Kabanata 33

10 2 0
                                    

ROSALINDA

"Rosalinda, ayos ka lang ba? Pasensiya na kung hindi ka namin nahandaan ng panlamig na kasuotan. Sa sobrang pag-aalala namin sa 'yo, hindi na namin naalala na malamig nga pala sa lugar na 'to."

Lumingon ako sa direksiyon ni Andrei. Nakikita ko ang usok na lumalabas sa kanilang bibig. Maging sa paghinga ko nga lang ay may usok na rin. Tanda na malamig talaga sa kinalalagyan namin ngayon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking naging karanasan. Sinong mag-aakala na pagkalipas ng ilang siglo ay magagawa na ring tirahan ng mga tao ang karagatan?

Tama kayo ng pagkakabasa. Nasa ilalim nga kami ng karagatan ngayon at para kaming astronaut dahil sa suot naming pabilog sa aming ulo upang makahinga kami sa ilalim ng tubig.

Napaka imposibleng mangyari ang bagay na 'to sa totoo lang. Kung nasa taong twenty-twenty pa ko, kahit yata may suot akong bagay na magbibigay sa akin ng oxygen para makahinga sa ilalim ng tubig ay hindi pa rin ako makakatagal dito dahil hindi naman sapat ang oxygen na binibigay sa akin ng bagay na 'yon. Ngayong nandito ako sa taong thirty one hundred, masasabi kong kahit kailan ay hindi mo pala talaga masusukat ang kakayahan ng isang siyensa. Gano'n din ang kapasidad ng mga scientist.

Para kaming mga isda na nasa loob ng isang napakalaking aquarium. 'Yon nga lang. Tuyo at walang lamang tubig sa loob ng aquarium kaya hindi kami nababasa kahit literal na pinapalibutan kami ng katubigan.

"Rosalinda?"

Napakurap-kurap ako at lumingon sa taong tumawag sa akin. Kakababa lang namin sa multi-functional na sasakyan na ginamit namin upang makatakas at makapunta sa lugar na 'to.

"Bakit, Denny?" tanong ko sa kaniya.

Umupo ako sa kaharap na sofa nina Denny at Eazel habang nasa magkabilang gilid naman namin nakaupo sina JR, Sierge at Andrei. Ngayon ko lang napagtanto na ako na lang pala ang nakatayo kanina pa.

"Rosalinda, ito nga pala ang hide-out namin." Pagod na yumuko si Denny at bumuntong hininga.

"Hideout? Bakit kailangan n'yo ng hideout? Sino ba talaga kayo?"

Tumaas na ang boses ko sa huli kong sinabi.

Kilala ko sila sa pangalan, pero hindi ko pa rin alam ang buong pagkatao nila at kung sino sila sa mundong ito.

"Okay, sige. Magpakilala kami sa 'yo. Ako si Andrei Rosales." Ngumiti sa 'kin si Andrei bago siya lumingon sa kaharap na si JR.

"Ako naman si Jhon Rhay Guevarra." Hindi lumingon sa akin si JR. Sa halip ay nakapamulsa lamang siyang nakatingin sa ibang direksiyon.

"Ako naman si Eazel Vern Garcia." She waved her hand while smiling mischievously at me.

Umayos ng pagkakaupo si Denny bago nakangiting lumingon sa akin. "Ako si Denny Rose Binalay."

"Mga dati kaming estudyante sa panahon na 'to at graduating na sana kami bilang isang mga scientist, pero nagbago ang lahat nang isa-isang pinagpapatay ang mga magulang namin." Lumingon sa ibang direksiyon si Eazel at tila pinipigilan ang luha na malapit ng tumulo sa kaniyang pisngi.

Isa-isang pinatay ang magulang nila? Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko.

"Naging over populated ang mundo na 'tin, Rosalinda at upang mabawasan ang dami ng tao ay kinailangan nilang patayin ang mga tao. Kami ang ilan sa mga taong hindi napiling patayin sapagkat ayon sa nakatataas ay malaki pa ang pakinabang ng mga batang katulad namin sa mundo, sa kanila. Mapalad ka kung ikaw ay maharlika sapagkat makakaligtas ka sa kamatayan." Rumihistro ang galit sa mga mata ni Sierge na ngayon ko lamang nakita sa kaniya.

