Kabanata 35

10 2 0
                                    

ROSALINDA

Sa tinagal-tagal ng nilakad namin ay sa wakas, narating na rin namin ang lugar na pinuntahan namin.

Halos sumakit na nga ang paa ko kakalakad kanina pa. Akala ko tuloy ay nililigaw na ko ng mga kasama ko.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking sasakyan na kahawig ng isang undefine flying object or UFO kung tawagin sa pinanggalingan ko.

Hala! Bakit mayroong ganito rito? Nabigyang linaw na ba ang mga kuwentong alien sa panahon na 'to?

"Rosalinda, alam mo ba kung anong tawag d'yan?"

Lumingon ako sa nagsalitang si Andrei. Naguguluhan ko siyang tinitigan. "UFO ang tawag sa bagay na 'yan, hindi ba?"

Mas lalong napakunot ang noo ko nang makita ang nagpipigil nilang tawa.

"Tss. Paano mo nasabing UFO ang tawag sa bagay na 'yan?" masungit na tanong sa akin ni JR.

"Kilala ang bagay na 'yan sa lugar namin bilang UFO. Bakit, hindi ba?"

Umiling sa akin si Eazel. "Time machine ang tawag d'yan, Rosalinda."

Ngumiti sa akin si Denny at naglakad palapit sa time machine na tinutukoy nila.

Time machine?

Nanlaki ang dalawang mata ko nang may maunawaan. Time machine ba talaga ang ibigsabihin nila?

"Duss Time Machine ang tawag sa bagay na 'yan dahil ang nakaimbento niyan ay nagngangalang Arthur Duss na mula sa bansang Cambodia." Naglakad palapit si Andrei sa time machine at tila may hinawakan sa harapan nito.

Sobrang laki talaga niya. Siguro mas maliit lang siya ng kaonti sa eroplano. Tulad ng karaniwang hugis ng UFO na tinatawag ay gano'n din ang hugis nito.

"Ito. . . Ito ang ginamit namin upang mapapunta ka sa panahon na ito kahit hindi namin sigurado kung saang panig ng mundo ka babagsak pagkadating dito," paliwanag pa ni Andrei.

Lumapit ako sa kanila at humarap sa aking mga kasama na kasalukuyang nakatingin sa time machine.

"Kung gano'n ay 'yan din ang gagamitin ninyo para makabalik na ko sa taon ko? Gawin na ninyo, pakiusap."

Nabaling ang paningin nila sa akin at malungkot nila kong nginitian.

"Patawad, pero hindi pa maaari sa ngayon. Nakuha kasi ng pamahalaan ang ginamit naming battery para mapagana ang bagay na 'to."

Parang biglang nanlambot ang dalawang tuhod ko dahil sa sinabi ni Sierge. Ibigsabihin ba ay kailangan pa naming kalabanin ang pamahalaang sinasabi nila bago makuha ang battery na magpapabalik sa akin sa mundong pinanggalingan ko?

Namayani ang panandaliang katahimikan sa buong paligid.

"Makakaya ba na 'tin? Ang pamahalaan ay. . ."

Nangangatal na pati bibig ko dahil sa takot na nararamdaman.

Sa tingin ko, hindi lang pamahalaan ang kakalabanin namin kung sakali dahil tiyak na buong mundo ang kakalabanin namin bago makuha ang battery.

"Rosalinda, inaamin namin na mahirap ang dadanasin na 'tin para lang makuha ang battery lalo na at wala ng tinatawag na privacy ang mundo ngayon. Kontrolado at nakikita na ng gobyerno ang lahat ng nangyayari sa mundo ngunit ito lang tanging paraan upang makabalik ka sa mundo mo at mabago ang mundo namin dito." Tinitigan ako ni Andrei. Nagsusumamo ang kislap ng kaniyang mga mata.

"At para tumaas ang chance na 'tin na makuha ang battery sa kamay ng gobyerno, kailangan na 'ting magsagawa ng isang plano."

"At ano naman ito, Eazel?"

"Una, kailangan na 'ting alamin kung nasaan nila nilagay ang battery. Magtatago o magbabalat-kayo muna tayo habang nangangalap ng impormasyon sa paligid ng gobyerno."

Si Denny ang sumagot sa katanungan ko.

"Pangalawa, kapag alam na na 'tin ang lokasyon ng battery ay subukan na 'ting makuha ito nang hindi gumagamit ng armas sa gobyerno. Hangga't maaari ay iwasan na 'ting makipaglaban upang hindi nila tayo matunugan at isa pa, alam naman na 'ting lahat na lubhang malakas ang gobyerno. Hindi na 'tin sila kakayanin ng tayo lang," paliwanag naman ni Sierge.

"Tsk. Tama ka, Sierge. Saka may isang importanteng lampa tayong kasama. Baka siya pa ang maging dahilan para hindi na 'tin magawa ang ating plano."

Nag-init na naman ang ulo ko dahil sa sinabi ni JR. Minsan na nga lang siya magsasalita ay pinapainit niya pa ang ulo ko at iniinsulto niya pa ko. Ibang klase talaga siyang tao. Tsk.

Magsasalita na sana ako upang depensahan ang aking sarili, pero naunahan ako ni Andrei.

"Tumigil ka muna, JR pakiusap. Tuturuan na 'tin si Rosalinda kung paano makipaglaban upang nang sa gano'n ay kaya rin niyang depensahan ang sarili niya."

"At sino naman ang gagawa ng bagay na 'yan, Andrei?"

Dahil sa tanong ni JR, nagsitingin ang lahat puwera sa akin sa direksiyon niya. Napakunot ang noo ni JR dahil dito. Maging ako ay nagsalubong na ang dalawa kong kilay dahil sa kanila.

"Tutal malakas ka naman at hindi lampa, JR. Ikaw na lang ang magsanay sa kaniya."

"Hindi p'wede, Andrei!" Sabay kaming sumigaw ni JR.

Tsk. Gaya-gaya pa ang isang 'to. Nakita ko ang nagpipigil na tawa ng mga kasamahan namin.

"Tss. Ayo'ko. May gagawin ako. Makaalis na nga." Tumalikod na sa amin si JR at naglakad na palayo.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumuhos na ang tawanan ng mga kasama ko. Pinangliitin ko sila ng mata.

"Ang bilis talaga maasar ng tao na 'yon sa mga biro na 'tin. Hahaha."

"Huwag kang mag-alala, Rosalinda. Hindi si JR ang magtuturo sa 'yo para sa pagdepensa sa sarili mo. Baka iba pa ang ituro no'n sa 'yo eh. Ako na lang." Ngumiti sa akin si Andrei.

"Ano kamo? Ikaw ang magtuturo kay Rosalinda? Baka naman puro kapalpakan ang ituro mo sa kaniya," apila ni Eazel dito.

Ngumuso si Andrei dahil sa sinabi ni Eazel, pero mas lalo lamang siyang inaasar nito.

"Si Sierge na lang. Mas seryoso pa siya kaysa sa 'yo, Andrei. Hahaha."

"Tss. Hmp. Sige. Siya na lang."

Napaturo si Sierge sa sarili niya. "Ako? Sigurado ba kayo riyan?"

Tumango ang lahat puwera sa 'kin bilang tugon sa tanong niya. Napakamot si Sierge sa kaniyang batok at nahihiyang ngumiti sa akin.

"Oh, sige. Ako na lang ang magtuturo sa 'yo, Rosalinda."

"Maraming salamat." Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

Mas gusto ko pa siya ang magturo kaysa sa JR na 'yon. Tsk.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon