Kabanata 49

11 3 0
                                    

ROSALINDA

Umiiyak na ko habang nagpupumiglas pa rin sa kaniya. Hanggang sa naramdaman ko na biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Dinilat ko ang aking mata at nagtaka ako nang makitang bumagsak siya bigla sa sahig.

"Rosalinda, ayos ka lang?"

Pakiramdam ko ay natanggal ang libo-libong tinik sa dibdib ko nang makita ko si Denny na nakatayo sa likuran ni Tan na mukhang wala ng malay. Kasama ni Denny si Sierge at sabay silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Denny ang nanginginig kong kamay at inayos niya ang nagusot kong damit na gawa ni Tan.

"Pasensiya na kung ngayon lang kami, Rosalinda." Yumuko si Denny habang tinutulungan akong makatayo.

"Sina Andrei at Eazel, nasaan sila?"

Hindi sumagot sa akin si Denny. Tumingin ako sa direksiyon ni Sierge ngunit nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Magtatanong pa sana ako sa kanila, pero naalala ko ang tungkol sa battery.

Sinamantala ko ang pagkakataon habang wala pang malay ang pinuno. Kinapkapan ko siya at kinuha ko sa dibdib niya ang battery na kaniyang tinatago. Pinakita ko ito sa dalawa kong kasama.

"Ito ba ang battery ng time machine?"

Sabay na nanlaki ang kanilang mata nang masilayan ang pinakita ko.

"Yan nga, Rosalinda. Mabuti naman at hindi na na 'tin kailangan hanapin pa 'yan dito. Mauna kanang umalis, Rosalinda. Kami na ang bahala rito." Lumapit sa akin si Sierge.

Inabot ko ang battery sa kaniya, pero ngumiti lang siya sa akin at ipinatabi ang battery sa aking kamay. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko.

"Huh? Anong mauna ako? Hindi ko kayo maintindihan. Saka nasaan sina Andrei at Ea-"

"Rosalinda! Makinig ka. Hindi naging madali ang pagpunta namin dito. Sa walong pinto ay isa-isa kaming pumasok upang matunton kung nasaan ka at si JR suot ang aming pagbabalat-kayo. Pareho kaming napunta sa pinto na kumukonekta sa lugar na 'to pati na rin sa pinto na kinalalagyan ni JR."

"S-Si JR? Nandito siya? Nasaan na siya?"

"Naghihintay siya sa labas para sa pagdating mo," malungkot akong tinitigan ni Denny.

"Sina Andrei at Eazel, ang huli naming kausap sa kanila gamit ang aming communication device ay napunta sila sa weird na pinto. Naiyak si Eazel at sabi niya ay hindi na raw niya kaya hanggang sa boses na lang ng mga panaghoy sa background ang narinig namin."

Nanlambot ang dalawang tuhod ko sa narinig. Kung gano'n, nandoon kaya sila nang mga panahon na dumaan kami ni Señora Anafe?

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa nalaman. Bakit kailangan mangyari rin sa kanila ang bagay na 'to?

"Si Andrei naman. . . Tinawagan namin siya, pero tanging tunog ng kadena at maingay na chainsaw lang ang narinig namin. Bago mag-end ang line ay narinig pa namin ang sigaw niya."

Para na kong nabingi sa lahat ng narinig ko. Totoo ba 'to? Hindi ba sila nagbibiro? Gusto kong paniwalain ang sarili ko na nanaginip lang ako, pero sobrang sikip ng dibdib ko at para itong tinutusok ng libo-libong kutsilyo.

Gusto ko na lang tumawa ng malakas. Apat na tao na ang mahalaga sa akin ang namatay. Sinong hindi maiiyak do'n?

Naramdaman ko ang pagkapit sa mga kamay ko ni Denny at pilit niya kong pinatayo. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at maging siya ay pinipigilang maiyak sa harapan ko.

"Rosalinda, ayaw ko sabihin ito subalit nakikiusap ako. Wala na tayong oras. Ikaw na lang ang pag-asa para magbalik ang mga buhay na nawala. Pakiusap. . ."

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang paghagulgol ni Denny sa harapan ko. Pakiramdam ko ay napakahina ko para kalimutan ang importansiya ng mission ko.

"Rosalinda, wala na tayong oras. Konting oras na lang at magigising na ang pinuno. Tiyak na parating na rin dito ang mga guwardiya civil na nagbabantay. Kailangan mo ng umalis." Tinulak ako ni Sierge patungo sa bintana.

"What? Paano kayo? Bakit ako lang?" Tumatanggi pa rin ako sa kaniya.

Hindi ko kaya na iwan ang kaibigan na hindi ako kailanman pinabayaan sa bingit ng kamatayan!

Tiningnan ako ng seryoso sa mata ni Sierge. "Rosalinda, kapag nakabalik ka na sa mundo mo ay mabubuhay na kami ng tama."

Umiling-iling ako kay Sierge habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko kayang tingnan sila ng maayos ngayon.

Sa ganitong paraan ba ko mamaalam sa kanila?

"Kailangan namin maging pain, Rosalinda. Kailangan para makatakas kayo ni JR at magamit ninyo ang time machine." Binuksan ni Sierge ang dalawang malaking bintana na nasa aming harapan at pagkatapos ay humarap siyang muli sa akin. "Huwag kang mag-alala sa amin, Rosalinda. May tiwala kami sa 'yo. Ayos lang na mamatay kami dahil batid namin na magiging matagumpay ka sa mission mo." Ngumiti sa akin si Sierge.

Hindi na ko nakailag pa nang itulak niya ko sa bintana.

Ang mukha nina Sierge at Denny na nakangiti sa akin habang lumuluha ang huling nasilayan ko.

"Masaya kaming makilala ka sa aming mundo, Rosalinda."

Wala akong nagawa kundi sumigaw na lamang habang bumabagsak ako sa lupa. Pinikit ko ang aking mga mata. Idinilat ko lang ito nang maramdaman ang malambot na bagay sa aking likod.

Dahan-dahan akong tumayo at nalaman kong nasa taas pala ako ng isang track.

"Rosalinda, naririnig mo ba ko? Si JR ito. Bumababa ka d'yan at lumipat dito sa tabi ko."

Nanginginig pa ang buong katawan ko, pero agad kong sinunod ang sinabi niya. Dahan-dahan akong bumaba sa itaas ng track gamit ang maliit na hagdan. Pagkatapos ay nagpalinga-linga ako sa paligid bago pumasok sa loob. Nakaupo sa driver seat si JR at naupo ako sa tabi niya.

Pagkaupo ko pa lang ay nakita ko na ang mga sugat sa mukha at maging sa katawan ni JR.

"Wala nang mga guwardiya civil dito dahil sumunod na silang lahat sa lugar nina Sierge at Denny upang iligtas ang kanilang pinuno."

Nakatulala lang ako kay JR kaya hindi ko namalayang na siya na pala ang nagsuot ng seatbelt sa akin. Pagkatapos ay sinimulan na niyang paandarin ang makina ng sasakyan.

"Kumapit ka at maging handa sapagkat sa himpapawid ang biyahe na 'tin."

Hindi pa rin ako kumikibo sa kaniya. Naalala ko ang isang pangyayari na nagawa ko siyang paghinalaan at inisip na pinagkaluno niya ko. 'Yon pala ay ako ang talagang may kasalanan dahil nagpaloko ako kay Señora Anafe.

"I'm sorry."

Ito ang unang tinugon ko kay JR ngunit nakakapagtaka dahil sabay naming binigkas ang mga katagang ito.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon