ROSALINDA
"Sa aking panimula, nais kong sabihin sa iyo na hindi totoo na nawalan ako ng alaala. Ang totoo n'yan ay marami talaga kong bagay na hindi alam sa mundo n'yo at 'yon ay dahil hindi ako taga-rito sa mundong ito, sa panahon na ito. Ako ay naiiba sa lahat, Ginoong Eduard."
Huminto muna ako sa pagsasalita at tumingin sa kaniya upang makita ang kaniyang reaksiyon sa sinabi ko.
Katulad ng inaasahan ko ay nagsalubong ang dalawang kilay ni Eduard sa sinabi ko at naguluhan sa aking pinaliwanag.
"Paumanhin, Binibini ngunit hindi ko maunawaan ang iyong tinuran. Maari mo bang ipaliwanag sa akin ito ng mas malinaw?"
Tumango ako sa kaniya at pinagpatuloy ang aking pagsasalita.
"Ginoo, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Ako. . . Ako si Rosalinda Delfin ay nagmula ako sa taong twenty-twenty. Hindi ako nagmula sa panahon na ito."
Tinitigan ko si Eduard sa kaniyang mga mata at mababakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa sinabi ko.
Sino bang hindi magugulat kung may makakausap kang tao na nagsasabing hindi siya taga-rito sa panahon na ito? Gano'n pa man ay pinagpatuloy ko ang aking kuwento.
"Alam kong hindi kapani-paniwala ang aking kuwento. Ganito rin ako nang una akong mapadpad sa lugar na ito. Ilang tao pa ang tinanungan ko, napagkamalan akong baliw bago ko nakumbinsi at napaniwala ang sarili ko na wala na nga ako sa panahon na kinabibilangan ko."
Tumulo ang isang masaganang luha sa aking pisngi. Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay.
"Natakot ako. Takot na takot ako noon dahil hindi ko alam kung paano makakabalik sa sarili kong panahon. Natatakot ako na kapag may pinagsabihan ako ng tungkol dito ay kung ano ang gawin n'yo sa akin. Kaya minabuti kong itago ang lahat, pati na rin ang tungkol sa totoo kong nararamdaman."
Huminto ako saglit sa pananalita at inalala ang lahat ng naging karanasan ko sa panahong ito.
"May mga pagkakataon na magtutungo ako sa banyo para lang ilabas ang aking luha na pinakatago-tago ko. Mahirap. Mahirap makaramdam na tila nag-iisa lang ako, na tila walang nakakaintindi sa akin kundi sarili ko lang."
Tumigil ako sa pagsasalita nang hawakan ni Eduard ang kanang palad ko.
Tumingin ako sa kaniya at isang ngiti ang binigay niya sa akin.
"Hindi ka na nag-iisa ngayon, Binibining Rosalinda. Sapagkat alam ko na rin ang tungkol sa pagkatao mo. Sige, ipagpatuloy mo ang iyong kuwento."
Napangiti ako sa sinabi ni Eduard. Hindi ako nagkamali sa pagtitiwala ko sa kaniya. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya, pero pinigilan ko ang aking sarili.
Isa akong tao at alam ko ang kahihinatnan ni Eduard kapag lumalim pa ang relasyon na mayroon kami ngayon. Ayaw kong mangyari ang kinahinatnan ni Rhean sa kaniya. Ayaw ko na ulit makakita ng taong malapit sa akin na namamatay sa aking harapan.
"Katulad ng aking tinuran, maraming mga bagay ang pinagkaiba sa mundong ito kumpara sa mundong kinalakihan ko. Una na rito ang transportasyon na ginagamit para makapunta sa iba't-ibang parte ng lugar. May pang-himpapawid, pang-dagat, at pang-lupa. Iba't-iba rin ang namumuno sa bawat bansa at kontinente. May iba't-ibang patakaran bawat bansa at kahit kailan ay hindi roon ipinag-bawal ang magmahal. Iniingatan at ginagalang din ng mga kalalakihan ang puri ng mga kababaihan. Nakakalungkot lang dahil ito pala ang mga eksenang mangyayari pagkalipas ng ilang siglo. Hindi n'yo naman magiging kasalanan 'yon. Kasalanan namin ng nakaraan sapagkat nakalimutan naming pahalagahan ang mga magagandang bagay na mayroon kami."
Nabaling ang tingin ko sa kamay ni Eduard na hawak pa rin ang kamay ko hanggang ngayon.
Pasimple ko ngang tinatanggal, pero hinahawakan pa ito ng mahigpit ni Eduard tuwing susubukan ko. Hindi ko magawang magtanong o magsalita kay Eduard tungkol dito dahil pinapangunahan ako ng mabilis na pintig ng aking puso.
"Ngayon nauunawaan mo na, Ginoo? Naiiba ako sa inyo dahil hindi talaga ako taga-rito sa inyong panahon. Hindi ko alam kung anong naganap sa paglipas ng panahon, pero nababatid ko na kailangan kong bumalik sa aking panahon at balaan sila sa maaaring mangyari upang mabago ang hinaharap."
Natigilan si Eduard sa pinahiwatig ko at dahil doon ay nabitiwan niya na ang palad ko.
"Tama. Kung mababago ko ang nakaraan ay posible pang mabago ko rin ang kahihinatnan ni Rhean."
Nakaramdam ako ng kagalakan sa aking naisip.
Samantala, nahinto ang pag-uusap namin ni Eduard nang makarinig kami ng mga yabag sa ibaba mismo ng puno na kinalalagyan namin ngayon.
"Narinig mo ba 'yon? Parang may boses ng tao."
"Hindi. Baka guni-guni mo lang? Imposibleng magkaroon ng tao dito. Hahaha."
Nagkatinginan kami ni Eduard at pareho kaming hindi nagsalita o kumilos na maaaring makakapag-bigay ng ingay at makakapagturo sa kinalalagyan namin ngayon.
*
Someone's POV.
Hindi ko alam kung ilang beses na kong nagpalakad-lakad sa aming hide-out habang nakahawak sa aking baba at nag-iisip ng malalim. Nang mapagod ako ay huminto muna ako sa harapan ni JR.
"Hindi ba na 'tin siya tutulungan? Kailangan na 'tin siyang tulungan bago pa na 'tin siya maabutang bangkay na lang. Masasayang ang pinaghirapan na 'tin kapag nagkataon."
"Kumalma ka lang, Andrei. Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos. Maraming guwardiya civil ang nagkalat sa kinalalagyan niya. Mas lalo tayong madedehado kung pati tayo ay mahuhuli nila." Inirapan ako ni Eazel pagkatapos niyang magsalita.
Gusto ko sanang makipagtalo sa kaniya katulad ng lagi naming ginagawa, pero wala ako sa mood dahil sa pag-aalala ko.
"Paano pa na 'tin mababago ang panahon na mayroon tayo kung mawawala siya?" bulong ko na lang.
Nag-aalala talaga ako para kay Rosalinda. Hindi siya p'wedeng mapahamak dahil kailangan pa namin siya. Hindi p'wede dahil may malaking gampanin pa siyang gagawin sa magulo naming mundo.
"Tss. I told you that we're going to fail in the end. Why don't you listen to me? Hindi dapat tayo umaasa sa taong galing sa past. Their brain is more useless than to all of us. Mas sasakit lang ang ulo na 'tin."
Hindi kami nakapag-komento sa pahayag ni JR dahil batid namin na may tama siya sa kaniyang sinabi.
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...