ROSALINDA
Hila-hila ako sa paglalakad ni Señora Anafe patungo sa lugar na pinanggalingan namin kahapon ng mga guwardiya civil kung saan may walong pinto ang nakapalibot sa isang tila entablado.
Kinakausap ako ni Señora Anafe at kung anu-ano ang sinasabi niya sa akin gamit ang ibang lengguwahe na hindi ko maintindihan, pero hindi ako nagsasalita o kumikibo sa kaniya.
Ayaw kong magsayang ng laway sa babaeng kagaya niya at isa pa, nais kong makaisip ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na 'to at makakabalik sa mundo ko dahil desidido na kong itama ang pagkakamali ng mga tao sa hinaharap.
Pagkatungo namin sa entablado ay pumasok kami sa pinto na kulay black at may bilog na kulay puti sa bandang kanan sa ibaba.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ay nagsitaasan na ang balahibo ko dahil sa malakas na simoy ng hangin. Hindi ko maaninag ang lugar na kinalalagyan namin dahil sa dilim ng paligid ngunit nakakaramdam ako na hindi maganda ang lugar na pinasukan namin.
"Heh. Tingnan na 'tin kung hindi ka pa sasagot sa akin mamaya. Sinisiguro ko sa 'yo na ilalaglag kita kung hindi ka sasagot sa akin."
Lumiko kami sa kaliwang pathway. Nakakita ako ng isang kulay itim na elevator at sapilitan akong pinapasok dito ni Señora Anafe kasama niya. Nakarinig ako ng mahina niyang pagtawa pagkapasok namin sa loob.
"Humand ka."
Gumalaw pababa ng dahan-dahan ang elevator na sinasakyan namin. Habang natagal ay nagiging transparent ang elevator.
Kusa akong napahawak ng mahigpit kay Señora Anafe nang biglang huminto ang sinasakyan naming elevator.
Umatras ako sa dulo ng elevator nang makita ang mga zombie sa labas ng elevator. Hindi ko na marinig ng maayos ang boses ng babaeng katabi ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso.
"S-Saan mo ko balak dalhin?" Nangangatal ang boses ko nang subukan kong magsalita.
"Sa pinuno. Hindi ba nais mo siyang makita?"
Napahawak ulit ako sa aking katabi ng muling gumalaw ang elevator na sinasakyan namin ngunit tumungo na ito pakanan. Parang gusto ko na lang ipikit ang aking dalawang mata dahil baka huminto ulit ang elevator at may kakaibang bagay na naman ang magpakita sa amin.
Pinilit kong huwag ipakita ang panginginig ng mga tuhod ko sa katabi kong si Señora Anafe dahil ayaw kong bigyan siya ng kagalakan dahil sa panghihina ng loob at takot na nararamdaman ko ngayon.
Ako na nga yata ang napakasuwerteng tao sa buong mundo. Buti na lang at hindi pa ko nababaliw sa lahat ng bagay na nararanasan ko.
Una ay napunta ako sa hinaharap at naranasan ang buhay ng mga tao nang unang panahon. Pagkatapos, nalaman ko na peke lang pala ang mundong ito dahil ang totoo ay nabubuhay na ang mga tao sa high technology ng mga bagay.
Napakadaming misteryo sa mundong ito ang nalaman ko at ngayon ay nasa loob ako ng elevator, humihinto sa mga nakakatakot na bagay na hindi maaaring makita ng maraming tao.
Gusto ko ng matapos ang kabaliwan na ito, pero hindi ko magawa sapagkat ito ay hindi lang basta panaginip na maaari kang magising ano mang oras.
Muling huminto ang sinasakyan naming elevator. Napatakip ako sa aking magkabilang tainga nang marinig ang nakakakilabot na panaghoy ng tila isang ligaw na kaluluwa. Parang usok lamang ang nasisilayan ko sa labas ng transparent na elevator, pero sobrang nakakatakot ang panaghoy na naririnig ko sa paligid. Pakiramdam ko ay tuluyan na kong mababaliw kung magtatagal pa kami rito.
Ang kasama kong si Señora Anafe ay parang wala lang sa kaniya ang lahat dahil nakatayo lamang siya at pasimpleng tinatawanan ang reaksiyon ko.
"Itutulak kita sa susunod na 'ting hinto kapag hindi mo sinagot ang tanong ko. Nasaan ang ibang kasamahan mo?"
Natigilan ako sa tanong ni Señora Anafe. Muling umandar ng dahan-dahan ang elevator na sinasakyan namin paangat.
Hindi ko alam kung kailan ang susunod na hinto namin. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko na maaaring nag-aabang sa amin sa susunod na hinto.
Hindi ko kailanman inisip na ipagkaluno ang sarili kong kaibigan, pero hindi ko rin inaasahan na mangyayari at maiipit ako sa sitwasyong ito.
Dapat ko bang sundin ang nais kong huwag siyang sagutin para sa kaibigan kong madadamay? O ipagkakaluno ko sila alang-alang sa kaligtasan ko at kaligtasan ng mundo?
Dumoble ang tibok ng aking puso nang tuluyan na huminto ang elevator na sinasakyan namin. Hindi na ko makahinga ng maayos dahil sa takot. Narinig ko ang tunog ng isang kadena na kumakaskas sa sahig ng kuwarto. Napaupo ako nang sunod kong marinig ang tunog ng chainsaw.
"Hindi mo pa rin ako sasagutin?"
Nagpumiglas ako nang pilitin akong patayuin ni Señora Anafe.
"No! Hindi ako papayag na itulak mo ko palabas ng elevator, pero hindi rin ako papayag na sabihin ang kinalalagyan ng mga kasama ko."
Naririnig na ang paghikbi ko at nakikita na ang panginginig ng tuhod ko kahit gaano ko man ito itago sa harapan niya.
I'm scared to death. Ni hindi ko magawang sumilay man lang sa labas ng elevator dahil baka may makita akong hindi ko nanaising makita. Sumigaw ako ng sobrang lakas ng ingudngod ni Señora Anafe ang mukha ko malapit sa pintuan ng elevator.
Tuluyan na kong napaluha nang maka-eye contact ko ang isang lalake na may mapangit na mukha bitbit ang isang chainsaw habang may nakataling kadena sa magkabila niyang kamay at paa. Nagwala ito ng magkatitigan kami at parang nais na nitong sirain ang elevator. Buti na lamang at muling gumalaw ang elevator pakaliwa.
Sunod-sunod ang naging paghinga ko ng makaalis kami sa parteng 'yon. Pakiramdam ko ay napunta ako sa movie na Wrong Turn nang makita ko 'yon.
"Masuwerte ka dahil hindi ka pa p'wedeng patayin. Welcome sa puder na tinatawag na pamahalaan." Tumawa ng malakas si Señora Anafe.
Halos mahimatay na ko at pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras habang nakasakay kami sa elevator.
Marami pa kaming nadaanan bago tuluyang bumababa sa elevator at nakapunta sa kinalalagyan ng pinuno na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...