Kabanata 6

29 4 0
                                    

Rosalinda's POV.

Nandito kami sa opisina ni Señora Anafe kung saan niya ko dinala nang unang araw ko pa lang dito. Hinihintay pa namin nina Eduard at Rhean dumating si Señora Anafe.

Nabanggit sa akin kanina nina Rhean at Eduard na iba-iba raw ang trabahong binibigay sa kanila ni Señora Anafe kada-araw. Wala naman daw akong dapat ipag-alala dahil magagaan lang naman daw ang inaatas sa kanila at hindi naman daw ito delikado para maging babala sa buhay ko.

Pero, hindi naman tungkol sa trabaho ang bumabagabag sa isipan ko ngayon kundi tungkol sa huli naming pag-uusap.

Dalawang bagay ang nabanggit ko sa kanila noon at ang dalawang bagay na 'yon ay napaka imposible para sabihin nilang hindi nila alam ang tungkol doon.

Magulang at eskwelahan. . .

Unang-una sa lahat, hindi tayo mabubuhay kung wala tayong magulang, 'di ba? Tapos 'yong eskwelahan. Paano sila natuto sa mga bagay-bagay kung hindi sila napasok sa eskwelahan at hindi nila alam ang eskwelahan?

Nakakapagtaka talaga ang mundong ito. Nasa planetang Earth ba talaga ko? O nasa planetang Mars talaga ko ngayon?

Hala! Posible siguro dahil baka lumobo na ang populasyon sa planetang Earth at tinapon na kami sa mundong ito.

Napahawak ako sa aking bibig at napatingin sa dalawang katabi ko na nakakunot-noo na naman sa akin ngayon.

"Sabihin ninyo, binibining Rhean at ginoong Eduard. Nasa planetang Mars ba tayo? Kaya ba ang daming pinagkaiba ng pamamahala rito sa mundong ito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Ano na naman ba 'yang kalokohan mo, binibining Rosalinda?" inis na usal sa akin ni Eduard sabay irap sa akin.

"Binibini, para sabihin ko sa 'yo ay nasa planetang Earth pa rin naman tayo." Bumuntong hininga sa akin si Rhean pagkatapos niya sagutin ang tanong ko.

"Gano'n ba? Hehe. Nagbibiro lang ako sa aking inusal. Ipagpaumanhin n'yo sana ang aking inasal, pero mayroon sana akong katanungan sa inyo. Kung hindi n'yo nga alam ang tungkol sa magulang ay paano pala kayo sinilang? Ang ibig kong sabihin ay paano kayo naging tao?"

Tumingin ako kay Rhean upang siya ang sumagot sa tanong ko. Kumpara kasi kay Eduard, siya lang naman ang laging sumasagot sa akin ng matino.

Katulad nang una ko silang tanungin tungkol sa magulang nila, natigilan sila at natahimik. Pagkalipas ng ilang minuto ay sabay silang lumingon sa direksiyon ko.

"Isilang? Sa totoo lang, med'yo napapaisip kami sa iyong mga katanungan sapagkat wala kaming ideya o alaala tungkol sa sinabi mo. Basta, sa tuwing minumulat namin ang aming mga mata ay dito kami sa lugar na 'to at ginagawa ang mga bagay na pinag-uutos ng gobyerno."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita ako ng isang expression mula sa mga mata ni Rhean.

Lungkot

'Yan ang nakita ko sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot din kahit hindi ko mas'yadong naunawaan ang sinabi niya.

Aba! Minsan lang sila nagpapakita ng emosyon kaya dapat hindi ko na palampasin pa, 'di ba?

"Teka. Binibining Rhean, hindi kaya may amnesia lang kayo ng kapatid mo?" Napahawak ulit ako sa bibig ko at saka hinawakan si Rhean sa kanyang magkabilang balikat.

Posible ang sinabi ko dahil sabi niya ay wala raw siyang alaala, pero mukhang mali na naman ang naisip ko dahil inirapan ako ni Rhean at tinanggal ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

"Tss. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo," usal niya pa at muli akong inirapan.

May sasabihin pa sana ako sa kaniya, pero bumukas bigla ang pinto ng opisina at pumasok si Señora Anafe. Nakalimutan ko na kakausapin pa pala niya kami.

"Magandang hapon sa inyo," bati niya sa amin bago umupo sa kanyang upuan, sa harap ng pang-opisina niyang lamesa.


"Magandang hapon po sa inyo, Señora." Bumati rin kami sa kaniya pagkatapos tumayo kami at yumuko sa kaniya bilang pag-galang.

"Maupo kayo."

"Maraming salamat po." Umupo na ulit kaming tatlo katulad ng sinabi ni Señora.

"Narito ang inyong magiging trabaho. Dahit ito ang unang beses na sasama sa inyo si Rosalinda, kayong dalawa ni Rhean Maureen at James Eduard ang aagapay sa kanya. Hangga't maaari ay nais kong matapos n'yo 'yan ng maaga para wala tayong maging problema pagdating ng gabi." Inabot niya sa amin ang isang puting folder at kayumangging sobre.

Kinuha naman ito ni Eduard.

"Nasa puting folder nakalagay ang inyong magiging trabaho at nasa kayumangging sobre naman nakalagay ang pera na maaari ninyong magamit sa inyong trabaho pati na rin ang magiging suweldo n'yo sa trabahong ito. Kung may katanungan ka, Rosalinda ay maaari mong tanungin ang iyong mga kasama. Maaari na kayong umalis."

Tinuro na ni Señora Anafe ang pinto ng kaniyang opisina kaya mabilis kaming tumayo at nagpaalam na sa kaniya.

Grabe talaga siya! Ipapatanong na naman niya ko sa mga kasama kong isang walang kuwenta at isang malabo naman ang mga sagot.

Nakarating kami sa aming kuwarto na walang nagsasalita ni isa sa amin. Hinihintay ko kasing buksan ni Eduard 'yong puting folder para malaman ko kung ano ang magiging trabaho namin. Kaya lang, napasimangot ako nang makitang sinilid na niya ang dalawang hawak sa kaniyang bag na banig.

"Kung hinihintay mong buksan ang folder, matulog ka na dahil bukas pa 'yon bubuksan."

Sumimangot ako lalo dahil sa sinabi ni Eduard. Nakakainis talaga ang lalakeng 'to!

"Teka! Matutulog na tayo kahit hapon pa lang?" Tumingin ako kay Rhean na nagpapalit na naman pala ng damit niya kahit nand'yan ang walang pakialam na si Eduard kasi alam ko siya lang naman ang med'yo maayos sumagot sa mga tanong ko.

"Oo, binibining Rosalinda. Dahil kung nakakalimutan mo ay may trabaho pa tayong gagawin para bukas." Nagtaray na naman ang boses ni Rhean sa akin habang inilulugay niya ang kanyang alon-alon na buhok bago humiga sa kaniyang kama.

Tumango na lang ako at hinalukay ang aking gamit para kumuha ng damit at magtungo sa banyo para maglinis na ng katawan.

Pagbukas na pagkabukas ko pa lang ng gripo ay pumatak na agad ang mga luha ko.

Ito ako kapag walang tao.

Sino bang hindi maiiyak sa sitwasyon ko ngayon? Napunta ako sa three thousands one hundred years kung saan walang ibang nakakaalam ng totoo kundi sarili ko lang.

Makakabalik pa kaya ko sa sarili kong mundo?

Pilit akong nagpapakatatag sa mundong ito kahit na gustong-gusto ko ng sumabog.

Kasaysayan, hinaharap o panaginip lang ito?

Alam ko ang sagot sa katanungan ko, pero nakakatakot talaga tanggapin ang katotohanan lalo na kung batid kong ako lang din ang nakakaalam.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon