Kabanata 46

11 3 0
                                    

ROSALINDA

Huminto ang sinasakyan naming manhole sa gitna ng isang kulay puti na parang stage. Nakapalibot sa amin ang walong pintuan. Pumasok kami sa kulay puti na may mahabang kulay pula sa ibaba ng pinto. Pagkapasok namin sa loob ay tila napunta kami sa napakataas na building.

Naglakad kami at lumiko sa kanan. Pagkatapos ay huminto kami sa pinaka unang kuwarto na nakita namin. Mula roon ay tinulak ako ng mga guwardiya civil papasok ng kuwarto at kinandado nila ang pinto upang hindi ako makalabas. Tinanggal muna nila ang lahat ng tali sa kamay at katawan ko bago nila ko tuluyang iniwan.

Umiiyak kong kinalampag ang pinto at sumigaw upang humingi ng tulong ngunit wala ni yabag ng tao ang nagtungo sa kinalalagyan ko upang ako ay tulungan.

Umupo na lamang ako sa sahig at humagulgol ng iyak.

Gusto ko ng bumalik sa mundo ko. Ayaw ko ng maranasan ang mas malalang bagay na nararanasan ko rito kaysa sa panahon na pinanggalingan ko.

Sana ito na ang oras para ibalik ako sa aking panahon o magising ako sa isang mahabang bangungot. Ito ang mga oras na nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali sa panahon ko at ang nais ko na lang ay magising sa pagkakahimlay.

Sa sobrang sama ng kalagayan ko ay nais ko na lang humanap ng paraan para makaalis sa kinalalagyan ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid. Mukhang bodega ang tamang maitatawag ko sa lugar na kinalalagyan ko.

Puno ng karton ang paligid. Kahit walang ilaw na nagbibigay liwanag sa akin ay nakakakita pa rin ako dahil sa liwanag ng araw na nanggagaling sa maliit na bintana. Sa liit nito ay parang kamay ko lang ang maaaring magkasiya.

Wala akong nakita na kahit anong bagay na maaari kong tuntungan para makasilip sa bintana. Dahil sa idea na high technology na nga pala ang mga tao sa panahon ngayon ay naisipan kong katukin na  lang ang apat na sulok ng pader. Nagbabakasakali akong may lihim na labasan sa kuwartong pinagbagsakan ko.

Pagkatapos kong katukin ng ilang ulit ang magkabilang gilid ng pader ng kuwarto ay lumipat naman ako sa likod. Kinailangan ko pang ibaba ng isa-isa ang bawat kahon para mahawakan ang pader. Buti na nga lang at magaan ang mga kahon ng karton dahil wala itong mga laman.

Huminto ako sa ginagawa ko ng bigla na lang bumukas ang kuwarto na kinalalagyan ko. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Señora Anafe.

Naglakad ako sa kaniya at sumilip sa kaniyang likod kung may kasama siyang mga guwardiya civil, pero napakunot ang noo ko nang makumpirma kong siya lang mag-isa.

"Señora Anafe, paano? Napakadaming bantay sa lugar na 'to at napakahirap mapasok kaya paano mo natunton ang kinalalagyan ko ng mag-isa ka lang?"

Ngumiti sa akin si Señora Anafe sa halip na sagutin ang katanungan ko. Pumasok siya sa loob at nilagpasan niya ko bago siya muling humarap sa direksiyon ko.

"Simple lang, Rosalinda. Ginamit ko lang naman ang bagay na binigay ko sa 'yo."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pinahiwatig niya. Hanggang sa bumalik sa aking alaala ang tila isang mentos na binigay niya sa akin.

Nanghihina akong napaatras palayo kay Señora Anafe. Naguguluhan at umiiling ko siyang tinitigan.

"K-kalaban. . . Nandito ka ba para iligtas ako o-"

"Tama. Nandito ako para sabihin sa iyo ang sekreto ko. Med'yo nag-guilty kasi ako sa ginawa ko sa 'yo, Rosalinda."

Patuloy pa rin ang pag-atras ko kay Señora Anafe habang siya naman ay patuloy na lumalapit sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa Señora Anafe na kaharap ko ngayon.

"Bakit ka naatras sa akin, Rosalinda? Nais ko lang naman ibulong sa 'yo na. . . tama. Isa ako sa mga importanteng tao ngayon sa mundo. Ako ang nakakaalam sa tunay na wangis ng pinuno at ako ang namamahala sa pekeng mundo na una mong nasilayan." Isang nakakakilabot na ngiti ang binigay sa akin ni Señora Anafe.

"H-Hindi ako naniniwala. Señora Anafe, sabihin mo? May ginawa bang masama sa 'yo ang gobyerno? Nagtanong ba sila ng kung ano sa sistema mo?"

Napuno ang buong kuwarto ng isang malakas na halakhak ni Señora Anafe.

"Rosalinda, sa umpisa pa lang ay batid ko nang parating ang gaya mo sa mundong ito dahil sa grupo ng mga rebelde. Tsk. Kaya nga inutusan ko ang mga robot ko na i-welcome ka. Pinapunta ka nila sa puder ko, hindi ba? Ang bagay na binigay ko sa iyo ay para marinig o malaman ko ang lahat ng plano at balak mo, at para masundan ko lagi ang lugar na kinalalagyan mo."

Nabitawan ko ang mentos na lagi kong dala-dala sa aking palad nang marinig ang sinabi ni Señora Anafe.

Kung gano'n ay hindi si JR ang dahilan kaya nahuli kami ng mga guwardiya civil? Kasalanan ko?

Kasalanan ko ang lahat. . .

Sa panghihina dahil sa mga nalaman ay napaluhod na lang ako. Hindi ko alam kung dapat pa ba kong mabuhay sa mundo dahil sa laki ng pagkakamali ko.

Nakangiting lumapit sa akin si Señora Anafe at marahas na hinawakan ang buhok ko sa anit ng aking ulo kaya napasigaw ako sa sakit.

"Get up, little girl. May mission pa kong dalhin ka ng buhay sa harapan ng pinuno ngunit kung magiging makulit ka ay hindi ko alam kung buhay pa kitang madadala." Tumawa na naman ng malakas si Señora habang hawak pa rin ang buhok ko.

"Ah! Bitiwan mo ko! Ano ba ang ginawa ninyo sa mundo at naging ganito ang sistema?!"

Nakatikim ako ng isang malakas na sampal mula sa kaniya. Sa lakas nito ay parang bumakat na ang kamay niya sa pisngi ko. Parang natanggal din ang ilang balat ng pisngi ko dahil sa lakas.

Hindi ko akalain na ang babae na pinapanalangin ko tuwing gabi na sana ay nasa maayos na kalagayan ay siya pa lang dapat kong katakutan.

"Say one more bad words about us and I will cut your tounge," banta pa nito sa akin bago ako iniwan sa loob ng kuwarto at kinandado muli ang pinto.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon