ROSALINDA
Pagkamulat pa lang ng aking mata ay alitan na nina Andrei at Eazel ang nabungaran ko. Nadatnan ko naman si Sierge na kausap si Denny at sa pagitan nila ang isang makapal na libro habang nakaupo sa dalawang magkatapat na sofa. Si JR naman ay printeng nakasandal sa isang mahabang sofa habang nagbabasa ng isang uri ng news paper at nahigop ng isang mainit na kape.
Well, sa tingin ko ay hindi naman alitan ang nagaganap kay Andrei at Eazel kundi asaran lang. Umupo ako sa tabi ni JR. No choice pa dahil wala nang ibang bakanteng upuan.
"Rosalinda, magandang umaga sa 'yo. Wala muna tayong pagsasanay ngayon kaya malaya kang gawin ang mga bagay na nais mo."
Si Sierge ang unang nakapansin sa akin ng mabaling sa akin ang atensiyon niya.
Ngumiti ako pabalik kay Sierge. "Sige. Maraming salamat."
Parang umaliwalas agad ang pakiramdam ko ng marinig ang sinabi niya.
Masakit ang mga katawan ko dahil sa pagsasanay na ginagawa namin at dahil sa narinig ko ay parang gusto ko na lang na humiga magdamag sa kama, pero ayaw ko naman sayangin ang oras ko sa kakahiga lang. Saan naman kaya ako pupunta ngayong araw?
Sa sobrang lalim ng naisip ko ay hindi ko namalayang dinala na ko ng mga paa ko sa labas ng hideout namin.
Kung sabagay, hindi naman ako totally makakapante at makakapag-relax kung nakikita ko ang JR na 'yon. Paulit-ulit ko lang maaalala ang litratong nakita ko mula sa kaniya at paulit-ulit ko lang aalalahanin ang tungkol doon.
Huminto ako saglit sa paglalakad dahil mukhang malayo-layo na yata ang nalalakad ko. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Kumpara sa bench na madalas kong pagtambayan sa lugar na 'to, mukha yatang wala mas'yadong tao rito. Imbis na pagre-relax ay para yatang nakaramdam ako ng takot sa lugar na 'to.
Napaatras ako ng isang hakbang nang makakita pa ko ng isang parte ng lugar kung saan kailanman ay hindi na yata maaabot ng liwanag dahil sa sobrang dilim.
Sa pag-atras ko ay may kung ano akong nabangga sa likuran ko. Bumangon ang kaba sa aking dibdib, pero nilakasan ko ang aking loob upang lumingon at tingnan ang nabangga ko. Sa aking pagharap ay mas lalong hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Nakahinga ako ng maluwag bago muling binalot ng pag-aalala ang dibdib ko. "Señora Anafe?"
Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mga mata niya ang pagod, takot at pagdurusa.
Ano. . . Bakit. . . Paano siya napunta rito? Ang importante sa lahat, anong nangyari sa kaniya pagkatapos ng pinaka huli naming pagkikita?
Bumalik sa reyalidad ang utak ko nang hawakan niya ang aking kamay at malungkot akong tinitigan.
"Binibining Rosalinda."
Nabigla ako ng yakapin niya ko ng mahigpit at umiyak siya sa balikat ko.
"Mabuti naman at ayos ka lang. Mabuti naman at buhay ka pa."
Naging weird ang pakiramdam ko nang marinig ang huli niyang sinabi, pero nangingibabaw ang awa at pag-aalalang nararamdaman ko sa kaniya.
"Señora, akala ko may nangyaring masama sa 'yo. Masaya ako dahil mukhang ayos ka lang."
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at muli akong tinitigan sa aking mga mata. Ilang segundo ring tumagal ang aming pagtitigan.
"Ayos lang, Señora. Alam ko kung bakit gumulo rin ang buhay mo. Kasalanan ko. Dahil sa akin kaya pati ikaw ay hinahabol at pinaghahanap na rin ng gobyerno."
Tumulo ang luha ni Señora dahil sa sinabi ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilty.
"Binibining Rosalinda, iyong bagay na binigay ko ay nasa iyo pa, hindi ba?"
Naalala ko agad ang mentos na binigay ni Señora dahil sa sinabi niya.
"Pakiusap, huwag mong iwawala sa tabi mo 'yon."
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit kaya? May super power kayang idudulot 'yon katulad ni Darna na nilulunok ang bato?
Tumigil ako sa pag-iisip nang matanaw ko ang aking mga kasama na patungo ngayon sa aking direksiyon. Nang makalapit na sila sa akin ay isang ngiti agad ang binigay nila sa akin puwera kay JR na wala pa ring pinagbago ang mukha.
"Rosalinda, anong ginagawa mo sa lugar na 'to? Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin kung napaano ka na." Naglakad si Denny at tumabi sa bandang kanan ko.
Ngumiti ako sa kaniya pabalik bago sinagot ang kaniyang katanungan. "Nakita ko si Señora. Masaya ako at ligtas siya. Nakaligtas siya sa mga kamay ng gobyerno. Ito nga siya e."
Lumingon ako sa direksiyon ni Señora Anafe, pero napakunot ang noo ko nang makitang wala na siya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero wala na kong ni bakas ni Señora Anafe na nakita.
Muli akong lumingon sa mga kasama ko at nag-aalangan akong ngumiti sa kanila.
"N-Nawala yata siya."
Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila.
"Rosalinda, sino bang Señora ang sinasabi mo?"
Nakaramdam ako ng kilabot sa kakaibang tono ng pananalita ni Eazel. Parang. . . Para kasing pinaparating niya na baka isang multo ang nakausap ko kanina.
Waah! Hanggang sa taong thirty one hundred, may multo pa rin ba? Pero, wala naman akong third eye e. Hindi ko na tuloy alam kung anong iisipin at paniniwalaan ko.
Señora Anafe, nasaan ka na ba nagpunta?
"A, ang señora na tinutukoy ko ay si Señora Anafe. Siya ang tumulong sa akin nang una akong mapadpad sa mundong ito. Hindi n'yo ba siya nakikilala?"
Sabay-sabay silang umiling sa tanong ko.
"Ewan ko kung bakit siya nawala, pero nag-aalala talaga ako sa kalagayan niya. Masuwerte ako dahil may mga kasama akong katulad n'yo, pero paano naman ang kagaya niya? Hindi ko alam kung kanino siya hihingi ng tulong o may mahihingian ba siya, pero sana ay maging ligtas siya." Halos mapaupo na ko sa lupa dahil sa mga naiisip kong maaaring kahihinatnan ni Señora Anafe.
"Rosalinda, patawad. Ang Señora na sinasabi mo ay sinabi mong nanggaling sa pekeng mundo, hindi ba? Kung gano'n ay paano? Paano siya nakapunta sa lugar na 'to? Isa pa, napaka lawak ng mundo. Paano siya nakapasok sa karagatan ng walang gamit na sasakyang katulad ng sa amin?"
Parang binuhusan ng isang malamig na tubig ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi ni Andrei. Maging ako ay naiwang tulala habang iniisip ang ilang mga posibleng scenerio.
May point ang sinabi ni Andrei. Isa nga namang pribadong mundo ito kaya paano?
Waah! Masisiraan na yata ako ng ulo. Hindi kaya isang kaluluwa nga ang nagpakita sa akin?
Hindi maaari!
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...