ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Napatampal sa kanyang noo si Señora Anafe dahil sa sinabi ko. Mukha nga siyang naii-stress e. Napasimangot tuloy ako. Nagtatanong lang naman ako.

"Hindi. Basta kuhanin mo na ito at ingatan." Kinuha niya ang palad ko at inilagay doon 'yong mentos.

Ay, hindi pala siya mentos dahil para siyang bato dahil sa tigas.

"Makakaalis ka na."

Pagkatapos sabihin ni Señora ang mga katagang 'yon ay tumango na lamang ako sa kaniya at nagpasalamat bago umalis sa opisina niya. 'Yong bagay naman na ibinigay niya sa akin na hindi niya sinabi kung anong pangalan ay inilagay ko na lamang sa aking pitaka na mula pa sa panahong twenty-twenty.

Ano kaya ang bagay na ito?

*

Pagkadating ko sa kuwarto namin nina Rhean at Eduard ay agad akong sinalubong ng yakap ni Rhean habang si Eduard ay nanatili lamang nakaupo sa kaniyang kama at tila wala na namang pakialam sa kaniyang paligid.

"Buti naman at nagbalik ka. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo," bulong ni Rhean sa tainga ko habang yakap-yakap pa rin ako.

Pakiramdam ko nga ay hindi yakap ang ginagawa niya dahil hindi na ko halos makahinga sa higpit ng yakap niya.

Ganito pala magmahal ang taong nabubuhay sa taong thirty-one hundred?

Tinapik ko si Rhean sa kaniyang likod. "Wala naman masamang nangyari, Binibini. Baka ngayon pa lang kung hindi ka kakalas sa pagkakayakap. Hindi kasi ako makahinga e."

Dahil sa sinabi ko ay mabilis niya na kong pinakawalan. Akala ko katapusan ko na. Wew. Sunod-sunod akong huminga ng malalim.

"Pasensiya ka na. Ano nga pa lang sinabi sa iyo ni Señora Anafe?"

Natigilan ako sa tanong ni Rhean. Hala! Kabilin-bilinan pa naman ni Señora ay wala akong pagsasabihan tungkol sa bagay na binigay niya sa akin. Ibigsabihin, bawal ko ring sabihin sa iba ang tungkol sa pinag-usapan namin.

"Ah. . . Ano. . . 'Yong sinabi sa akin ni Señora. . . Kinamusta niya lang ang naging sugat ko nang mabaril ako at saka sinabi niya na maganda raw ang ginagawa kong trabaho kaya binabati niya raw ako." Kinakabahan akong ngumiti kay Rhean pagkatapos kong magsalita.

Nagsisinungaling na naman ako sa kaniya. Patawad, Rhean.

Mga ilang segundo pa bago tumango sa akin si Rhean bilang tugon sa sinabi ko.

Nakangiti kaming umupo pareho sa bakanteng kama, sa tabi ng kama ni Eduard. Pagkaupo ay saka ko lamang napansin na may hawak-hawak pa lang panyo si Rhean.

Magbuburda kaya ulit siya?

Inabot niya ito sa akin at nagtataka man, pero kinuha ko rin ito agad.

"Regalo ko iyan sa'yo. Nakaukit d'yan ang pangalan na 'ting dalawa pati na rin ang pangalan ni K-Kuya Eduard." Umiwas siya ng tingin sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Tinitigan ko 'yong panyo na binigay niya at totoo nga ang kaniyang sinabi. Nakaburda nga rito ang pangalan naming tatlo. Simple lang ang disenyo sa panyo na kulay puti. May maliliit lang ito na bulaklak sa apat na sulok ng panyo. Nasa ibaba naman ang pangalan naming tatlo. Kulay pula ang ginamit niyang sinulid pangburda dito at talagang wala kang makikitang mali sa ginawa niya.

"Ang ganda naman, Rhean. Maraming salamat." Niyakap ko siya bilang pasasalamat sa binigay niya sa akin.

Pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap ko ay muli akong nagsalita.

"Pangako, iingatan ko ang binigay mo sa akin."

Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiting tumango sa sinabi ko. Natigil lang kami sa momento namin ni Rhean nang umubo si Eduard na nakatayo na pala malapit sa amin.

"Ngayon, dalawa na kayo na maaaring mamatay." Dumiretso siya sa paglabas sa kuwarto pagkatapos niya sabihin 'yon.

Nakaramdam ako ng lungkot at pangamba dahil sa sinabi ni Eduard.

Tama kaya talaga ang ginagawa ko?

"Huwag kang mag-alala, Rosalinda. Hindi ko pinagsisihang tanggapin ka biglang tapat na kaibigan ko."

Hiling ko na sana nga ay walang masama na mangyari sa babaeng kaharap ko ngayon dahil sa akin.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon