Rosalinda's POV.
Tumaas ang kilay ko nang lumapit pa sa akin 'yong lalakeng tinawag na Andrei ng babae.
"Ako si Andrei Rosales." Inabot nito ang kamay niya sa akin.
Naguguluhan man ay inabot ko na rin 'yong kamay niya habang nakatingin sa apat niya pang kasamahan na isa-isa na ring tumatayo.
Lumapit 'yong apat sa amin sakto sa pagbitaw ko ng kamay kay Andrei.
"Kumusta? Ako si Denny Rose Binalay," pakilala ng babae na nakahalumbaba kanina.
Ang galing nga eh. Parang girl version siya ni Andrei dahil sa lawak ng ngiti niya. Mahaba at tuwid ang kaniyang buhok. Matangkad siya at morena ang kulay ng balat niya na bumagay sa kaniyang bilog na mukha.
Inabot niya rin ang kamay niya upang makipagkamay din sa akin. Inabot ko rin naman ito.
"Ako naman si Sierge Gonzales. Kinagagalak kong makilala ka."
Lumapit sa akin 'yong lalakeng may hawak na kubyertos kanina.
Nakipag-kamay din siya sa akin. May suot siyang malaking salamin at med'yo kulot ang buhok niya, pero may hitsura naman siya.
"Pasensiya ka na talaga kay Andrei ha? Ako nga pala si Eezel Vern Garcia."
Hindi inabot nito ang kamay niya kaya tumango na lang ako sa kaniya. Kumpara kay Denny Rose, lagpas kili-kili ang buhok nito at kulot ito pagdating sa pinakababa. Med'yo may kaputian siya at may bangs siya na tumatakip sa kaniyang noo. Bilugan din ang mukha niya at mayroon siyang matangos na maliit na ilong.
Napanguso si Andrei sa sinabi ni Eazel.
"Gusto ko lang naman kasi na makilala na niya tayo at makausap na siya," parang batang katwiran ni Andrei kay Eazel at saka pinagkrus ang dalawang kamay niya bago inirapan ang dalaga.
Tiningnan ko 'yong lalake na hindi pa rin nagpapakilala hanggang ngayon. 'Yong nakapamulsa lang kanina.
"Tara na at baka kung ano pa ang masabi ni Andrei sa babae na 'yan." Sinamaan ako ng tingin ng lalake bago niya ko tinalikuran.
Anong ginawa ko doon? Nakakaasar naman ang ugali niya, pero kahit gano'n ay hindi ko maitatangging sa kaniya napako ang paningin ko kanina.
Ang astig kasi ng bawat galaw o kilos niya at sa kanilang tatlo ng lalakeng kasama niya, napaka amo ng mukha niya at parang lahat ng babaeng mapapatingin sa kaniya ay mabibihag niya.
Pangit lang ng ugali. Tss. Sumunod na 'yong tatlo sa lalakeng masungit pagkatapos ako nginitian bilang pamamaalam. Nagpaiwan naman itong si Andrei.
"Pasensiya ka na kay Rhay. Ganyan lang 'yan, pero mabait 'yan. Paalam!" Tumalikod na rin sa akin si Andrei at ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay muli siyang huminto at humarap sa akin. "Alagaan mo ang sarili mo hangga't maaari. Paalam hanggang sa muling pagkikita na 'tin!" Ngumiti siya sa akin at tuluyan na kong iniwang naguguluhan pa rin hanggang ngayon.
Nakakagulat dahil ngayon lang ako nakatagpo ng mga taong kagaya nila sa panahong ito. Ano kaya ang ibigsabihin ni Andrei sa huli niyang sinabi? Pati na rin kung bakit gusto niya na makilala ko sila?
At ang pinaka nagpa-kaba sa dibdib ko at nagpataas ng aking balahibo, 'yong mahawakan ko ang kamay nila. . . mainit ang naramdaman ko, hindi katulad nina Eduard at Rhean.
Teka, sandali. Ngayon na nabanggit ko sina Rhean at Eduard, nasaan na ang dalawang 'yon?
Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero ni anino nila ay hindi ko na makita.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Iniwan na naman ako ng dalawang 'yon!
*
Pagkadating ko sa aming kuwarto ay nakasimangot akong umupo sa aking kama. Kaya lang, naalala kong balewala kung magtatampo o maggagalit-galitan ako sa dalawa kong kasama kasi nga wala naman silang pakialam. Kaya nakanguso na lang akong lumingon sa dalawa.
Nakita ko si Eduard na may hawak na namang folder at tinitingnan ito habang si Rhean ay may hawak na abaniko at nakatulala rito. Lumingon siya sa direksyon ko nang maramdaman niya ang pagtitig ko sa kaniya.
Gumapang na naman ang kaba sa sistema ko nang makita ang walang expression niyang mukha.
Hala! Naalala ko, may mga sinabi nga pala ako kanina. Waah! Baka galit na rin sina Eduard at Rhean sa akin. Baka maisipan na nila kong patayin ngayon. Waah! Kumpara sa kanila ay mahal ko ang buhay ko no!
"Binibining Rosalinda, halika at maupo ka sa aking kama."
Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita si Rhean, pero ang mas lalong nagpatigil sa akin ay ang pagngiti niya. Kinakabahan akong umiling sa kaniyang sinabi.
Gustuhin ko mang matuwa sa pagngiti at sa kakaibang kilos ngayon ni Rhean ay hindi ko magawa. Mas natatakot pa nga ko ngayon dahil baka kung anong gawin niya kapag lumapit at umupo ako sa tabi niya.
Nawala ang ngiti ni Rhean at napakunot-noo siya nang makita ang pag-iling ko. Waah! Yan na. Ama ng may kapal, ikaw na po ang bahala sa akin!
"Bakit? May nais akong sabihin sa 'yo, Binibining Rosalinda. Kaya lumapit ka na rito." Itinuro pa ni Rhean ang tabi niya at muling ngumiti sa akin.
Umiling ulit ako. Nakakapang-duda ang ngiti na 'yan, Rhean!
"Binibining Rhean, balak mo na ba kong balatan ng buhay? Waah! Paumanhin, hindi na talaga ko mangungulit sa inyo ni Eduard!" Nagkrus pa ko at tinuro ang aking puso para malaman niyang nagsasabi ako ng totoo.
Hindi ko alam kung ano ng ginagawa ni Eduard dahil nakatalikod ako sa kaniya, saka hindi rin naman siya nagsasalita. Tiningnan ko si Rhean at nagulat ako sa bigla niyang pagtawa.
Nanlaki ang mata ko at parang huminto ang oras kasi 'yong tono ng tawa niya ay walang nababakas na huwad. Totoo talaga at ang sarap pakinggan sa tainga ng tawa niya.
Si Rhean ba talaga 'to?
"Kung saan-saan talaga umaabot ang imahinasyon mo, Binibining Rosalinda. Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa 'yo. Maupo ka rito dahil may nais akong sabihin sa 'yo." Muli siyang ngumiti sa akin.
"Talaga? Mamatay ka man? Itaga mo man sa bato?" Tinitigan ko siya ng may pagdududa, pero muli lang siyang ngumiti sa akin.
Hala! Napapadalas na ang pagngiti niya. Ang galing!
"Mamatay man ako at itaga ko man sa batong sinasabi mo."
Nakahinga ako ng maluwag sa pinahayag niya. Akala ko talaga katapusan ko na. Ngumiti na rin ako sa kaniya at saka tumayo na at nagtungo sa kaniyang kama. Umupo ako sa kaniyang tabi katulad ng nais niya.
"Rosalinda, may nais muna akong malaman bago ko sabihin ang nais kong sabihin."
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag niya ako sa aking pangalan lang kaya nalalaman kong seryoso siya sa kaniyang sinambit.
Tumango na lang ako sa kanya.
"Talaga bang nakakaramdam ka ng saya kapag nagmamahal ka?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya, pero hindi ko 'yon pinahalata. Tumango ulit ako sa kaniya nang may ngiti sa aking labi.
"Kung gano'n, Rosalinda. Tulungan mo ko kung paano maging isang tunay na tao. Tulungan mo ko kung paano magmahal."
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...