ROSALINDA
Pareho kaming tumigil sa paglalakad. Humarap ako sa kay Eduard na may mga luha ng namuo sa aking mga mata.
"Ginoong Eduard."
Napaupo na ko sa sahig nang mapaupo si Eduard.
Niyakap ko siya ng nanginginig ang mga kamay ko, pero binitiwan ko rin siya agad nang makita ang dugo na lumalabas sa kaniyang bibig.
Nilingon ko ang aking kamay na may bahid ng dugo dahil sa paghawak sa kaniyang likuran na timaan ng bala. Sa likod niya kung saan nakasentro ang kaniyang puso.
"Eduard." Muli akong napaluha nang makita ang pagngiti ni Eduard sa akin.
Gusto ko siyang tanungin kung bakit pa siya ngumingiti kahit na may tama na siya ng bala, pero hindi ko magawa. Gustuhin ko man magsalita habang pinagmamasdan siya ay parang may nakabara na sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos.
Unti-onti niyang iniangat ang kaniyang kamay upang hawakan ang aking pisngi at punasan ang aking mga luha.
"Huwag kang umiyak, Binibini." Umubo siya ng dugo pagkatapos niyang magsalita.
"Huwag kang lumuha, Binibini sapagkat-"
"Hindi ka ayos, Eduard! Natamaan ka ng bala. Hindi ka ayos. Hindi ka maayos!"
Ilang beses ko ng pinupunasan ang luha sa aking pisngi, pero hindi siya tumitigil sa paglaglag.
Muli siyang naglabas ng dugo sa kaniyang bibig. "Huwag kang umiyak, Binibini. Ayos lang ako dahil batid ng puso ko na masisilayan kita hanggang sa huling yugto ng aking buhay."
Mabilis ko siyang sinalo nang mapahiga na siya sa sahig.
Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi ko habang hawak-hawak ko siya sa aking bisig. Wala na kong pakialam.
"Salamat dahil tinuruan mo rin akong maging tao, Binibini. Salamat."
"Eduard, mahal din kita. Kaya pakiusap, huwag mo rin akong iwan. Mahal kita, Eduard." Humagulgol ako ng iyak habang nakatitig sa kaniya.
Napangiti siya sa sinabi ko. " Mas mahal kita, Binibini. Dapat pala ay nakipagtalik muna ako sa 'yo bago ang lahat. Nais kong malaman mo ang tungkol sa pagkatao-"
"Tigil! Ayo'ko nang marinig ang lahat ng 'yan. Huwag kanang magsalita. Halika at hihingi tayo ng tulong." Sinubukan ko siyang itayo, pero mas lalo lang siyang napasuka ng dugo kaya hindi ko na lang pinilit at pinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Hindi ko na kaya ang mga nakikita at nasasaksihan ko sa panahon na ito. Hindi ko na kayang makita si Eduard sa sitwasyon niya ngayon.
Samantala, napadilat ako nang may maramdaman akong malambot na dumampi sa aking noo. Nakita ko ang labi ni Eduard na nakalapat sa aking noo. Panandalian lamang 'yon dahil agad din siyang humiwalay sa akin.
"Binibini, bitiwan mo na ko."
Napayuko ako sa sinabi niya. Tila nabingi ako bigla at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang paghikbi ko.
"Ayaw ko, Eduard. Hindi ko kaya."
Pabulong na lamang ang boses na nagagawa ko.
Inangat ko ang aking paningin nang may marinig akong ibang boses sa tabi namin.
"Rosalinda, sumama ka na sa amin hangga't may oras pa."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ang nagsalitang si Andrei kasama ang apat niya pang kaibigan na may dala-dalang baril. Nakatutok ang mga ito sa aking likuran.
"Nalaman na nila ang tungkol sa amin at ang ginawa namin. Gano'n din ang tungkol sa pagkatao mo kaya hindi na tayo ligtas pa sa lugar na ito."
Kung tama ang pagkakaalala ko, Eazel ang pangalan ng babaeng nagsalita.
"Anong sinasabi n'yo? Hindi ako aalis dito. Hindi ko iiwan si Eduard." Umiiyak ko silang tiningnan ng masama.
Lumingon ako sa direksiyon ni Eduard nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko.
"Sumama ka sa kanila, Binibini. Siya si Andrei, ang nagligtas sa atin upang makatakas." Muling umubo ng dugo si Eduard pagkatapos magsalita.
"Ha? Pero ang sabi sa akin ay masasama silang tao. Hindi, Eduard! Hindi ako sasama sa kanila! Hindi kita iiwan." Niyakap ko ng mahigpit si Eduard at humagulgol ng iyak.
"Pakiusap, Binibini." Bumulong sa akin si Eduard.
"Tsk. Don't make things harder for us. Just come with us."
Ngayon ko lang narinig na magsalita ang lalakeng tinatawag nilang JR, pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang 'yon.
"Pakiusap, sumama ka na sa kanila." Muling nagsumamo sa akin si Eduard.
"Tsk. We have no choice."
Nabigla ako sa susunod na nangyari.
Pinilit akong inilayo ni JR kay Eduard, pero hindi 'yon naging madali sa kaniya dahil nagpumiglas ako at hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Eduard.
"Hindi, ayo'ko!"
"Damn! You are pain in my ass! Ano bang iniiyakan mo d'yan? Walang saysay kung magluksa ka pa ng ilang taon sa kaniya dahil hindi naman siya tao!"
"JR, watch your mouth!"
Nanlamig yata ako bigla sa aking narinig at tuluyang napabitaw kay Eduard.
Pinagmasdan ko si Eduard para malaman ang reaksiyon niya sa sinabi ni JR, pero isang ngiti lang ang ginawad niya sa akin. Mas lalo akong nanlumo, pero hindi pa rin magawang tanggapin ng utak ko ang nalaman.
"H-Hindi totoo 'yan. Paano mangyayari ang sinasabi n'yo? Tao siya. Kawangis niya tayo."
"Tss. Don't you ever say that because you're not even born from this era."
Mas lalo akong natigilan sa sinabi ni JR. Paano niya nalaman ang tungkol doon?
"JR! Hindi pa na 'tin p'wedeng sabihin dito sa kaniya ang tungkol d'yan!" sigaw ni Andrei habang nakikipagbarilan sa mga guwardiya civil.
Hindi sumagot si JR sa kaniya at sinamaan lamang ito ng tingin.
Muli kong binalik ang tingin ko kay Eduard. Halos mawalan na ng buhay ang mga mata niya dahil nanghihina na talaga siya, pero hindi niya pa rin inaalis ang pagkakangiti sa akin.
Muling tumulo ang mga luha sa mata ko. Bigla akong binuhat ni JR na tila isang sako ng bigas at inilayo kay Eduard. Nagpumiglas ako sa kaniya upang makababa, pero balewala lang sa kaniya ang paghampas na ginagawa ko.
"Pakiusap, ibalik mo ako kay Eduard." Lumuluha kong pakiusap dito.
"I'm sorry, Rosalinda. We need to do this."
Lumingon ako sa direksiyon ni Sierge at ngumiti siya sa akin.
"Denny, tanggalin mo na ang makinang nagbibigay buhay kay Eduard."
Pinagmasdan kong tumango si Denny sa utos ni Andrei at naglakad siya patungo sa direksiyon ni Eduard. Iniangat niya ang suot nitong polo at diniin ang kaniyang hinlalaki sa gitna ng dibdib nito. Napaiyak na lang ako nang makitang biglang bumukas ang isang maliit na bahagi sa kinaroroonan ng baga ni Eduard.
Nadako ang paningin ko sa wala nang expression na mga mata ni Eduard. Kapansin-pansin ang luhang tumutulo dito habang nakangiti pa rin ang kaniyang labi.
"Binibining Rosalinda, maaalala mo pa kaya ako sa oras na bumalik ka na sa totoo mong mundo?"
Iyon na ang huling salita na narinig ko mula kay Eduard dahil may isang bilog na bagay na tinanggal si Denny mula sa bahagi ng kaniyang katawan na nakabukas at tuluyan na siyang binawian ng buhay.
"Eduard!"
Dahil sa halo-halong emosiyon na naramdaman ko ay tuluyan na rin akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
✓DON'T LOVE
Teen FictionBakit ba kailangan pang magmahal? "Kailangan ba talagang mamili sa pagitan ng buhay, pero walang pag-ibig? O Pag-ibig, pero walang buhay?" Tao ka kung nagmamahal ka. Pero, mamamatay ka kung magmamahal ka. Handa kana bang makapunta. . . Sa mundong w...