"Inequality. Kung inaakala mong matagal ng patay at nasulusyunan ang inequality ay d'yan ka nagkakamali. Kahit kailan, Rosalinda. Kahit kailan ay hindi namatay ang inequality sa mundo at sa bawat siglong nadaan ay mas lumalala pa ito." Tinitigan ako ni Andrei at nakita ko ang pagod at lungkot sa kaniyang mga mata maging sa iba ko pang kasama.

Gusto kong umiwas ng tingin sa bawat titig nila sapagkat batid ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit dinadanas nila ang bagay na ito. Isa ako sa mga taong maaaring pinagkait na makita nila ang ganda ng mundo na nakikita ko noon.

"Hanggang d'yan na lang muna ang sasabihin namin sa 'yo, Rosalinda. Alam namin na napakadaming impormasyon na ang pumapasok sa isipan mo ngayon kaya hahayaan kana muna namin iproseso ang lahat ng ito." Tumayo si Eazel at naglakad patungo sa isang kuwarto.

Pinagmasdan ko siya ng tingin bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Nang muli kong ibaling ang tingin ko sa iba ko pang mga kasama ay nahuli kong ngumiti sa akin si Andrei.

"Tiyak na maghahanda na ng pagkain si Eazel. Naalala mo pa ba ang lasa ng pagkain na kinakain mo sa kabilang mundo?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi ni Andrei kaya napakunot ang noo ko.

Ngayon at natanong niya ang tungkol sa pagkain. Nakaramdam tuloy ako bigla ng gutom, pero kapag naaalala ko ang lasa ng pagkain na natikman ko sa panahong ito ay tila umuurong ang gutom ko.

Mabubusog ka ba sa pagkaing wala namang lasa?

Ewan ko kung bakit sarap na sarap sila sa pagkain na 'yon samantalang ako, para akong unti-onting pinapatay. Nilulunok ko na nga lang ang pagkain para lang hindi ako malipasan ng gutom at mamatay ng maaga. Lalo na ngayon na mahalaga pala ang role ko sa mundo.

"Rosalinda, kitang-kita ko sa mukha mo ang hirap na dinanas mo dahil sa pagkain. Hahaha."

Lumingon ako sa direksiyon ni Sierge dahil sa kaniyang sinabi. Napangiwi ulit ako ng bigkasin niya ang tungkol sa pagkain.

"Alam mo ba kung bakit gano'n ang lasa ng pagkain nila roon?" tanong sa 'kin ni Denny.

So, aware pala sila sa lasa ng pagkain?

"Bakit?" tanong ko rin sa kanila.

"Yon ay dahil hindi talaga pagkain ang kinakain ninyo. Gawa ang bagay na 'yon para sa mga pekeng tao na nakatira roon."

Nanlaki ang mata ko dahil sa pinahiwatig ni Denny. Kung kanina ay umurong lang ang gutom ko, ngayon ay parang gusto ko ng sumuka dahil sa narinig. Mamamatay nga siguro ako ng maaga kumain man ako o hindi ng mga pagkain nila roon.

Natawa sila puwera kay JR dahil sa naging reaksiyon ko. Pinanliitan ko sila ng mata. Pinagloloko ba ko ng mga 'to?

"Huwag kang mag-alala, Rosalinda. Hindi naman magiging masama sa 'yong kalusugan kahit kinain mo ang bagay na 'yon." Nagthumps- up sa akin si Andrei at saka ngumiti.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti naman kung gano'n. Nagsitayuan na ang mga kasama ko kaya nakigaya na rin ako sa kanila. Naglakad sila patungo sa kuwarto na pinuntahan ni Eazel habang ako ay nakasunod lamang sa kanila.

"Halika, Rosalinda. Kumain na muna tayo at Magpahinga sapagkat bukas na bukas din ay ipapaliwanag na namin sa 'yo ang lahat ng tungkol sa mundong ito." Muling ngumiti sa akin si Andrei at tinapik ang likod ko.

Dahil sa pinahiwatig niya, tuluyan ng nawala sa alaala ko ang tubig na nakapalibot sa amin ngayon at ang tungkol sa pagkain na pinag-uusapan namin kani-kanina lang sapagkat ang isipan ko ngayon ay nasakop na ng mas malaking suliranin na kinakaharap ko, namin ngayon.

Sana lang ay hindi ko sila mabigo.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon