Kabanata 44

8 3 0
                                    

ROSALINDA

Nakasandal ako sa puno ng mahogany habang dinadama ko ang ihip ng hangin. Noon, maaari pang malanghap ng mga tao ang sariwang hangin sa probinsya, pero sa panahon na ito ay mukhang wala ng malalanghap na sariwa.

Lumingon ako sa katabi ko na nakaupo sa aking kanan. Nakasandal lang siya sa puno habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"JR, dapat ba tayong magtagal sa puwesto na 'to? Baka mamaya ay patayin na lang tayo bigla rito."

"Huwag kang mag-alala. Kasama mo ko."

Sumagot sa akin si JR, pero nakapikit pa rin ang mga mata niya. Nakakainis naman.

"Kahit na. Marami sila, dalawa lang tayo. Anong laban na 'tin sa kanila?"

"Don't worry. Basta. Magpahinga ka lang muna."

Napasimangot ako sa naging tugon ni JR. "Okay, fine."

Para mabawasan ang inis at kaba na nararamdaman ko sa aking sistema ay tumingala na lamang ako sa kalangitan. Kahit saan banda yata ako tumingin ay wala na kong makitang magandang tanawin. Kahit sa taas ng kalangitan ay may nakikita akong high technology na mga riles. Ito ay dinadaanan ng mga sasakyan na maaaring magamit sa himpapawid.

"JR, maaari ba kong kumanta?"

This time, hindi na sumagot sa akin si JR. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimulang kumanta habang nakatingin sa malawak na langit.

You and I, cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say
I feel that I have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that I can go

Suddenly our destiny has started to unfold
When you're next to me
I can see the greatest story love has ever told

Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you
I always thought that love would be the strangest thing to me
But when we touch
I realize that that I found myself heaven by your side

"Anong kanta 'yan?"

Nahinto ako sa pagkanta nang marinig ang boses ni JR. Lumingon ulit ako sa direksiyon niya at ngayon ay nakabukas na ang kaniyang mga mata. Nakatingin din pala siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa.

Sa tagal na panahon kaming nagkasama, parang ngayon lamang ako nakaramdam ng kakaiba habang nakatitig sa kulay blue niyang mata. Parang may iba pa siyang gustong sabihin sa akin, pero hindi niya masabi-sabi.

Ano kaya 'yon?

Pagkalipas ng ilang minuto ay kapwa kami umiwas ng tingin sa isa't-isa.

"Iyong kanta ba? Heaven by your side ang pamagat ng kantang 'yon. Ilang dekada ang layo at pagitan ninyo sa panahon ko kaya siguradong hindi n'yo na narinig ang kantang ito ngayon. Isa pa, nineteen hundred pa sumikat ang kanta na 'yon. Kaya mas matanda na talaga siya." Tumawa ako ng mapakla. Teka. Napahaba yata ang pananalita ko.

Dahan-dahan akong lumingon kay JR at parang tumalon bigla ang puso ko nang muling magkabanggaan ang aming paningin.

"Alam mo, sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig ng kantang walang halong computer. Isang natural na boses lang kaya para sa akin, napakaganda nito," nakangiting pahayag ni JR.

Parang may bulate sa katawan ko ang bigla na lang lumikot nang ngitian ako ni JR. Isang uri ng ngiti na ngayon ko lang nakita sa kaniya. Hindi ko tuloy malaman ang ire-react ko.

Bakit kasi parang nag-iba bigla ang pakikitungo sa akin ni JR? Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at binago na lamang ang usapan. Parang may familiar na pakiramdam kasi akong nararamdaman ngayon na iniiwasan kong maramdaman pa.

"E? Uso pa ba ang television sa panahon ngayon?" Dahil sa tanong ko ay pansamantalang nabaling sa iba ang paningin ni JR.

"I don't know kung may matatawag na television ang mga gamit ng tao ngayon. May mga naimbento sa panahon ngayon na kapag gusto mong makipagkita sa kung sino ay magagawa mo gamit ang device na 'yon. You can actually meet them by the ways of hologram. Makikita mo in person ang ginagawa nila that time, ang suot nilang damit at kung nasaan sila."

Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa narinig. Kung gano'n, pati paraan ng communication ay nagbago na rin pala. Maraming mga nakakamanghang bagay na ang nasaksihan ko sa panahong ito, pero hindi pa rin ako masaya sa mga taong nakikita kong namumuhay ngayon.

They totally forgotten the essence of life.

Tumayo ako mula sa pagkakasandal sa puno at nag-unat ng kamay. "JR, p'wede na ba tayong umalis dito ngayon? Ilang oras na rin naman tayong nakapagpahinga. Alam kong mas'yadong kampante ka. O, sige. Naniniwala na rin ako sa sinasabi mo kanina. P'wede na ba-" Lumingon ako sa direksiyon ni JR dahil parang hindi siya kumikibo at napasimangot ako nang makitang nakatulala pala siya at tila may malalim na iniisip.

Sabi na nga ba. Hindi siya nakikinig sa akin. Napairap ako sa aking nakita at tumayo ako sa harapan niya.

"JR?"

Wala sa sariling lumingon sa akin si JR pagkatawag ko sa pangalan niya. Napansin ko sa mga mata niya ang lungkot habang tinititigan ako.

Napaatras ako ng isang hakbang. Parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso habang nakatitig sa mga mata niya.

Hindi ko 'yon kayang titigan ng matagal. Pakiramdam ko, kapag tinitigan ko pa 'yon ay masasaktan ang puso ko.

Ano bang trip ni JR ngayon? Bakit ganito ang nagiging reaction at nararamdaman ko?

Tumayo si JR at pinagpag ang nadumihan niyang pantalon. "A, may naalala lang ako."

Lumingon sa akin si JR at parang nakaramdam ako ng ginhawa nang makitang bumalik na sa dati ang mga mata niya.

Teka. Bakit naman ako makakaramdam ng ginhawa? Hindi naman kami close ng lalakeng 'to. Pagkatapos ay palagi pang mainit ang ulo niya sa akin. Tss.

Biglang nag-flash sa isipan ko ang mukha ng babaeng nakita ko ilang linggo na ang nakakalipas. Lumingon ako pabalik kay JR at huminga ng malalim.

Sana ngayon ay masagot na niya ko.

"JR, sino ba talaga 'yong-" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang akong yakapin ni JR.

Isang mahigpit at mainit na yakap. Unti-onti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Parang nahuhulog na yata ako sa taong ito.

✓DON'T LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon